Date: March 30, 2020
Time: 5:30 P.M.Ganitong ganito ang init na naramdaman ko noong gabi na ginawa rin sa akin ni Jin ito. Hindi ko makakalimutang ang gabi na 'yun kung saan lumalakas na ang pagpatak ng ulan, at dahil pareho kaming walang payong, hinubad niya ang kanyang t-shirt at ipinatong sa ulo ko. Ang sabi niya sa akin, okay lang daw na mabasa siya, 'wag lang daw akong magkasakit. Iyon ang gabi na pinakatumatak sa isipan ko. Doon ko napagtanto na kay Jin unang tumibok ang puso ko, at siya ang pinaka unang taong nagustuhan ko.
Chris' Flashback
Natatandaan ko pa 'yung unang beses na nagkakilala kaming dalawa—June 25, 2015.
Ito ang unang araw ko bilang isang college student sa course na ECE or Electronics Engineering. Ang goal ko lamang ay maka-graduate dahil ang gusto ni papa, after ko sa college, ako na ang hahawak sa business niya which is nagpo-produce ng mga advanced electronic gadgets and technologies.
Nasa room na kaming dalawa ni Rjay at naghihintay na lamang sa aming professor para sa first subject namin which is 8:30 a.m. pa naman ang simula. Habang wala pa ang professor, nagmasid-masid muna ako sa buong room.
Malawak ang room namin at kung ieestimate ko ang dimension, malamang nasa 960 square feet ito. May 9 tables na naka 3 by 3 ang ayos at kada table naman ay may tatlong upuan. Nasa pinakagitna kaming table ni Rjay sa pwesto namin, ako ang nasa kaliwang upuan habang siya naman ang nasa gitna at sa kanan niya ay bakante at walang nakaupo. 27 kaming lahat sa isang section at blockmates rin kami, meaning, sa buong 5 years, kami-kami lang din ang magiging magkakasama. Buti na lang at nandito si Rjay, at kahit papaano, may close ako at hindi ako masyadong mababagot. Magkababata kami ni Rjay dahil magkaibigan ang papa ko at ang dad niya kaya halos sabay na kaming lumaki dalawa noong nasa grade three na ako.
Lagi kaming magkasama ni Rjay kahit saan. Nakabuntot ako sa kanya madalas at gano'n din siya sa akin. Siya lang din ang pinaka-close ko at kung tutuusin, ang nag-iisa kong kaibigan simula pagkabata. Ako kasi 'yung tipo ng tao na walang masyadong kaibigan. Napakamahiyain ko kasi at hindi ako masyadong confidennt sa sarili ko. Hindi rin ako sociable kaya kung hindi mo ako kakausapin, hindi rin kita kakausapin—ganoon ako.
Nakikita ko na ang iba nagkukwentuhan na sa loob ng room namin at may mga nabuo na agad na mga bagong kaibigan. Samantalang kaming dalawa ni Rjay, ito, tahimik at tila may sarili kaming mundo. Napansin ko rin na lahat ay occupied na ang upuan, maliban na lamang sa table namin ni Rjay na may vacant pa sa kanan niya. Walang may gustong tumabi sa amin ni Rjay, paano ba naman, kada may nagtatanong kung may nakaupo ba o wala, tinitingnan niya ng masama at natatakot tuloy sa kanya. Isa pa, matapang rin ang itsura ni Rjay, kaya naman nai-intimidate siguro sila.
26 pa lang kami ngayon sa room, kasama ako, at may isang student na lang ang hindi pa nakakarating. Tiningnan ko ang oras sa aking phone at 8:15 a.m. pa lang naman kaya makakahabol pa 'yung tao na iyon, tingin ko. Kinakabahan lang ako para sa taong ito, dahil si Rjay ang makakatabi niya.
Habang naghihintay pa rin kami na mag start ang class, kinuha ko ang book sa aking bag at nagbasa muna. Hindi ko din kasi makausap si Rjay dahil naglalaro siya sa kanyang phone at tiyak kong hindi niya gugustuhing maistorbo siya. Nagbabasa lang ako ng libro nang may napansin akong lalaki na nakatayo sa kanan ni Rjay katabi ng vacant na upuan.
“Siya na siguro 'yung pang-huling blockmate namin dahil isa na lang ang kulang noong binilang ko ang mga tao na nandito sa room kanina.” nasa isip ko.
Hindi ko na siya pinansin at tuloy lang ako sa pagbabasa ng libro. Naririnig ko siya na tinatanong si Rjay kung may nakaupo ba sa vacant na seat. Narinig ko si Rjay na sinabi niyang “wala” at hindi pinapansin ang taong nagtatanong sa kanya dahil focus pa siya sa paglalaro. Ineexpect ko na uupo na itong tao na 'to pagkatapos niyang marinig ang sagot ni Rjay. Pero hindi siya umupo! Kaya naman, natatakot na ako sa mga susunod na mangyayari. Kinabahan ako dahil baka mairita si Rjay, at pag naiirita pa naman siya, matatakot ka talaga sa kanya.
BINABASA MO ANG
March 2020/1 (BL)
Bilim KurguIto ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin, na makakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay-si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala ng ibang ninais si J...