Date: March 22, 2020
Time: 11:30 P.M."Jin ba't nandyan ka sa labas!" lasing at natatawa na pagkakasabi ni Chris kay Jon na nakatayo sa pinto ng kwarto.
Dahil nagulat si Jin sa sinambit ni Chris ay napatingin siya sa mga mata nito. Pagkatapos, dahan-dahan niyang tiningnan si Jon at pareho silang nanlalaki ang mga mata. Muling bumalik ng tingin si Jin sa mga mata ni Chris at biglang siya nitong hinawakan sa cheeks. Dahan-dahang hinaplos ng mga malalambot na kamay ni Chris ang mukha niya at tinitigan siya nito sa mga mata at kinausap.
"Oh, nandito ka na agad sa harap ko, Jin? Ang bilis mo naman? Nag teleport ka ba?" nakangiting sinabi ni Chris at biglang nakatulog dahil sa kalasingan. Nabitawan niya na rin ang mukha ni Jin na namumula at nakatulala lang.
Dahan-dahang umalis si Jin mula sa pagkakapatong ng kanyang katawan kay Chris sa kama upang hindi na ito magising pa. Nang makatayo na siya ng matuwid, inayos niya ang pagkakahiga ni Chris. Hinawakan niya ang ulo nito at marahang inangat ng kaunti at nilagyan ng unan. Inayos niya rin ang mga buong katawan nito para mas maging mahimbing ang tulog nito.
Nang maayos na ni Jin ang pagkaka-pwesto ni Chris sa kanyang kama, nagpunas siya kanyang pawis sa mukha at tumungo na kay Jon na nakatayo sa pinto ng kwarto. Pinatay niya na ang ilaw sa kwarto at kinausap ang matandang Jin.
"Tingin mo ba nahalata niya?" tanong ni Jin.
Hindi muna sumagot si Jon dahil baka marinig ni Chris ang kanilang pag-uusapan. Sumenyas siya kay Jin na lumabas na muna silang dalawa ng kwarto. Naglakad silang dalawa patungong kitchen upang doon mag-usap.
"Tingin ko lasing lang si Chris kaya medyo malabo ang paningin niya at akala niya iisang tao lang tayong dalawa." dagdag ni Jin.
"Hindi ko din masabi, kasi alam mo kung gaano katalino si Chris at magaling siya sa pag-observe. Kahit nga pinakamaliit na detalye napapansin niyan." sagot ni Jon at huminga siya ng malalim at nagpatuloy sa pagsasalita, "Pero, ayaw ko munang isipin na baka nga napansin o nahalata niya na tayo. Paggising ni Chris, tanungin mo siya kung naaalala niya 'yung mga ginawa niya ngayong gabi. Kasi tingin ko, hindi niya to matatandaan. Madalas, nakakalimutan niya 'yung mga nangyari lalo na pag lasing na siya." katwiran ni Jon.
"Sige tatanungin ko siya bukas para malaman natin. Pero, may gusto akong itanong sa'yo. Hindi ito tungkol sa future, tungkol to sa sarili ko." tanong ni Jin.
"Ano 'yun?"
"Gusto ko lang malaman-" kabadong nagsasalita si Jin, "nagkaroon ba ng mga pagkakataon na nalito ka na sa mga bagay bagay?" tanong niya kay Jon. Pero sa totoo, ayaw niya talaga sabihin mismo kung ano ang pinaka gusto niyang iparating dahil nahihiya pa siya na i-open up ito. Hindi niya masabi ngunit gusto niya itanong ang kakaiba niyang naramdaman niya kay para kay Chris.
"Ha? Nalilito saan? Hmmm?" nagtatakang tanong ni Jon. Napaisip siya sa biglang tanong ng batang Jin, at nanliit ang mga mata niya habang nakatingin siya dito. "Hmmm, mukhang alam ko na kung anong ibig sabihin nito." nasa isip ni Jon.
Napagtanto ni Jon na ang huling kasama ni Jin ay si Chris, kaya na isip niya na tungkol ito sa nararamdaman ng batang Jin para kay Chris. Dahil sa mga panahong ito, wala pa siyang malalim na nararamdaman para kay Chris.
Madalas magkasama sina Jin at Chris, pero hindi sila gaanong nag-uusap kahit nasa iisang circle of friends sila dahil laging ilang si Chris.
"Nalilito na siya sa nararamdaman niya, tingin ko. Sino ba namang hindi malilito sa mararamdaman kapag si Chris na ang kaharap mo? Kahit sino naman ata magkakagusto sa kanya. Pero, ano kaya 'yung dahilan ng biglaan niyang pagkalito?" nasa isip ni Jon. Noong panahon niya, narealize niya lang na may nararamdaman na siya kay Chris noong sumali ito sa isang pageant. "Pero, ang aga naman ata ng batang Jin na maramdaman niya 'to? Maganda ba itong sign o hindi?" nasa isip ni Jon. "Oo nalilito din ako sa mga bagay bagay at tao lang naman tayo. Basta ang advice ko lang sa'yo na natutunan ko sa pagdaan ng panahon, kung nalilito ko sa mga bagay bagay at di mo alam kung anong pipiliin mo, isipin mo lang kung saan mo mas nararamdaman na maging masaya sa dalawang bagay. Kung saan ka mas masaya, 'yun ang piliin mo." payo ni Jon sa batang Jin.
BINABASA MO ANG
March 2020/1 (BL)
Science FictionIto ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin, na makakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay-si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala ng ibang ninais si J...