Date: June 15, 2020
Time: 6:30 P.M.Patungo si Rjay sa bahay ni Jin dala ang kanyang nilutong fried garlic rice at sobrang saya niya habang naglalakad. Para sa kanya, malaya na siya at wala na siyang kaagaw sa attention ni Jin dahil wala na si Chris sa kanyang landas.
Matagal niya nang nababasa sa mga mata ni Chris na may gusto ito kay Jin kahit hindi nito sinasabi o pinapaalam. Magkaibigan silang dalawa ngunit dahil sa pagmamahal niya kay Jin, kaya niyang kalimutan ang pagiging magkaibigan nila basta si Jin ang pag-uusapan.
"Buti na lang at nagawa ko na mailayo si Chris sa buhay ni Jin." nakangising sinabi ni Rjay na tila tagumpay ang kanyang plano.
Matagal nang kumikilos si Rjay sa likod nila lingid sa kaalam nina Jin at Chris. Sa tulong ni Mr. A., napalayo niya si Chris sa piling ni Jin.
Flashback
Unang beses na ipinalam ni Rjay kay Mr. A. ang tungkol kina Jin at Chris ay noong pumunta siya sa bahay nito, April 2, 2020 at alas-8 ng gabi. Sinadya niyang pumunta sa bahay nila Mr. A. dahil alam niyang wala si Chris at umiinom ito kasama ang dalawang Jin noong araw na ito, kaya naman ay nilubos niya na ang pagkakataon.
Malayang nakakapasok at nakakalabas ng bahay ni Mr. A. si Rjay dahil magkakilala at business partners ang dad niya at si Mr. A. Anak na ang turing ni Mr. A. sa kanya kaya naman pinagkakatiwalaan siya nito pagdating kay Chris.
Tumungo si Rjay sa office room ni Mr. A. at may dalang mga dark chocolates upang palabasin na kinakamusta niya ito, ngunit ang totoo, may iba siyang pakay sa kanyang pagbisita.
Knock on door.
"Pasok." sagot ni Mr. A. habang seryosong nagbabasa ng mga reports sa kanyang desk at nakaupo sa isang swivel chair sa office room ng kanyang bahay.
Pumasok si Rjay na dala ang isang box ng mamahalin na dark chocolate mula pa sa Italy.
"Oh, Rjay, napabisita ka dito? Anong mayroon?"
"Galing po kasi si dad sa Italy, pinapabigay niya po itong mga dark chocolates para sa'yo, Mr. A. Makakabuti po ang pagkain ng dark chocolates para sa inyo." nakangiting bati ni Rjay.
Inabot ni Rjay ang box ng dark chocolate na siya namang kinuha ni Mr. A. at itinago ito sa isang cabinet sa kanyang desk.
"Maraming salamat, Rjay." seryosong sinabi ni Mr. A. at patuloy na itong nagbasa ng reports.
Nakatayo lang si Rjay sa harap ni Mr. A. at hindi siya umaalis, kaya naman napatigil si Mr. A. sa pagbabasa ng reports at napatingin kay Rjay.
"Bakit hindi ka pa umaalis, Rjay? May kailangan ka pa ba?" nagtatakang tanong ni Mr. A.
"Mr. A., may sasabihin po ako sa inyo tungkol kay Chris."
Nagpintig ang mga tainga ni Mr. A. nang marinig niya ang pangalan ni Chris at naging interesado sa sasabihin ni Rjay.
"Anong mayroon tungkol sa bata na 'yun?" tanong ni Mr. A.
"Ito na ang pagkakataon ko. Sasabihin ko kay Mr. A. na nagliliwaliw na siya. Sa ganitong paraan, Si Mr. A. ang maglalayo kina Chris at Jin." nasa isip ni Rjay. "Mr. A., si Chris po, alam niyo po ba kung bakit hindi niya kinuha 'yung business niyo at pilit na nagtrabaho sa company ni tito Vander?" tanong ni Rjay.
Tiningnan ni Mr. A. si Rjay at nanlilisik ang mga mata nito.
"Bakit? Sabihin mo sa akin!"
BINABASA MO ANG
March 2020/1 (BL)
Science FictionIto ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin, na makakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay-si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala ng ibang ninais si J...