Chapter 30- Bullet Saves the Day

22 7 0
                                    

Date: March 21, 2021
Time: 11:30 P.M.

"JIN!"

Hindi na mawari ni Chris kung anong mararamdaman niya sa isang pangyayaring hindi niya inaasahan. Pagmulat ng kanyang mga mata, ang katawan ni Jin na duguan at ang maamong mukha't naluluhang mga mata ang kanyang nasilayan. Biglang nanginig ang buong katawan niya, at nanghina tila kinuha na lahat ng natitira niyang lakas. "Hindi ko alam, pero sana, SANA, panaginip lang ang lahat. Panaginip lang ang nakikita ko... na ang Jin na nasarap ko ay hindi pa patay. Na namamalik-mata lamang ako at wala dito si Jin! Pakiusap, hindi ko kakayanin!" nasa isip ni Chris.

"Jin! Bakit ka nandito! Anong ginagawa mo!" sigaw ni Jon at hindi niya alam kung anong una niyang dapat na maramdaman—kung galit ba o pag aalala.

"Jin! Hindi Maaari!" Tila natulala ang matandang Rjay nang makita niya si Jin na nakahandusay na sa sahig at duguan. "Hindi... Hindi pwede to! Nasaan ang time machine? Ba—babalik ako!" Napapailing ang matandang Rjay at hindi niya na alam ang kanyang gagawin dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Dahil sa nararamdamang galit ni Jon sa hindi inaasahang pagpatay sa kanyang batang sarili, hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at sinugod niya ang matandang Rjay at sinapak ito. Hindi kinaya ng matandang Rjay ang suntok na natamo niya kay Jon kaya nawalan ito ng malay.

Nang bumagsak ang matandang Rjay sa sahig at nawalan ng malay, agad nilapitan ni Jon ang batang Jin at lumuhod sa tabi nito.

"Jin! Jin!" sigaw ni Jon at pinipilit niyang wag mawalan ng malay si Jin.

"'Wag ka sumigaw, naririnig kita... Jin Tanda..."
nakangiti, ngunit nanghihinang sagot ni Jin, habang lumalabas na ang mga dugo sa kanyang bibig.

"Jin, 'wag kang matutulog! 'Wag kang susuko! Please! Kumapit ka lang!" sigaw ni Jon.

Tumawag na ng ambulansya si Jon at aligaga na siya.

Habang tumatawag si Jon ng ambulansya sa kanyang phone, hinawakan ni Chris ang mukha ni Jin.

Nang maramdaman ni Jin ang mga kamay ni Chris, ay nagsalita ito muli.

"Chris, pwede bang hawakan mo lang ako? Gusto ko lang maramdaman 'yung init ng mga kamay mo. Gusto ko lang maramdaman na nagtagumpay ako na mailigtas kita... hanggang sa huling sandali." nanghihinang sagot ni Jin habang nakatingin siya sa mga mata ni Chris at nakangiti.

"Hindi, Jin! Hindi pa ito ang huling sandali! Marami pa tayong gagawin. Marami pa tayong mga oras na pagsasamahan. Hindi na ako aalis at dito na lang ako sa tabi mo. Please, lakasan mo ang loob mo! 'Di ba sabi mo, mag se-set ka pa ng inuman? Iinom pa tayo nila Luna at Rjay gaya noong dati, hindi ba? Magsasaya pa tayo! 'Wag mo sabihin na susuko ka na!" naiiyak na sagot ni Chris.

Hindi na sumasagot si Jin at hindi na niya kaya pang magsalita dahil sa hirap ng kanyang nararamdaman. Ngumiti na lamang siya, pumikit at lumuha.

"Patawarin mo ko, Chris, ito na lang ang alam kong paraan, para mabuhay ka. Pasensya ka na, hindi ko alam kung hanggang kailan kakayanin ng katawan ko... pero, bago ako pumikit, masaya ako na makita kang buhay at alam ko na nailigtas kita, kahit buhay ko pa ang kapalit." nasa isip ni Jin.

"Arrhgg! Ang tagal! Nasaan na ba sila? Mukhang mamaya pa sila makakarating! Chris, kaya mo ba tawagan sila Mr. Jill para humingi sa kanila ng tulong?" aligagang sinabi ni Jon.

Kinuha ni Chris ang kanyang phone, at tinawagan si Mr. Jill, "Mr. Jill, pakiusap po, tulungan niyo kami! Nabaril po si Jin, bilisan niyo po hangga't maari!"

March 2020/1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon