Why Do You Write?

413 30 18
                                        

First things first: Bakit ba ako nagsusulat? Anong pumasok sa kokote ko at tinuloy ko ang pagsusulat na 'yan kahit na almost seven years na akong lulong sa writer's block? Para saan ba ang pagsusulat ko? Para kanino? 

Lahat ng katanungang 'yan, bumabalik sa tuwing maaalala ko kung papaano ako nagsimulang magsulat at kung bakit patuloy akong naghahatid ng kwento kahit na minsan pakiramdam ko'y hindi na masaya. 

Bata pa lang ako, mahilig na akong gumawa ng mga kwento. Fourth grade, may nobela na akong nakasulat sa ni-recylce na kwadernong hindi nasulatan ng mga kapatid ko. Masaya ako noon. Tanging ako at ang imahinasyon ko lamang ang tumatakbo sa bawat pahina ng kwento. 

Ang tanging reader ko? Iyong pinsan kong si Iya at mga kaklase kong sina Donna at Cathy. Oo, tatlo lang silang mga masugid na tagasubaybay sa mga kwento kong "Dream Forest" at "Tres Marias". Tatay ko ang editor ko noon, tagakutya sa maling dialogo ng mga karakter na ginuhit ko. Masaya ako noon, walang pressure, walang demands, for furn lang. 

Masaya dati.  Hindi nangungulit sina Iya, Donna at Cathy ng update sa mga nobela ko. Kahit na nadagdagan ang readers ko noong ako'y nag-fifth grade at sixth grade, hindi ko ramdam ang pressure sa bawat sinusulat ko. Siguro'y isa lang iyong laro at libangan noon. Walang kritiko, walang mapanghusgang mambabasa, walang wattpader na mahilig magkumpara sa gawa mo sa nobelang nabasa nila, wala kang mababasang opinyon ng iba na hindi gwapo ang author kaya hindi na karapa't dapat basahin ang nobela niya. In short, walang mapanghusgang lipunang mas uunahin ang itsura mo kaysa sa akda mo. 

Second year high school ako noong sinimulan ko ang original version ng 'The Keepers', ang 'Fullmoon'. Sulat kamay ang unang dalawang kabanata ng nobela pero hindi ko ramdam ang pagod noon. Walang nangangalyong kamay at walang pagod na utak dahil masaya ako sa ginagawa ko. 

Nakitaan ako ng kuya ko ng potensyal na maging nobelista. Binilan niya ako ng electric typewriter (hindi pa sikat ang computer noon). Mas lalo akong ginanahang magsulat dahil sobra-sobra ang suporta ng pamilya ko. Nadagdagan ang mga mambabasa ko, mula sa tatlo naging isang buong klase. Pati kabilang section nakikibasa na. 

Masaya pa noon. 

Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari at bakit ko nararamdamang parang mali ang napili kong mundo. Maayos naman ako noong kolehiyo. Nasa campus publication ako ng tatlong taon at kahit na tinahak ko noon ang student politics, nakakapagsulat pa rin ako at nakakasali sa mga writing competitions sa loob man o sa labas ng universidad ng walang halong pressure. 

That passion was lost for a while dahil sa trabaho. 

Five years ago, pagkatapos ng napakahabang pamamahinga ko sa larangan ng pagsusulat, bumalik ako at gumawa ng wattpad account. Naging mambabasa ako sa loob ng dalawang taon. May mga nakita akong mali sa mga nababasa kong akda pero nagkibit balikat lamang ako at nagpatuloy sa bawat pahina kung maganda ang takbo ng kwento at tumigil nang kusa kapag hindi ko na gusto. 

Natuwa ako sa sinulat ni april_avery na charm academy noong isa akong reader back in 2013 at ang mga gawa ni dyslexicparanoia, then later on kay jonaxx. Sobrang saya pa ng wattpad noon. Walang fanwars. Walang masyadong nagkukumpara sa sinusulat ng mga authors. Mga healthy readers lang ang nasa wattpad. 

Masaya pa noon. Masaya pa noong sinusulat ko ang unang bersyon ng "The Last Rose" at ang "The Keepers". Nasa biente ang mambabasa ko noon. Wala pa akong alam kung ano ang kalakaran sa Wattpad o marahil ay alam ko na ang kalakaran pero ipinagsawalang bahala ko lang dahil hindi iyon ang priority ko. 

Limang buwan nang lumobo ang reads ng 'The Keepers'. Naging isang milyon at humigit. Dumami ang mga mambabasa at tagasubaybay sa serye. 

Nakakatuwa noong una. Hindi ko naman inaasahang magiging ganyan katagumpay ang saga. Hindi ko inakalang aabot sa puntong malilimbag siya ng isang publisher. Bago pa man ako umabot sa mundo ng publishing, sandamakmak na pressure mula sa mga tao lalo na sa mga readers ang inabot ko. 

Mga demands. Mga bashers. Mga komentong hindi ko na nanaising basahin dahil hindi na nakakatulong sa pag-unlad ko bilang manunulat. Sabi sakin ng tatay ko dati, "choose the credible opinions and reflect from the criticisms. It may hurt, but atleast see the truth beyond them.". Nagamit ko 'yan sa loob ng napakahabang panahon. It shielded me from the pain and saved me from being caged again in a writer's block. 

Hanggang ngayon, hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang alab sa puso ko na nagpapalakas ng loob ko para magsulat. 

The world has changed. It's too far from the society I used to love and would wish to be writing when I was younger. 

Minsan, napapaisip ako. Worth it pa ba ang magsulat para sa mga kabataan kung iba na ang kultura at paniniwala ng henerasyon ngayon? Patuloy ko bang sisigaan ang apoy sa dibdib ko para magpatuloy sa aking nasimulang karera? 

Hindi ko alam ang sagot. Kasi maski ako man hindi sigurado kung hanggang kailan tatakbo ang dulo ng aking panulat. Ako ay tila isang bola ng apoy na nakalutang sa kawalan at naghahanap ng lugar na dadapuan. Isang lugar na masasabi kong karapat-dapat sa liwanag na gusto kong ihatid. 

My heart seeks for that one place. I may have seen that place for one, stumbled upon, but maybe I just missed the definition of it and never landed. Maybe one day... maybe one day I'll find that place. That reason that could answer the question "Why I write?".

###

Hashtag BalahuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon