Date: June 16, 2020
Time: 11:30 A.M.Music Box playing in background.
Isang linggo na ang nakalipas nang ipinadala ni Mr. A. si Chris sa Japan upang hawakan ang business nila. Nasa isang kwarto lamang si Chris sa bahay na tinutuluyan niya sa Japan, nakahiga at nakatitig lamang siya sa isang kalendaryo na nakasabit sa wall.
June 16, 2020 - Day 7
"Kamusta na kaya si Jin? Okay lang kaya siya? Ano na kaya nangyayari sa kanilang lahat? Namimiss ko na sila." Nagsasalita si Chris mag-isa sa kanyang kwarto habang nakahiga sa kama at patuloy na lumuluha ang kanyang mga mata sa pagkabalisa. Dahil nalulungkot si Chris, tumayo siya mula sa pagkakahiga, sinara ang music box na bigay sa kanya ni Jin, at naisipang lumabas sandali upang magpahangin.
Bago niya isara ang kanyang gate, napatingin siya sa kanyang mailbox at napansin na may nakasingit na letter dito. Kinuha niya ito at binasa.
June 13, 2020
Hi Chris,Si Jin 'to! Nakaabot ba sa'yo itong letter ko? Wala ka na kasing Fb, Messenger, maski Viber or kahit anong app na pwede kitang macontact. Kaya ito na lang ang huli kong pag-asa. Kung mabasa mo 'to, 'wag mo kalimutan mag reply ah? Okay lang kami dito Chris, 'wag ka mag alala.
Alam mo ba, may project tayo na gagawin, 'yung time machine! Na-approved na! Gulat ka 'no? Akala mo nagjo-joke ako? Totoo 'to! May picture akong sinama sa letter para maniwala ka. Haha!
Sana nga nandito ka, siguro mas mapapadali kami sa paggawa. Kailangan namin ng tulong mo! Haha! Pero kakayanin namin 'to. Kinakamusta ka pala din ni "Sir Jon" mo! Hmmp! Magpadala ka daw ng pictures mo d'yan.
Nakakatawa, para tayong nasa old times noong hindi pa uso internet at snailmail pa lang ang mayroon. Pero wala na kong choice! Hihintayin ko 'yung letter mo pagkatapos nito ah? Hintayin kita bumalik! Pagbalik mo, gawa na 'tong time machine. Mababalikan na natin 'yung mama mo, tsaka makikita mo na siya. Kasi sabi mo noong nanalo ka sa contest, gusto mo siya makita 'di ba? O sige, Bye Chris!
-Jin
Hindi ito inaasahan ni Chris, kaya halos maiyak siya sa tuwa nang mabasa niya ang letter ni Jin. Tiningnan niya rin ang sinasabi niyang picture na sinama nito sa letter. Bumuhos ang luha niya habang tumatawa dahil wacky picture ang pinadala nito kung saan kasama sina Jin, Jon, Rjay, Luna at Jade. Dahil dito, nagpasya siyang pumasok muli sa kanyang bahay at nagsulat ng letter para sagutin si Jin at agad na maipa-abot ito.
June 16, 2020
Hi Jin,Nabasa ko 'yung letter mo! Nakakatawa nga 'no? Para tayong mag-penpal nito! Haha! Okay lang ako dito, Jin, mababait ang mga tao dito. Tapos, 'yung mga taong hinahawakan ko sa company, lahat sila mababait sa akin kaya wag ka mag alala sa akin dito. Lahat nga sila binabantayan ako. Hindi nila ako hinahayaang magutom o mapagod. Baka pagbalik ko d'yan mas malaki na katawan ko sa'yo! Haha!
Sorry pala, Jin, hindi ako pwede mag activate ng account ko ngayon. Ayoko kasi na mahuli ako ni papa. Alam mo naman na maraming connection 'yun at malalaman niya na nag-uusap pa rin tayo kumpara sa ganito. Hindi niya na siguro 'to maiisip 'no? 'Pag nabasa mo 'to, mag-reply ka ah? Hihintayin ko kahit gaano katagal.
Natutuwa naman ako na ginagawa niyo yung time machine! Gusto ko 'yan! Sabay natin puntahan si mama, ipapakilala kita sa kanya. Matutuwa 'yun sa'yo! Okay, Jin, hanggang dito na lang muna. Bye! :)
-Chris
Pagkatapos niya maipadala kay Jin ang kanyang letter, walang araw na hindi nag abang si Chris na dumating ang reply nito. Kada araw, bago siya pumasok o umuwi galing trabaho, lagi niya tinitingnan ang kanyang mailbox kung may dumating na ba na sulat.
BINABASA MO ANG
March 2020/1 (BL)
Ciencia FicciónIto ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin, na makakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay-si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala ng ibang ninais si J...