Date: June 6, 2020
Time: 11:00 P.M.Chris' POV
Nakahiga lang ako sa buhangin ng Kanaway beach at nakatingin ako sa madilim na kalangitan. Habang tinitingnan ko ang mga bituin at ang buwan na nagbibigay liwanag sa aking paningin, ay siya namang paghampas ng napakalamig na alon sa aking mga paa.
Napakatahimik at payapa ang tunog ng mga alon sa aking pakiramdam, ngunit sa kabila nito, ay may napakalalim na kalungkutan ang bumabalot sa aking puso't isipan.
Naalala ko na naman ang mga narinig ko sa usapan nila papa at Jin. Alam ko na may hindi magandang mangayayari noong araw na 'yun, dahil sabi nga nila na kapag masaya ka daw, may kapalit itong kalungkutan.
Chris' Flashback
Date: May 26, 2020Hinding hindi ko makakalimutan ang umaga na ako at si Jin lang ang magkatabi habang magkayakap kaming dalawa sa aking kama.
Binibilang ko lamang ang buong oras na kasama ko siya at hinihiling nasa sana'y hindi ako tumigil sa pagbibilang ng oras, dahil sa oras na tumigil ako, alam ko na aalis na siya.
Hindi ako natulog sa buong oras na kasama ko si Jin at kayakap sa kama. Hindi ko kaya na gumising na wala na siya sa tabi ko.
5:45:57
'Yan ang huling bilang ko sa oras pagkatayo ni Jin sa kama ko at humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Gusto ko sana maging makasarili at hindi na siya paalisin sa tabi ko, ngunit naalala ko na hindi ko hawak ang mundo niya, bagamat hawak niya ang sa akin.
Nagkunwari lang akong tulong hanggang sa lumabas na siya sa aking kwarto. Ngunit pagkalabas niya, bigla ako nakaramdam ng "uneasiness" sa aking sarili. Para bang may mangyayaring hindi maganda at hindi mapakali ang utak at puso ko.
Limang minuto pa lang ang nakalipas nang tumayo ako sa aking kama at lumabas upang sundan si Jin. Pababa pa lang ako ng hagdan patungo sa living room, ngunit naririnig ko na sumisigaw si papa.
Sa puntong iyon, alam ko na nagkita na silang dalawa ni Jin at alam ko na may hindi magandang mangyayari. Tumungo ako sa pintuan ng aming dining area ngunit hindi ako pumasok o nagpakita at nagtatago lamang ako sa labas para pakinggan ang pinag-uusapan ni Jin at ni papa.
Kabado ako at sobrang bilis ng tibok ng aking puso habang pinapakinggan ko ang pag-uusap nila, dahil dumating na ang araw na kinatatakutan ko.
"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko, Mr. Jin. Hindi mo kilala kung sinong kaharap mo at kung anong kaya kong gawin! Kung gusto mo na walang mangyaring masama kay Chris, lumayo ka sa kanya." narinig ko na sinabi ni papa.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko! Jin, patawarin mo ko. Ayaw kong umabot sa ganito. Hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sa'yo. 'Wag ka mag alala, ako ang gagawa ng paraan. Hindi ka na mahihirapan."
"Mr. Jill, ihatid niyo na si Mr. Jin sa bahay nila. Siguraduhin niyong hindi na siya makakabalik ng bahay ko." narinig ko ulit na nagsalita si papa.
"Wag po kayo mag-alala Mr. A. Hindi ko na po lalapitan si Chris. Pero isa lang po ang sasabihin ko. 'Wag niyo po hayaan na si Chris ang lumayo sa inyo. Ikaw na lang po ang mayroon siya, pero pakiramdam niya wala na din siyang tatay. Ayokong maramdaman ni Chris 'yung pakiramdam ng walang magulang. 'Wag niyo pong hayaan na maramdaman 'yun ni Chris habang nandito pa kayo." narinig ko na sinabi ni Jin.
Nang marinig ko ang sinabi ni Jin, dito na nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Sobra akong nasaktan dahil ayaw kong lumayo si Jin sa akin. At ang pinakadumurog sa puso ko, ay ang marinig ko galing sa kanya na lalayuan niya na ako.
BINABASA MO ANG
March 2020/1 (BL)
Science-FictionIto ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin, na makakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay-si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala ng ibang ninais si J...