Date: March 22, 2020
Time: 4:30 P.M.Nakatulala lamang ang batang Jin at ang mga kaibigan niya kay Jon na nakayakap kay Chris. Wala silang masabi o magawa dahil sa bilis ng mga pangyayari.
"Umm, Sir, may problema po ba? Bakit po kayo nakayakap sa akin?" tanong ni Chris habang tinitingnan ang mukha ng nakayakap sa kanya.
Habang ang lahat ay nakatulala, may motor na napakabilis ng takbo ang biglang dumaan sa tabi nila at nadaanan ang puddle ng tubig sa kalsada at tumalsik ito. Biglang umiba ng direksyon si Jon at hinarangan niya ang tubig na nag splash dahil sa bilis ng pagtakbo ng motor na sana tatama lahat kay Chris dahil nakatayo ito sa gilid ng kalsada.
Splash!
Basang basa ang likod ng t-shirt ni Jon dahil sa tubig na tumalsik, at dahil dito, nagulat na naman sina Jin at ang mga kasama niya. Nakanganga silang lahat at hindi pa rin makapagsalita. Nagtitinginan lang sila sa isa’t isa at ang mga mata lang nila ang gumagalaw dahil hindi na din nila alam ang sasabihin.
Bumitaw na si Jon mula sa pagkakayakap kay Chris, at tiningnan niya ang nabasang part ng t-shirt sa kanyang likod. Habang ang lahat ay nagulantang sa nangyari, biglang nagsalita si Jin.
"Kuya Jon! Ano bang ginagawa mo?"
"Kuya Jon?" sabay na nagsalita sina Rjay at Luna at tila gulat na gulat ang dalawa.
"Kapatid mo siya, Jin?" tanong ni Luna kay Jin.
"Sandali, parang 'di ko narinig or wala 'akong alam na may kapatid ka? 'Di ba only child ka lang?" tanong naman ni Rjay kay Jin.
"Ano kasi—" tila Naubusan ng sasabihin si Jin, "Paano ko ba 'to ipapaliwanag?" Napatingin siya sa sa mga mata ni Jon na parang nangungusap na tulungan siya magpalusot.
"Pasensya na kayo, kapatid ako ni Jin. Masyado kasing private yung family namin kaya siguro hindi niyo ko naririnig pag pinag-uusapan ang tungkol sa buhay niya." palusot ni Jon, "Hindi kasi kami magkasama na lumaki at ngayon lang ako nagpakita kay Jin, kaya ngayon niyo lang din ako nakita."
Lumapit si Jon kay Chris pagkatapos niya magpalusot at nilagay niya ang kanyang kanang kamay sa ulo nito. "Oo nga pala, sorry kung nayakap kita. Nasa malayo pa lang ako, nakita ko na mabilis ang pagtakbo ng motor at sa oras na dumaan siya sa puddle na malapit sa'yo, tatalsik lahat ng tubig kaya hinarangan ko." paliwanag ni Jon kay Chris.
"Sa totoo lang, grabe ang bilis ng tibok ng puso ko sa ginawa ng matandang Jin na ‘to!" sigaw ni Jin sa kanyang isip. Ang buong akala niya ay mabubuko na silang dalawa at baka makasira ito sa mission ni Jon, "Ayaw pala na may gawin na makakapagpabago ng timeline ah? Pero, bakit niya pa kailangan yakapin si Chris para harangan ‘yung tatalsik na tubig?” Naisip niya na pwede namang sabihin na lang ni Jon at uusog silang lahat. Napabuntong hininga na lang siya dahil hindi niya na alam kung anong tumatakbo sa utak nito.
"Ay, oo nga pala, Kuya Jon, mga friends ko, sina Rjay, Luna, at si Chris—'yung niyakap mo!” pakilala ni Jin. Ngumiti naman si Jon at nagkunwari na hindi niya ito kilala. “Rjay, Luna, Chris, si Kuya Jon, ang kapatid kong matanda na ngayon lang nagpakita sa buhay ko!" dagdag ni Jin at nakipag shake hands pa si Jon upang makumpleto ang kanilang pagpapanggap. "Nakipag-shake hands pa ang matandang Jin sa mga kasama ko pagkatapos ko siyang ipakilala! Talaga naman! Masyadong ginalingan!" nasa isip ni Jin.
BINABASA MO ANG
March 2020/1 (BL)
Science FictionIto ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin, na makakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay-si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala ng ibang ninais si J...