Date: June 9, 2020
Time: 9:30 A.M.Kararating lang ni Jin sa office building at paakyat na siya papuntang 19th floor sa Operations Department. Napakasaya at napakagaan ng kanyang mood habang naglalakad. Lahat ng tao ay binabati niya ng good morning sa bawat madadaanan niya.
Nasa loob na siya ng elevator at hinihintay na lang niya na makarating siya sa 19th floor kung saan naka-locate ang Operations Department.
Habang naghihintay, ay bigla niya naaalala ang mga nangyari sa kanila ni Chris noong gabi na nagsayaw sila sa ulan at nang halikan niya ito. Biglang napangiti si Jin ng walang dahilan at natatawa na lamang. Bigla biglang niya na rin kinakausap ang kanyang sarili sa mga ginawa niya kay Chris noong gabi.
Ang mga kasabayan niya sa elevator ay pinagtitinginan na siya, dahil akala nila ay nababaliw na siya. Nang mapansin niya na nakatingin na sa kanya lahat ng tao sa loob ng elevator, bigla siyang namula at nahiya.
"Sorry po, 'wag niyo ko pansinin. Hindi po ako baliw. May naalala lang po ako." nakangiting sinabi ni Jin sa lahat ng nasa elevator.
Napailing na lang mga kasabayan niya sa elevator at hindi na siya pinansin pagkatapos.
Elevator chime - 19th floor
Nakarating na si Jin sa Operations room at napansin niya na wala pa si Chris. Kaya naman ay tumungo na siya sa kanyang desk para makapag-ayos ng gamit.
Nang makarating na siya sa kanyang desk, nakita niya na nakaupo si Luna sa kanyang swivel chair at nakikipagkwentuhan kay Jade.
Naguusap ang dalawang babae at tili sila ng tili habang may tinitingnan sila sa phone ni Jade. Nanonood sila ng mga snippets and trailers ng mga upcoming na BL series kaya naman ay labis labis ang kanilang kilig na nararamdaman.
"Hi, Luna, hi, Ms. Jade, kamusta kayo ngayon? Sana maganda ang araw niyo." kinamusta ni Jin ang dalawang babae at labis ang kanyang ngiti sa mga labi.
Napatigil ang dalawang babae sa panonood ng mga BL trailers at napansin ang napakasayang aura ni Jin, kaya naman na-intriga agad sila.
"Aba aba aba! Bakit naman ang saya saya natin ngayon? Ano nangyari kahapon ha? Parang hindi na matanggal ang ngiti sa mga kissable lips mo ha! Ano ibig sabihin niyan? Spill!" hirit ni Jade kay Jin.
"Jin, alam ko may something, ano 'yan!" tanong ni Luna habang nakapamewang, "Feeling ko, Ms. Jade, may magandang balita to si Jin para sa atin!" hirit naman ni Luna kay Jade.
"Wala po, Ms. Jade at Luna, masaya lang ako. Nakakatuwa pala magsayaw sa ulan? Tsaka, iba pala 'yung pakiramdam 'pag nahalikan mo 'yung taong gusto mo?" sinabi ni Jin nang nakangiti at habang inaalala niya pa rin ang mga nangyari sa kanila ni Chris noong gabi.
Nagkatinginan sina Jade at Luna sa isa't isa nang marinig nila ang sinambit ni Jin. Nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa hindi inaasahang sinabi nito. Napahawak-kamay silang dalawa sa isa't isa at nanginginig na ang katawan nila at tila gusto nang sumabog. Hindi nagtagal ay tumili na ang dalawa, na siyang ikinagulat ng lahat ng nasa Operations Room, ngunit hindi nila ito pinansin. Tumayo ang dalawang babae at pinaupo nila si Jin sa swivel chair nito. Nang makaupo na si Jin, pumwesto ang dalawang babae sa harap niya at kinausap.
Si Jade na ang unang nagsalita at tila ganadong ganado siya. Pinalo pa niya ng kanyang kanang kamay ang desk ni Jin na siyang ikinagulat nito. Kinausap niya si Jin ngunit hininaan niya lang ang kanyang boses. Huminga muna siya ng malalim upang kumuha ng bwelo at saka nag salita, "Jin! Talaga? Hala! Ang sweet naman! Nakakainis! Gusto ko makita! Sana tinawag niyo muna ako o nag video kayo. Ulitin niyo please!"
BINABASA MO ANG
March 2020/1 (BL)
Science FictionIto ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin, na makakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay-si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala ng ibang ninais si J...