Date: March 17, 2021
Time: 6:30 P.M.Papunta si Rjay sa bahay nila Mr. A. upang bisitahin ang pagbabalik nito mula sa business trip, at para isumbong na makikipagkita dapat si Chris kay Jin at siya ang pumigil dito. Habang naglalakad siya, may biglang humablot sa kanyang kanang braso—isang lalaki na nakasuot ng itim na cap, naka black na leather jacket, naka black na pants, naka-shades at naka black na face mask.
Nagulat siya nang hablutin siya nito at pilit siyang kumakawala ngunit malakas ang pagkakakapit ng lalaki sa kanya at dinala siya nito sa isang tagong lugar.
Wala ng magawa si Rjay kundi sumama dahil napatingin siya sa bandang belt ng lalaking humablot sa kanya. Napansin niya na may nakabakat na hugis ng isang baril, kaya naman hindi na siya lumaban pa. Nang makarating na sila isang eskinita kung saan walang nakakakita sa kanila, binitawan na siya ng lalaki at nakatayo lang ito sa harap niya.
"Sino ka ba? Kailangan mo ba ng pera? Sabihin mo lang! Isang milyon? Dalawa? Kasi ibibigay ko sa'yo 'yung pera ko kung 'yun lang ang gusto mo!" nainis na sinabi ni Rjay sa lalaking humablot sa kanya.
Tinawanan lang siya ng lalaking nakatayo sa harap niya, kaya mas lalong nainis si Rjay.
"Hindi mo ba nakikilala itong boses na 'to?" tanong sa kanya ng lalaki.
Pinakinggan ni Rjay mabuti ang boses at natutunugan niya ito.
Kaya naman dahan-dahang tinanggal ng lalaking kaharap niya ang facemask at shades nito.
Laking gulat ni Rjay nang makita niya kung sino ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan.
Tiningnan niya mabuti ang mukha ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Malalim ang mga mata, namumula tila wala itong tulog masyado, mulungkot ang mukha at puno ng galit, at medyo mapayat, mahaba ang buhok at buhaghag.
Nagulat si Rjay sa kanyang nakita. Kaharap niya ang kanyang sarili 6 years from now-ang Rjay na galing sa oras ni Jon.
"Wa-wag mo sabihing-" na-uutal si Rjay at hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita ngayon.
"Binalikan kita! Ang tagal ko hinintay itong oras na 'to, batang Rjay." Nakangiting sinabi ng matandang Rjay ngunit may mga nakakatakot na tingin sa kanyang mga mata at tila may masama siyang balak gawin.
Umiling si Rjay at tila hindi pa rin makapaniwala sa kanyang nakikita. Dahan dahan niyang hinawakan ang mukha ng lalaking nasa harap niya.
"Ako ba talaga to? A-anong nangyari sa akin? Paano ka nakarating dito?" tanong ni Rjay.
"Noong araw na bumalik si Jin sa oras niyo, sinundan ko siya. Alam ko may binabalak siyang gawin na hindi natin magugustuhan. Rjay, maniwala ka sa nakikita mo. Ikaw to sa hinaharap!" natatawang sinabi ng matandang Rjay.
"Hindi! Hindi 'to totoo!" sagot ni Rjay habang nanginginig sa kaba.
"Wala ka nang magagawa, Rjay, hindi mo na matatakasan ang hinaharap mo. Kung gusto mong sumaya ka, patayin natin si Chris!" bulong ng matandang Rjay habang nanlilisik ang kanyang mga mata.
"A-Anong ibig mo sabihin? Bakit natin papatayin si Chris?" nagtatakang tanong ni Rjay.
"Hindi ba 'yun naman talaga ang gusto natin? Ang mawala si Chris sa landas natin? Pagkakataon na natin 'to, Rjay, 'wag mong sayangin ang oras! Papatayin ni Mr. A. si Jin! Kung ayaw mong mamatay si Jin, si Chris ang kailangan mamatay!" bulong ng matandang Rjay.
Nagulat at nanlaki ang mga mata ni Rjay at hindi siya makapaniwala sa isiniwalat sa kanya.
"Hindi! Hindi 'to totoo! Nananaginip lang ako!" sagot ni Rjay habang pinapalo-palo niya ang kanyang mukha at tila ginigising niya ang kanyang sarili sa katotohanan.
Hinawakan ng matandang Rjay ang mga kamay niya upang pigilan siya na saktan ang kanyang sarili, at muli siyang kinausap nito.
BINABASA MO ANG
March 2020/1 (BL)
Ficțiune științifico-fantasticăIto ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin, na makakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay-si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala ng ibang ninais si J...