Chapter 10 - Third Party or Fourth Party?

31 9 2
                                    

Date: April 4, 2020
Time: 5:30 A.M.

Nagising si Jin dahil sa pag alarm ng kanyang phone na nasa bandang kanan ng unan. Kukunin niya na sana ang phone para i-turn off ang alarm gamit  ang kanang kamay, kaso hindi niya ito mai-angat. Napansin niya na nakapatong ang kamay ni Chris sa kanyang kanang kamay, kaya naman kinuha niya na lang ang phone gamit ang kaliwang kamay at saka tinigil ang pag-alarm.

Ayaw pa sana niya alisin ang kanyang kanang kamay na hinahawakan ni Chris dahil gusto pa niyang damhin ang lambot nito, ngunit nang tiningnan niya ang oras at nakita na 5:30 a.m. na, oras na para siya'y umuwi. Marahan niyang tinanggal ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Chris upang hindi ito magising. Nang matanggal niya na ang kanyang kamay, gumalaw si Chris ng kaunti at nagpalit ng pwesto ngunit hindi pa rin gumigising. Tumayo na rin si Jin pagkatapos, at kinuha ang kanyang bag na nakalagay lang sa mini table sa tabi ng kama. Bago umalis, nag-iwan siya ng note sa table nito.

Chris, sorry hindi na kita ginising. Ang sarap kasi ng tulog mo. Nauna na ako at 'wag ka mag alala, nagpatulong ako kay Mr. Jill para makauwi. Hindi ko pala naabot 'tong bracelet na binili ko din para sa'yo kahapon. Peace offering ko din 'to. Thank you sa pagpapatuloy sa akin dito sa bahay niyo. See you later! Pumasok ka ah? Haha!

Inilapag ni Jin  ang bracelet sa ibabaw ng note at lumabas na siya sa kwarto dala ang kanyang bag. Pagkatapos ay pinuntahan niya si Mr. Jill sa quarters malapit sa dining area. Kinatok niya ang pinto at agad naman itong bumukas. Habang nakatayo lang siya, nakita niya si Mr. Jill na nag bukas ng pinto at tila kagigising lang.

"Sir Jin, uuwi ka na ba?"

"Opo, Mr. Jill, sabi po ni Chris puntahan ko daw kayo."

"Oo, teka, papatawagin ko lang 'yung driver para ihatid ka pauwi."

"Sige po, Mr. Jill, maraming salamat po"

Habang naghihintay sila sa driver na mag hahatid sa kanya, hindi na niya mapigilang mag tanong kay Mr. Jill tungkol kay Chris at sa nakita niya sa likod nito.

"Mr. Jill?"

"Bakit, Sir Jin?"

"Alam niyo po ba kung bakit maraming latay si Chris sa likod? Nakita ko po kasi kagabi kaso hindi niya sinabi sa akin kung bakit. Please po, pwede ko ba malaman?"

Medyo nag alangan si Mr. Jill kung sasabihin niya ba ito dahil ayaw niya mag alala si Jin masyado, ngunit, gusto niya rin na sabihin at the same time dahil pinagkakatiwalaan niya ito.

"Hmmm, 'wag mo na lang sasabihin kay Sir Chris na sinabi ko sa'yo?"

"Sige po, ako ang bahala."

"Nahuli kasi siya ng papa niya na uminom. Umuwi siya ng medyo gabi na nung isang araw."

Napalunok si Jin nang marinig niya ang sinabi ni Mr. Jill at namutla. 

Flash back
Date: April 3, 2020
Time: 11:45 P.M.

11:45 p.m. nang makauwi si Chris sa kanilang bahay noong gabi na nagtampo siya kay Jin. Pagkababa niya ng kotse ay agad siyang sinalubong ni Mr. Jill na tila kabadong-kabado.

"Sir Chris, bakit ngayon ka lang nakauwi? Maaga si Mr. A. nakauwi ng bahay at hinahanap ka!"

"Ha? Akala ko bukas pa siya uuwi?"

"'Yun din ang akala ko. Tara na at bilisan natin, baka mahuli ka ng papa mo!"

Pinamadali ni Mr. Jill si Chris para makapunta ito agad sa kwarto at hindi mahuli. Ngunit, pagpasok ng bahay ay nakita nila na nakaabang na at nakaupo si Mr. A. sa sofa sa living room. Nang makita ni Chris ang kanyang papa na nakaupo sa sofa, napayuko na lamang siya at natakot nang makita niyang nakatingin sa kanya ito na nanlilisik ang mga mata. Lumapit siya dito upang magmano ngunit sinigawan siya nito agad.

March 2020/1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon