Napakunot noo ako with an I DON'T GIVE A DAMN STARE habang binabasa ko ang newsfeed sa FB na nang-a-unfriend/unfollow si Kris Aquino ng mga showbiz friends niya. Yayaman na ba ang Pilipinas kapag inunfollow ng buong bansa ang mga Aquino? Possible.
Busy ako sa future ko. Busy ako sa pagpeperfect ng attendance ko at pagpupulido ng trabaho ko bago ko i-drop like a hot potatoe 'yong boss kong hindi man lang natuwa sa pagbabalik ko. Palibhasa mahilig gumamit ng "REVERT BACK" sa email at binara ng isang empleyadong katulad ko. REVERT!
Nagtaka ang isa kong friend kong bakit antahimik ko na daw sa FB feeds. I just smiled. Hindi ikakabawas ng sweldo ko ang hindi ko pag-update sa status ko.
Natalo ang mga halaman ko sa plants versus zombies, nginatngat ng aso sa bahay 'yong sketch pad ko, naalala kong breakniversary namin no'ng ex ko, valentine's day, feb-ibig, gumala ang mga dati kong kaibigan, fiesta sa Candon.
Andaming hashtag pero tanging ang number sign/#/hash lang ang napapansin ko. Mistulang isa yung kumpol ng mga bulaklak sa paningin ko, magandang tanawin. Masaya. Makulay. Pero hindi sa tanawing 'yon mismong nakatuon ang nararamdaman ko.
Nasa dulo.
I imagined myself lookin at the golden horizon... nag-eemote ako silently and I didn't want the facebook world to know.
Nobody would ask me "Are YOU OKAY?" anyway. Nobody did. Funny and sad thing wala akong close friend na maituturing. CUT!
Naputol ang pag-eemote na yan kasi biglang may kumanta sa park na nasa third floor (our unit is at 7th). Bukas na naman kasi ang bintana kaya dinig na dinig ang pilipit na boses ni kuyang kumakanta ng HOME ni Cris Daughtry (tama siya kumanta?). Hirap na hirap si kuyang abutin ang nota. I don't regret this life I chose for me. So I'm going home.
I'm going HOÒOyme" (panu ang spelling ng pumiyok na home) piyok si kuya. Tas inulit pa So I'm going home,Back to the place where I belong, And where your love has always been enough for miiiih (piyok uli). Eh napikon ako kasi nawalan ng hustisya ang kanta. Uulit pa si kuya I'm going-."GO HOOOOOOME!!!" patawang sigaw ko mula sa taas. Tawanan ang mga friends ni kuyang kumakanta. "Pak yu!" sigaw ni kuya. Hindi ko na binalikan. Kasi baka resbakan ako sa kanto. Lol ng mahinhin.
Nagutom ako bigla dahil sa boses palakang 'yon. I decided to eat all my stress out. Nakasabayan ko 'yong poging kapitbahay. Naka formal pero hanggang ngayon ay turn off parin ako kasi nakamedyas parin ng puti. Baduy. Malaking tanong na ever since kung san siya nagtatrabaho. Kaya hindi ko inattempt na i-add sa facebook si kuya kasi baka malaman ko na sa "EH DI SA PUSO MOH" siya currently working. Jologs! Wow sabog. Nagngitian lang kami palabas ng elevator. Ngitiang hanggang dun na lang dahil hindi ako pumapatol sa jejemon. Period.
HashtagWeirdo
BINABASA MO ANG
Hashtag Balahura
RandomAnong klaseng citizen ka? Taong gusto ng pagbabago pero ayaw magbago o taong ayaw nmagbago para sa pagbabago? Araw-araw ka bang nag-eemote? Hobby mo ba ang mag-inarte o mag-MV sa bintana habang umuulan? Sanay ka na bang lokohin at sanay ka na rin ba...