Date: April 4, 2020
Time: 6:30 P.M."Rjay, saglit lang ah? May titingnan lang ako. Parang kilala ko kasi 'yung nakikita ko eh." paalam ni Jin habang hinihintay ang kanilang sukli sa pinagbilhan nila ng oysters.
"Sige, sundan na lang kita. Hintayin ko lang 'tong sukli natin."
Umalis na si Jin sa stall ng mga seafood kung saan sila namimili ni Rjay, at pinuntahan niya ang lugar kung saan nakatayo ang taong parang pamilyar sa kanya. Nakatalikod ang taong ito, kaya naman dahan-dahan niya itong nilapitan.
"Holdup 'to! 'Wag kang kikilos!"
Tinutok niya ang kanyang ballpen sa likod ng taong pamilyar sa kanya upang biruin ito. Natatawa siya dahil sa biro niya sa taong ito, ngunit pagkaharap ng taong binibiro niya—
Smack!
Biglang nawalan si Jin ng malay dahil sa lakas ng sapak na kanyang tinamo—si Jon pala na nakatalikod at namimili ang namukaan ni Jin.
Akala ni Jon ay hinoldap talaga siya kaya naman napalakas ang kanyang pag sapak kay Jin pagkaharap niya at hindi niya na napigilan ang kanyang sarili.
"Ako pa talaga sa laki kong 'to ang nanakawan mo ah! Sino ka ba?" Tiningnan ni Jon kung sino ang taong nasapak niya na nakahandusay na sa sahig. "Whaaaat! Ikaw pala 'yan, Jin!" Nanlaki ang mga mata ni Jon at tila nag-alala sa ginawa niya. Tiningnan sila ng mga tao sa kanilang paligid dahil sa di inaasahang pangyayari, at hindi rin naman niya sinasadya na masapak ang batang Jin dahil nagbibiro lamang ito.
Kakakuha pa lang ni Rjay ng sukli sa pinagbilhan nila ng oysters. Hinanap niya si Jin dahil bigla ito nawala sa paningin niya. Nakita niya na may mga taong nagkukumpulan kaya pinuntahan niya ito at nakita niya si Jin na nakahandusay sa sahig at agad niya itong nilapitan.
Ginigising ni Rjay si Jin ngunit hindi ito nagkakamalay. Habang tinatapik niya ang mukha nito at kinakabahan sa nangyari, biglang nagsalita si Jon na medyo naiinis.
"Ayan kasi, may mga biro na hindi nakakatawa."
Tumingin si Rjay ng masama sa nagsalita, at nang makita niya na si Jon pala ito-
"Kayo po pala 'yan, Kuya Jon! Kayo po ba may gawa nito?"
"Oo, hayaan mo na siya. Magiging okay din mamaya si Jin. Matatauhan din siya! Magaling talaga sa kalokohan eh!" natatawang sagot ni Jon.
"Napalakas po ata 'yung sapak niyo sa kanya, Kuya Jon?"
"Oo nga eh. Ako na bahala sa kanya. Bubuhatin ko na lang muna si Jin. Teka, tapos na ba kayo mamili?"
"Malapit na po. Isa na lang bibilhin namin."
"Ah, dairy products na lang ba?"
"Paano niyo po nalaman?"
"Ito na naman ako, advanced magisip! Mahuhuli ako nito eh!" napagtanto ni Jon sa kanyang isip, "Nakita ko kasi 'yung binili mo, mukhang magluluto ka ng baked oysters. Nakita ko 'yung ingredients mo dairy products na lang kulang." palusot niya
"Opo 'yun na lang. Hmmm, paano kaya 'to?"
"Wag ka mag alala, samahan na lang kita. Bubuhatin ko na lang si Jin sa likod ko. Ako na lang tutulong sa'yo na maghanap ng mga magagandang quality para sa gagawin mo." nakangiting sagot ni Jon.
"Thank you, Kuya Jon!"
Habang kausap ni Rjay si Jon, ay nakatitig lamang siya sa mga mata nito at hindi mapalagay sa kanyang nakikita. Weird para sa kanya, dahil pakiramdam niya ay kay si Jin ang kinakausap niya at nakikita. Napapansin niya ito sa mga mata at ngiti ni Jon, ngunit iniisip niya na lamang na dahil magkapatid sila, at may mga similarities silang dalawa.
BINABASA MO ANG
March 2020/1 (BL)
Science FictionIto ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin, na makakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay-si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala ng ibang ninais si J...