3 Months Later
Date: July 21, 2021
Time: 7:30 A.M.
"Ang ingay... bakit andami kong naririnig sa paligid ko? Sandali, anong oras na ba? Nakatulog ba ako?"Nagising si Chris dahil sa ingay ng paligid na kanyang naririnig. Minulat niya ang kanyang mga mata at nagulat siya sa kanyang nakita. Pinalilibutan siya ng lahat ng kanyang kasama sa Operations Team pati na rin sina Luna at Jade at lahat ay nakatingin sa kanya.
"Rise and shine, cutie! 7:30 a.m. na. Nakatulog ka ata dito sa laboratory." bati ni Jade.
"Chris, gising ka na ba?" tanong ni Luna.
"Huh? Anong sabi mo?" sagot ni Chris habang nakahiga pa siya sa sahig at hinahaplos ang kanyang mga mata.
"Nakatulog ka na naman ata sa laboratory, Chris. Hindi ba masakit 'yung katawan mo? Nakahiga ka d'yan sa sahig." nag-aalalang tanong ni Jade.
Umupo si chris mula sa pagkakahiga at natawa siya sa kanyang sarili.
"Sorry, nakatulog pala ako! Okay lang ako. Sabi ko mag power nap lang ako, kaso napasarap ata!" natatawang sagot ni Chris.
Nakahinga ng maluwag ang lahat ng kasama nila sa laboratory.
"Oh, bakit parang napanatag lahat ng loob niyo?" tanong ni Chris at nagtataka sa reaction ng lahat.
"Chris... it's time! Natapos na natin!" kinikilig na sinabi ni Jade
"Chris! Pakita mo sa amin lahat, dali! Explain mo sa amin, lalo na sa akin kung paano siya gagana! Gusto ko din makita yung design ko! Hihi!" nakangiting hirit ni Luna.
Tumayo si Chris at pumunta kung nasaan nakapwesto ang nabuo nilang time machine. Sinundan siya ng lahat at nakatingin lamang sa kanya.
Nagsimula na si Chris i-explain ang bawat detalye at function kung pano gagana ang time machine. Pinakita niya kung paano at saan pwedeng ayusin ang date and time sa isang capacitive touch screen na configuration box at ang mangyayari sa transporter sa simula na gumana ito.
Kinuha rin ni Chris, ang isang relo na kukumpleto sa time machine na dinagdag niya sa planning material ni Jin, at kanya itong ipinaliwanag.
"Itong relo na ito, na nakikita niyo—" naputol ang sasabihin ni Chris dahil biglang sumingit si Luna.
"Ops! Design ko 'yan! Kami ni Ms. Jade nag effort niyan!" confident na hirit ni Luna.
Natutuwa naman si Jade at tila sumasayaw ang mga balikat niya sa tuwa.
"Go Chris, tuloy mo na, 'wag mo kami pansinin ni Luna dito!" natatawang sinabi ni Jade
"Salamat Luna and Ms. Jade, sa pagdesign nitong relo na part ng time machine. Itong relo na nakikita niyo, ito ang magiging sagot natin para kung sino man ang gumamit ng time machine, ay makakabalik siya sa tunay na oras natin at saan man naisin pumunta habang nasa ibang panahon. Sa ngayon, isa pa lang ang nagagawa natin, so isang tao pa lang ang pwedeng gumamit ng time machine..." paliwanag ni Chris habang pinapakita niya sa lahat kung paano gagamitin ang relo sa oras na nais bumalik ng taong gagamit nito sa tunay nitong oras at kung nais rin nitong pumunta sa ibang oras.
"Wow! Parang naging portable na pala tong time machine! Alam mo Chris, ito yung sagot sa problema ni Jin! Ngayon Hindi lang natin maliligtas si Jin, magiging maganda din ang output nito para sa company!" natutuwang hirit ni Jade at sumangayon naman ang iba pa nilang mga kasama.
"Teka! Kinakabahan ako, Chris, paano natin malalaman kung successful 'to?" tanong ni Luna.
"'Yan ang susunod nating aalamin." nakangiting sagot ni Chris kay Luna.
BINABASA MO ANG
March 2020/1 (BL)
Science FictionIto ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin, na makakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay-si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala ng ibang ninais si J...