Model Ka Ba? You Wish!

2.2K 163 14
                                    

Isang maiksing mensahe sa mga kinaiinisan ko.

"Hindi mo kinaganda yang pagpapakita mo ng cleavage mo. Hindi mo rin kinagwapo yang pagtaas mo ng braso mo para mapansing may buhok ka sa kili-kili. Lalong hindi ka yayaman sa pagpapapicture mo sa isang freelance photographer ng half naked, almost naked o naked kasi hindi ka model ng BENCH THE NAKED TRUTH. I-PACK UP mo na yang ilusyon mong isa kang hot model wannabee kasi kinulang ka sa height. HUWAG KA NANG UMASA AT MANGARAP NA SISIKAT KA DAHIL MADAMING LIKES YANG PHOTO MONG PINOST MO SA FACEBOOK AT TINAWAG MONG HOT slash SEXY! Tandaan mo, hindi nadadagdagan ang pera mo sa pagbibilang mo ng likes kahit umabot pa yan sa isang libo. Gumising ka te. Hindi ka anak ng TEAM KRAMER o Kapatid ni Senyora Santibañez para maging sensational. Boooh!"

Marami na talagang FameWhore sa internet. 'Yong tipong pinicturan lang ng DSLR freelance model na kaagad? Agad-agad mga ate mga kuya? Tapos imemessage ka kahit hindi naman kayo masyadong close na paki-LIKE po ang picture ko. Sisikat siguro at ooferan ng Star Magic ng kontrata kahit di naman mukhang artista.

Wala naman akong problema sa mga taong nagfifeeling model sa Facebook o sa Instagram. Huwag lang sagarin ang ilusyon na pati ibang tao eh inaabala mo ma-LIKE lang ang larawang walang ka-ART ART. Iba ang artistry sa pornography. Naglalike lang ako sa mga artistic na photos kasi osa rin naman akong photo enthusiast. Kung gugustuhin ko man ng mga nakahubad at pasexy, eh di manonood na lang ako ng porn kaysa pagmasdan ang photo mong ikaw lang at ang ilusyon mo ang nakikita.

Ang harsh ko. Sorry ah pero ganoon talaga ako eh. Basher kung minsan. Lol!

#PhotoMoMukhaMo

Hashtag BalahuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon