Chapter 35- "A" Final part

24 5 2
                                    

Mr.A POV (23 Years old) and Flashback
Date: May 21, 2006
Time: 8:30 Am

Nauna na akong magising kina Agatha, at dahil mahimbing pa ang tulog ni Chris, binuhat ko siya upang dalhin sa kanyang kwarto. Pagkalabas ko, nakita ako ni Mr. Jill na galing sa kwarto ni Agatha, at tinanguan ko siya.

Nang maihiga ko na si Chris sa kanyang kwarto, agad na akong nagayos ng aking sarili para sa mangyayaring lunch event ng 11:30 a.m.

Nauna na ako sa kotse at hinihintay ko na lamang si Mr. Claude, ang papa ni Agatha, dahil sabay kaming pupunta sa hotel kung saan magaganap ang event.

Maya maya, pumasok na rin ang papa ni Agatha sa kotse, at napansin kong hinihingal siya at hindi maayos ang damit.

"Um, Tito, bakit parang pawis na pawis po ata kayo? Tumakbo po ba kayo?"

"Napaka kulit talaga ni Agatha! Pinipilit niyang sumama, pero sisirain niya lang ang plano natin! Kinulong ko siya sa kanyang kwarto, kinuha ko rin ang kanyang phone para wala siyang matawagan!" naiinis na sinabi ng papa ni Agatha habang pinupunasan niya ang kanyang mga pawis at inaayos ang sleeves ng kanyang damit.

Kinabahan ako sa ginawa ni Mr. Claude at nag-aalala ako para sa kalagayan ni Agatha. Lalabas na sana ako ng kotse upang puntahan siya, nang pigilan ako ni Mr. Claude.

"Pupuntahan mo si Agatha? Ano? Palalabasin mo siya? Gusto mo bang masira ang plano natin?" naiinis na sinabi ni Mr. Claude.

"Tito! Hindi naman po ata tama 'yung ginawa niyo! Tsaka Paano si Chris? Hahanapin niya ang mama niya!" naiinis kong sinabi.  

"Pinatulog ko muna si Chris ng mahimbing... 'Wag ka mag alala, mamaya-maya ay gigising na rin siya. Pagkagising niya, tapos na ang lahat ng problema natin. Siya na ang magiging pinakamakapangyarihang tagapagmana." sagot ni Mr. Claude habang nanlalaki ang mga mata nito at nakatingin sa akin.

Dahil nadamay na si Chris, lalabas na sana ako ng kotse upang puntahan siya, ngunit pinipigilan na naman ako ni Mr. Claude at nagsalita muli.

"Babalik ka? Wala ka ng babalikan, A. Sinabi ko na sa lahat ng empleyado sa bahay na ikaw ang nagkulong kay Agatha sa kanyang kwarto at 'wag siyang palalabasin. At kung umatras ka sa plano, ako ang magtutuloy nito, at pangalan mo ang isisiwalat ko! Ano? Babalik ka?" pananakot sa akin ni Mr. Claude.

Natakot na ako para sa sarili ko, kay Agatha at kay Chris. Sa oras na umatras ako, maaaring makulong ako sa kasalanang hindi ko gustong gawin, at hindi ko na mapoprotektahan sina Agatha at Chris.

Wala na akong magawa, kailangan kong tatagan ang aking loob.

"Kunin mo ang isang maliit na pakete na nakalagay sa box na nasa harapan mo." utos niya sa akin.

Kinuha ko ito, at nang inalog ko, naramdaman ko na ang nasa loob nito ay isang powder ng isang lason o drug. Napalunok na lamang ako, at itinago ko na ito sa bulsa ng aking coat.

Tiningnan ko ang papa niya, tila nag aalangan na ako. Tumingin siya sa akin ng masama at sinigawan ako.

"Mag drive ka na! Bilisan mo na para makarating tayo agad sa hotel!" utos sa akin ni Mr. Claude.

Sinunod ko na lamang ang utos niya. Habang nada-drive ako, inisip ko na ibangga ko na lang ang kotse at isasama ko siya sa aking pagkamatay.

Pero paano kung mabuhay siya? Natatakot ako para sa mag-ina ko.

Ano ba ang dapat kong gawin?

Nakarating na kami sa hotel kung saan magaganap ang event—ang event kung saan alam ng lahat na ako ang nagpasimula.

March 2020/1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon