Chapter 32- Thank you and Sorry

19 7 0
                                    

Date: March 21, 2021
Time: 11:02 P.M.


Pagkamulat muli ng mga mata ni Chris, nakita niya na nasa labas ng building ulit siya ng pinangyarihang insidente. Nagtago muna siya sa liblib na pwesto na kanyang tinaguan noon.

Ganoon ulit at nakita niya si Jon na pumasok sa loob ng building. Pagkalipas ng limang minuto, ay dumating naman si Jin at tumigil sa tapat ng entrance ng building.

Tumayo siya sa kanyang tinataguan at nilapitan niya si Jin na nakatayo sa tapat ng entrance.

"Chris?" gulat at nagtataka na sinabi ni Jin.

Naluha si Chris nang marinig niya ang kanyang pangalan na isinambit ni Jin, dahil matagal-tagal na rin nang huli niyang marinig ang boses nito.

"Jin, sandali lang."

"Teka, ako ang dapat magsabi niyan, Chris. Hindi ba nasa loob ka dapat ng building?" pagtataka ni Jin, "Mali ba ang sinabi sa akin ni Senior Jin?" nasa isip niya.

Hindi alam ni Chris kung anong pagpigil ang gagawin niya habang hinihintay ang taong tutulong sa kanila na sinabi sa kanya ng matandang Jin, kaya bigla niyang niyakap si Jin na siyang ikinagulat nito.

Dahil sa gulat ni Jin, hindi niya alam kung ano ang kanyang ikikilos, ngunit sa yakap ni Chris, ay may iba siyang naramdaman.

"Tapatin mo ako, hindi ikaw ang Chris sa panahon na 'to?" mahinahong tanong ni Jin.

Hindi makasagot si Chris at nagsimula na siyang maiyak habang yakap niya ang katawan ni Jin.

"Chris, hindi ako pwedeng magtagal dito, mamamatay ka kung hindi ako aalis dito."

Umiiling lamang si Chris at hindi pa rin siya sumasagot at patuloy ang kanyang pag iyak habang nakasandal ang kanyang mukha sa dibdib ni Jin.

Huminga ng malalim si Jin at saka tinanggal ang mga kamay ni Chris na mahigpit na nakayakap sa kanya. Ayaw niya sanang puwersahin ang pagtanggal sa mga mahigpit na yakap ni Chris ngunit wala na siyang magawa.

"Pasensya ka na sa gagawin ko, Chris."

Hinalikan niya ang mga labi ni Chris na siyang ikinagulat nito kaya ang matinding kapit nito sa pagkakayakap ay biglang humina at natulala na lamang.

"'Wag, Jin. Kaunting oras na lang, please."

"Wala na tayong oras, Chris."

Nagsimula nang maglakad si Jin at nang malapit na siyang makapasok sa entrance ng building, ay may sumigaw ng kanyang pangalan sa malayo.

"Jin! Sandali lang!"

Napatingin sina Chris at Jin sa isang boses na pamilyar sa kanila at nang makita nila kung sino ito, napagtanto nila na si Rjay ito kasama ang matandang Jin na naglalakad papalapit sa kanilang tinatayuan.

"Senior Jin? Rjay?" hirit ni Jin.

Pinunasan ni Chris ang kanyang mga luha at napangiti nang makita niya sina Rjay at ang matandang Jin.

Nang makalapit na sina Rjay at Senior Jin kina Chris, ay kinausap niya ito, "Chris, maraming salamat sa pag pigil kay Jin sa sandaling oras." nakangiting hirit ng matandang Jin.

"Whaat? Anong pag pigil sa sandaling oras? Wala na tayong oras!" sigaw ni Jin.

Biglang lumapit si Rjay kay Jin at may inabot na isang regalo na nakabalot sa isang green na plastic box.

"Jin, I'm sorry, sana mapatawad mo ako. Hindi ko na 'to madadala sa pupuntahan ko. Alagaan mo 'to para sa akin." nakangiting sinabi ni Rjay habang pinipigilan niya ang kanyang sarili na lumuha. Pagkatapos ay tumingin siya kay Chris at kinausap ito, "Chris, I'm sorry din dahil sa akin, marami kang mga pinagdaanan na hindi magaganda. Itong gagawin ko ang alam kong magiging kabayaran para sa lahat ng kasalanan ko sa'yo."

March 2020/1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon