Date: March 21, 2021
Time: 9:30 P.M.Nagmamadaling kinuha ni Jin ang kanyang phone, bag at files na nakapatong sa desk sa isang unit sa Eastwood Hotel, pagkatapos ng paguusap nila ni Jon sa phone.
"Whaaat! Hindi pa pala niya pinapakain si Bullet! Tsk! Ibig sabihin kanina pa 'yun hindi kumakain!" Naisip ni Jin na tumungo muna sa kanyang bahay upang pakainin ang kanyang alagang persian cat na si Bullet, "Babalik na lang ako Chris, hintayin mo ko dito." bulong niya sa kanyang sarili.
Nagmadaling lumabas si Jin sa Eastwood Hotel upang makapunta agad siya sa kanyang bahay. Simula umaga pagkaalis niya ay hindi pa pala kumakain si Bullet, ang alaga nilang pusa, kaya naman ay nagmadali na siyang umuwi at nag taxi na lamang.
Nang makarating na si Jin sa tapat ng pinto ng kanyang bahay, naririnig niya na ang sigaw ni Bullet dahil sa gutom.
"Bullet, saglit lang, nandito na ko." hirit ni Jin.
Pagkabukas ng pinto ay agad siyang nilapitan ni Bullet at tuwang tuwa ito nang makita siya.
Nilapag ni Jin ang kanyang mga gamit sa sofa sa living room, at agad kinuha ang cat food ni Bullet. Habang pinapakain niya si Bullet ay kinausap niya ito, "Bullet, sorry, akala ko pinakain ka na ni Jin Tanda bago ako umalis, 'di ko napansin. Gutom na gutom ka na siguro. Wag ka magagalit sa akin!" natatawang sinabi ni Jin.
Habang kumakain si Bullet ay umupo muna si Jin sa sofa at tinitingnan ang kanyang phone.
"Anong ibig sabihin ni Jin Tanda na hintayin ko daw 'yung tawag ni Chris mamayamg 11:02 p.m.? Ano kaya 'yun? May dalawang oras pa ko bago tumawag si Chris. Babalik na nga ko sa hotel, napakain ko naman na si Bullet."
Kinuha na ni Jin ang kanyang gamit sa sofa at nagpasyang bumalik na muli sa Eastwood. Habang inaayos niya ang kanyang mga dala, napansin niya na tapos na si Bullet kumain ngunit parang binubuksan nito ang cabinet ni Jon sa living room na nakalock.
Nilapitan ni Jin si Bullet at kinarga, "Bullet, walang food d'yan. Ano bang kinukuha mo dito eh nakalock na 'tong cabinet na 'to?"
Tila kumakawala si Bullet habang karga ito ni Jin na hindi nito ginagawa, dahil kapag kinakarga niya ito ay tahimik lang at nakayakap sa kanya. Kaya naman nagtataka siya kung bakit gusto kumawala ni Bullet at kung anong hinahanap nito sa cabinet ni Jon na nakalock.
Binaba niya si Bullet at agad itong tumungo sa cabinet. Hinahaplos nito ang cabinet gamit ang kanyang ulo at gumagawa ng ingay.
Ang akala ni Jin ay gutom pa si Bullet at baka may naamoy na pagkain sa nakalock na cabinet. Kaya naman ay kinuha niya ang susi upang buksan ito. Nang mabuksan niya ang cabinet, hinanap niya ang pagkain na naaamoy ni Bullet, ngunit wala siyang nakita.
Habang tinitingnan ni Jin isa-isa ang mga gamit na nakalagay dito, may nakita siyang isang pamilyar na gamit. Kinuha niya ito mula sa cabinet at tiningnan mabuti.
"Sandali? Bag ko 'to ah? Bakit nandito 'to?" pagtataka ni Jin, "Tanga ko, parehas nga lang pala kami ng bag ni Tanda. Hehe! Wala naman siya ngayon, pero masilip nga at baka may sikretong hindi dapat malaman dito."
Binuksan ni Jin ang bag, at nakita niya ang phone ni Chris sa loob nito. Natawa na lamang siya at napa-face palm, "Paano ako tatawagan ni Chris? Eh nandito 'yung phone niya! Kumag talaga 'yung Jin Tanda na 'yun! Balak pa ko i-prank. Kaya pala sabi niya na wag ko tawagan si Chris!"
Habang hawak ni Jin ang phone ni Chris, biglang lumiit ang mga mata niya at ngumiti na parang may balak siyang gawin.
"Ano kayang lamang ng phone ni Chris? Hehe! Sisilip lang naman ako. Wala naman akong papakialaman. Okay lang ba Bullet?" tanong ni Jin kay Bullet habang pinipilit nito ipasok ang buong katawan sa loob ng bag.
BINABASA MO ANG
March 2020/1 (BL)
Fiksi IlmiahIto ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin, na makakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay-si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala ng ibang ninais si J...