Chapter 2 - Jin and Jon.

85 13 0
                                    


Date: March 21, 2020
Time: 5:00 P.M.

Laking gulat ng batang Jin nang may madatnan siyang isang taong hindi niya kilala sa loob ng kanyang bahay. Dahil nakatakip ang kamay ng matandang Jin sa kanyang bibig, agad niya itong tinanggal at tiningnan ito na nanliliit ang kanyang mata at nakasimangot.

“Pero ang sabi niya, siya daw ay ako na mula sa future.” nasa isip ng batang Jin.

Kinilatis niya ito mula ulo hanggang paa at inikutan para tingnan ang butong katawan nito. Habang pinagmamasdan niya ang matandang Jin na nasa harapan niya at nakatayo lamang, napansin niya na may pagkakahawig silang dalawa pero hindi pa rin maalis sa kanya ang pag aalinlangan.

“Ako ba talaga 'to sa future? Hmm? Kung ako nga ito talaga, hindi na masama!” nasa isip ng batang Jin at tinitingnan ang mukha ng matandang Jin habang nanliliit pa rin ang kanyang mga mata, “Mukhang lalo pang lumaki 'yung katawan ko at mas naging moreno ako kumpara ngayon. Kung ako nga talaga ‘to in the future, tama lang na mag matured 'yung itsura ko kumpara ngayon, at kita ko naman sa kanya 'yun.”

Nakangiti lang ang matandang Jin habang pinagmamasdan niya ang batang Jin na kinikilitas ang kanyang mukha.

“Bakit ka nakangiti? Baliw ka ba?” hirit ng batang Jin, “Pero, kung pagmamasdan mo ng maigi 'yung mga mata niya, mapapansin mo na may lungkot siyang tinatago.” nasa isip niya.

Hindi napigilan ng batang Jin na mapahawak sa kanyang baba at may napansin siyang isang bagay na meron ang matandang Jin na wala siya. Ang matandang Jin ay balbas sarado habang ang batang Jin naman ay hindi. Pero sa isip ng batang Jin, dahil magkahawig silang dalawa, tila babagay din ito sa kanya kaya lang magiging matured siyang tingan dahil dito.

“Pero hindi pa rin mawala sa isip ko habang kinikilatis ko ang buong katawan niya, baka niloloko lang ako nito at isa siyang con artist!” nasa isip ng batang Jin at kinausap muli ang taong nasa harap niya, "Sigurado ka ba na galing ka sa future? Baka mamaya con artist ka lang? Wala akong pera, sinasabi ko sa'yo hindi ako mayaman! Naghahanap pa lang ako ng trabaho!" Sumbat niya habang nanliliit pa rin ang kanyang mga mata.

"Okay, sige! Paano ko mapapatunayan na iisa lang tayo at 'di kita niloloko?" tanong ng matandang Jin at tila confident pa siya na patunayan ang kanyang sarili.

"Tingnan natin kung masasagot mo 'to dahil wala akong pinagsasabihan ng bagay na ‘to! Ano 'yung pinaka-nakakahiyang nangyari sa buhay ko na hindi ko makakalimutan?" nagmamayabang na tanong ng batang Jin.

"Ha! 'Yun lang ba?” nakangising sagot ng matandang Jin at natawa, “‘Ballpen na pula’, gusto mo pa ba na sabihin ko kung ano nangyari?" 

"Sandali!" 

Humirit ang batang Jin at sumesenyas na 'wag na ituloy ng matandang Jin ang kwento.

"Ah 'yung Ballpen na pula na nakalagay sa likod ng pants mo na—" patuloy ng matandang Jin.

"'Wag mo na ituloy!" Napasigaw bigla ang batang Jin at tinakpan ang kanyang mga tainga.

Ngunit matigas ang matandang Jin at pinagpatuloy ang kanyang pagkukwento. Tila hindi na siya mapipigilan at tuwang-tuwa pa siya na makitang nahihirapan ang batang Jin.

March 2020/1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon