Chapter 9 - Peace Offering

34 8 4
                                    

Date: April 3, 2020
Time: 6:00 P.M.

Habang tinatawagan ni Jin si Chris sa phone at nakatingin sa gate, may naririnig siyang phone na tumutunog sa kanyang likuran. Dahil naiingayan siya at gusto niya ito patahimikin, lumingon siya para pagsabihan ang may ari ng phone. Paglingon niya, hindi niya inakala na ang taong ito ay si-

"Hi Chris? Kamusta? Hehe!"

"Bakit ka nandito, Jin? Anong ginagawa mo dito?"

"Anong sasabihin ko? Na mental block na ko! Haha Bahala na!" nasa isip ni Jin. "Kasi, gusto ko lang malaman kung bakit hindi ka pumasok?"

Nakatingin lang sa kanya si Chris at walang emosyon. Hindi niya alam kung galit ba ito hanggang ngayon dahil hindi ito kumikibo.

"Galit ka ba sa akin, Chris?"

Hindi pa rin sumasagot si Chris at tila seryoso pa rin na nakatingin sa kanya. "Patay! Nakakatakot talaga si Chris pag seryoso siya!" nasa isip ni Jin. "Sorry na, Chris. Hindi ko sinasadya 'yung nasabi ko kagabi. Hindi ko naman intensyon na i-disregard yung nararamdaman mo. Sorry din kasi, dahil sa akin-" Naputol ang sasabihin niya dahil biglang hinawakan ni Chris ang kanang kamay niya. "Whaaaaat! Ang Lambot! Saglit lang, hindi ako ready! Hindi ko nanaman mapipigilan ang sarili ko nito!" nasa isip ni Jin.

Wala pa rin emosyon si Chris habang hinawakan niya ang kanang kamay ni Jin at bigla na lang siyang naglakad at wala nang magawa si Jin kundi ang sumunod.

Tila kinakabahan na si Jin kung saan siya dinadala ni Chris. "Whaaatt! Saglit dito na lang tayo sa labas!" sigaw ni Jin sa kanyang isip dahil dinadala siya ni Chris sa tapat ng gate nito.

Matindi ang pagkakakapit ni Chris sa kanang kamay niya. Gusto niya sanang tanggalin, kaso baka pag napalakas ang paghugot niya, nag aalala siya na baka tumalsik at masaktan si Chris kaya hinayaan niya na lang ito.

Nasa tapat na sila ng gate at pinindot na Chris ang doorbell at hanggang ngayon hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakahawak sa kamay Jin. Alam ni Chris na sa oras na tanggalin niya ang kamay niya, tatakbo si Jin.

"Pero ang puso ko, sobrang bilis na sa pagtibok. Pakiramdam ko gusto nang kumawala sa katawan ko. 'Di ako sigurado kung dahil magkahawak kami ni Chris ng kamay ngayon o dahil pinapapasok niya ako sa loob ng bahay niya!" sigaw ni Jin sa kanyang isip.

Dahan-dahan ng bumubukas ang gate nila Chris at dahan-dahan na rin tumataas ang blood pressure ni Jin. "Magpanggap kaya ako na mahimatay? Kaso gano'n din. Baka ipasok nila ako sa loob ng bahay!" nasa isip ni Jin. Bumukas na ang gate nila Chris at may nakita siyang nakatayong lalaki. "Siya ba 'yung papa ni Chris?"

Malaking lalaki ang bumungad sa harap nila ni Chris. Nasa 5'11 ang laki niya at nasa mga late 40s na ito pero maganda pa rin ang pangangatawan. Mayroon siyang maamong mukha at naka-uniform na light blue na polo at black slacks at leather shoes.

"Ahhh, Sir Chris, nakabalik ka na pala. Nako! Buti nandito ka na agad. Sabi ko sa'yo ako na ang bibili ng-"

Naputol ang sinabi ng lalaking nasa harap ni Jin at tingin niya dito ay mukhang maamong bouncer at napansin niya na sinenyasan ito ni Chris na parang 'wag ituloy ang sasabihin. "Ano kaya ang ginawa ni Chris sa labas?" pagtataka ni Jin sa kanyang isip. "Oo nga pala, Chris, bakit ka nasa labas? Saka kanina nakita ko si Rjay lumabas ng bahay niyo. Akala ko magkasama kayo?"

"Si Rjay? Hindi ko alam? Hindi ko pa siya nakikita. Pumunta ba siya dito sa bahay, Mr. Jill?" tanong ni Chris sa malaking lalaki na nasa harap nila.

March 2020/1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon