Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Patay na si KUPIDO!

2.3K 153 16
                                        

Pasensya ka na. Wala akong mapagsabihan. Wala akong mahanap na kaibigan. Ikaw na lang pwede? Lol.

Alam mo ba na bukod sa artistang si (toooot) ay may isa pa akong kinaiinisang artista? OH MY GOSH! Nakuh, sobrang arteng bata pati sa personal sobrang arte hindi naman kagandahan. SUS! PERO LET'S CUT THAT ISSUE OFF KASI NAKAKASUKA NA ANG PINOY SHOWBIZ.

I FEEL SO ALONE. Trip ko pa namang magRegine-Regine Velasquez kapag ganto 'yong nararamdaman ko. 'Yong wala akong matakbuhan, walang makausap, mahingan ng payo kaya dinadaan ko sa Wattpad, Journal, Blog at Facebook ang lahat. Ang masaklap, lahat ng nabanggit ko ay hindi rin nagrereply.

Minsan hiniling ko na lang na sana nananampal ang laptop, cp o kaya tong blank journal na hawak ko para naman maramdaman kong TANGA ako(Insert plastik na tawa. Malakas). Relaks it's just pag-ibig???

Napakunot noo ako sa PAG-IBIG na yan. Tao pa ba ako kasi hindi ko maramdamang inlove ako ngayon? Or nainlove ba ako? INFATUATION. Putang inang INFATUATION YAN. Kaya maraming nalilito at nagpapakatanga kasi hindi alam ang pagkakaiba ng infatuation sa lintik na love na yan.

O may pagkakaiba ba?

We call it love. It feels like love. But the most exhilarating of all human emotions is probably nature's beautiful way of keeping the human species alive and reproducing. LIBOG lang yan sabi ng kaibigan kong bitch. Natawa ako pero it seems to be partly true.

Dahil pabibo ako, at nagbest in science ako noong grade school, I believe that w/ an irresistible cocktail of chemicals, our brain entices us to fall in love. IT'S ALL IN THE BRAIN.

With that being said, pinipilit kong kontrolin ang utak ko at utusang mainlove. Nag-isip ako kung sinong pwede kainlaban. Ang ENDING... NGANGA. Hindi talaga ako naiinlove. Marahil kulang ako sa dopamine, serotonin, oxytocin at vassopresin. Abnormal ako. Kaya siguro walang nagkakagusto saakin kasi abnormal ako. Yun lang!

'Yon ang problema. Pati nga sa condo, nawiwirduhan saakin yung kapitbahay dahil kinakanta ko ang Wrecking Ball in Nora Aunor version habang nagwawalis. Hindi ko alam kung sa poker face niya natutuwa siya o naiirita kasi binababoy ko yung kanta. Juice colored paminta flavor!

I'm calling 911. CUPID IS DEAD!

Hashtag‪AntiCupid

Hashtag BalahuraMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon