Chapter 21 - Endless Night

18 10 0
                                    

Date: May 26, 2020
Time: 9:30 A.M.

Kakarating lang ni Jin sa kanilang Office room na tagaktak ang pawis. Kakapasok pa lang niya pero pakiramdam niya ay pauwi na ang nararamdaman niyang pagod. Paika-ika ang kanyang lakad at may nakalagay pa rin na cast sa kanyang braso dahil sa pilay na natamo niya sa basketball finals. Papunta na siya ng kanyang desk nang napansin niya na punong puno ng gamit ang desk ni Chris nang madaan siya dito. Dahil wala pa si Chris, ay tiningnan niya ang mga gamit na nakatambak sa desk ni Chris at laking gulat niya nang matuklasan kung ano-ano ang mga gamit na ito.

"Whaaat! Totoo ba 'tong nakikita ko? Bakit ang dami!"

Nagulat si Jin sa nakita niyang kumpol na mga regalo sa desk ni Chris. Halo-halo ang mga nakalagay at may inumin, foods, snacks, pabango at mga letters.

"Sikat ka na pala ngayon Chris? Kahapon lang nagsimula lahat, iba ka talaga!" natatawa na sinabi ni Jin habang pinagmamasdan ang mga regalo, "Pero, bakit parang-" tiningnan ni Jin ang mga nakasulat sa mga gift na bigay kay Chris, "'Sana magustuhan mo 'to Chris, from Jack', 'Ang cute mo, from Paul', 'Sana akin ka na lang, from Mark'. Ano 'to? Bakit puro lalaki!" naiinis na sinabi ni Jin.

Pagkatapos niyang tingnan ang mga regalo ay padabog niya itong inilapag sa desk ni Chris at tumungo na siya sa kanyang desk, upang ayusin ang kanyang mga gamit at para hintayin na rin si Chris na dumating. Gusto niya makita kung ano ang magiging reaction ni Chris sa oras na makita nito ang mga regalo na desk.

Naunang dumating si Jade, at napadaan din siya sa desk ni Chris. Nagulat siya sa kanyang nakita, kaya agad siyang lumapit kay Jin.

"Nakita mo ba 'yun, Jin? Ang daming regalo ni Chris! Halo-halo, pero parang mas maraming boys ang nagbigay ng mga regalo sa kanya! Ayie! Nakakatuwa naman, sikat na si Chris!" kinikilig na sinabi ni Jade.

"Ano naman nakakatuwa doon, Ms. Jade? Sus! Lahat ng binigay nila, hindi naman gusto ni Chris 'yun! Hmmp!" naiinis na sinabi ni Jin.

"Oy? Bakit ka naiinis? Ha? I smell jealousy in this room and the scent is too strong! Ang sangsang!" asar ni Jade.

"Hala? Bakit ako magseselos, Ms. Jade! Sino ba sila?" natatawa na sinabi ni Jin.

"Hmmm. 'Wag ako Jin! Ikaw rin, 'pag hindi ka gumawa ng moves d'yan at hindi mo pa pinapakita na sa'yo lang si Chris, baka may ibang umangkin sa kanya! Sige ka, sikat na si Chris ngayon and hindi malabong maraming manligaw sa kanya at suyuin siya!" patuloy na asar ni Jade.

Wala nang nasabi si Jin at napabuntong-hininga na lang siya at napailing.

Kakarating lang ni Chris at pumasok na siya sa Operations Room. Dumiretso na siya sa kanyang desk, at nagulat siya sa nadatnan niyang mga regalo.

Nakangiti si Chris nang makita niya ang mga ito at tiningnan niya isa isa kung kanino galing ang mga natanggap niyang mga regalo.

"Jack, Mark, Paul, Steven, Larry... Jerry. Bakit, puro lalaki?" natatawa na sinabi ni Chris sa kanyang sarili.

Pinagmamasdan lang siya ni Jin na nakasimangot at nakakunot ang noo, dahil nakikita niya na tila natutuwa si Chris sa mga regalo na nakita nito.

"Oh tingnan mo 'yan? Ngayon mo sabihin na hindi ka naiinis? Look at your kilay! Malapit na magsalubong! Nagseselos ka, Jin! 'Wag ako at wala kang maloloko dito kaya please lang!" hirit ni Jade habang nirerelax niya ng kanyang index finger ang nakakunot na noo ni Jin.

March 2020/1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon