Hello Bestie,
Naalala mo noong una tayong nagkakilala? Hindi ba’t nagpataasan tayo ng kilay noon? We hated each other’s presence. Kasi nga sabi mo, mas maganda ka saakin. Bagay na lagi kong tinututulan.
Our start was not as good as those of a typical friendship set-up, but it ended up meaningful.
We started as enemies. Naalala ko noong halos magbatuhan na tayo ng laptop dahil sa mga hindi natin pagkakaunawaan. Lagi kang may pinaglalaban habang ako’y laging may kinakatwiran. We seemed to be two opposite poles that would never meet at the same point. Hindi ko makakalimutan ang araw na halos isumpa na kita sa sobrang kamalditahan mo. I hated you so much and you hated me more.
All those hatred ended because destiny has its own way of reconciling people together. Like us.Noong naaksidente ako at dinala sa hospital, wala akong malapitan noon, tinanong ako ng nurse kung may kamag-anak akong malapit lang sa ospital na pwedeng tawagan. Wala akong masabi. Kasi lahat ng mga kamag-anak ko’y nasa probinsya. I was so helpless. Sumagi ang nakataas kilay mong mukha sa isip ko. Nilunok ko ang ‘pride’ ko at sinabi ko sa nurse na tawagan ka. Akala ko noon hindi ka darating dahil wala ka namang pakialam sa mortal mong kaaway. I misjudged you.
Dumating ka. Dala-dala ang damit-pamalit ko. Doon nagbago ang tingin ko sa’yo. Naluha ako dahil sa lahat ng taong pupunta at dadamayan ako ay ikaw na hindi ko inasahan ang dumating. You cared. Alam kong hirap kang ipakita sa ibang tao ang good side mo pero nakita ko mismo sa araw na ‘yon ang kabaitang nakakubli sa malditang awra mo.
Naging nurse kita. Nang maglaon ay naging kaibigan hanggang sa parang naging magkapatid na ang turingan natin. Noong mga panahong tinutulungan mo ako, pinapahiram ng pera dahil hindi ako makapagtrabaho ng ilang lingo, nililibre tuwing gagala tayo, kinakausap tuwing nahahalata mong may problema ako, nasabi ko sa sarili ko na babawi ako sa’yo.Alam mo, isa sa mga ugaling pinakaayaw ko sa’yo ay ang pagiging malihim mo. Hindi ka nagsasabi ng problema kahit na hindi mo na kinakaya. Ganyan ka siguro talaga. Isa kang lone warrior. Mag-isa kang humaharap ka sa digmaan kahit na dehado ka na. Ayaw mong humingi ng back-up kahit na kailangan na.
Hindi ka nagsabi.Namatayan ka ng nanay. Nagkasakit ka. Nangayayat. Hindi ka nakapagtrabaho. Ninakawan ka pa ng iphone. Nawalan ka ng ganang mabuhay. Sunod-sunod ang dagok na dumating sa buhay mo hanggang sa dumating sa puntong kinailangan mo nang magkulong sa kwarto ng ilang araw. Parang ginusto mong takasan na lang ang lahat ng problema sa mundo.
You lost your job. You lost everything; but you never lost me –your friend. Pinangako ko, noong araw na ‘yon na hindi kita iiwan.
Panahon ko no’n para bumawi sa’yo. Nanghina ka, nagpakatatag ako para may masandalan ka. Nawalan ka ng direksyong mabuhay, sinubukan kong payuhan at gabayan ka. Pinilit kong lumaban ka. Sabi mo noon, gusto mo nang mamatay kasi wala nang saysay ang buhay mo. Hindi ko alam ang isasagot ko no’n. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman mo; pero wala akong magawa para mapawi ‘yon.
Pinagsikapan kong tulungan kang bumalik sa dati. Sa dating ikaw –masigla, masayahin, maldita at nananampal. Naisip ko ng no’ng mga panahong ‘yon na mas gugustuhin ko pang araw-araw kang magmaldita na malusog ka, kaysa sa nagkakasakit ka at halos hindi na magawang magtaas ng kilay.
Lumaban ka. Nakita ko ang kagustuhan mong magpatuloy. Buong akala ko noon, kakayanin mo.
Mali ako. Akala ko kakayanin mo.
Patuloy na nanghina ang katawan mo.Araw-araw, lagi kong pinagdarasal ang kalusugan mo. Dumating nga sa puntong tinanong ko Siya kung naririnig Niya ako.
Laging sumasagi sa isip ko ‘yong mga oras na inaalagaan kita. Titigil ka sa ginagawa mo saka titingin saakin at sasabihin mo, “Thank you, Roby!” saka ka ngingiti na para bang namamaalam ka na. Nakailang “Salamat” at “Thank you” ka ba? Hindi ko na nabilang. Wala naman kasing katumbas ang ginagawa kong pag-aasikaso sa’yo sa lahat ng mga nagawa mo. You changed my perspective –the way how I see life.
Plinano pa natin noon ang birthday mo. Tinanong kita kung anong gusto mo sa birthday mo. Sabi mo gusto mo masaya kakain kasama ng mga kaibigan mo. Nilista ko ‘yon. Hindi ko alam na hindi na pala matutupad ang hiling mo.
Sinumpong ka ng sakit mo. Ayaw mong magpatakbo sa ospital noon. Siguro dahil sumuko ka na nga. Pero makulit ako eh. Nilaban ko ang buhay mo. Nalala ko pang nakahawak ka sa braso ko habang lulan tayo ng ambulansya. Hawak-hawak mo ako hanggang sa nasa emergency room ka na.
Nandoon ako noon. Ramdam ko lahat ng kirot sa tuwing aaray ka. Durog na durog ang puso ko noon, pero hindi ko magawang sumuko at maging mahina dahil alam kong kailangan mo ako. Kailangan mo ng masasandalan.
Ilang lingo ka ding tumambay sa ICU. Nakailang balik din ako mula sa opisina papuntang ospital. Halos maging tirahan ko na ang ospital. Ni hindi na ako natulog para lang mabantayan ka. Hindi ko ininda ang pagod dahil hindi ako pwedeng mapagod. Kailangan mo ako –ang kaibigan mo, kapatid mo kung ituring.
Noong araw na nagkamalay ka, naalala ko kung gaano kasaya ang mukha mo noon nang makita mo ako, kami ng mga kaibigan mo. Tinanong uli kita kung anong wish mo sa paparating na birthday mo, sabi mo “Longer life.” Pansin ko ang lamlam ng mga mata mo noon. Ngumiti ka pero hindi ‘yon umabot sa mga mata mo. Siguro’y ramdam mong hindi na yata ‘yon matutupad.
Hindi nga yata lahat ng kahilingan ay natutupad.
Bago ako umalis ng ospital para pumasok sa trabaho, muli mong sambit, “Thank you, Roby.” Hindi ko alam na ‘yon na ang huling pagkakataon na maririnig ko ang pasasalamat mo.
Ilang oras pagkaalis ko, muli kang inatake sa puso. Mas malala ang pagkakataong ‘yon dahil tuluyan ka nang nacomatose. “Bestie, lumaban ka lang. Fight lang!” sambit ko noong muli dumalaw ako sa ICU. Hindi ka sumagot. Tanging ang tunog ng medical ventilator ang umalingangaw sa tainga ko. Humagulgol ako sa harap mo.
Ilang araw kang comatose. Ilang araw kang lumaban. Hanggang sa nayupos na ang pag-asa kong makakabalik ka. Humina na ang katawan mo. Hindi na umeepekto ang mga gamot na binibigay sa’yo. Parang namamaalam ka na. Sa sobrang hirap ng pinagdaanan mo na halos hindi na kita kayang tignan, pinagdasal ko na sana tapusin na Niya ang paghihirap mo at mawala na lahat ng sakit.
“Bestie,” tawag ko sa’yo habang nakapikit mong nilalabanan ang kamatayan. Wala kang malay pero alam kong naririnig mo ako noong mga oras na ’yon. “Salamat. Ako dapat ang magpasalamat dahil sa mga kabutihang ginawa mo. Alam ko maldita ka sa iba, pero pagdating saaming mga kaibigan mo, kaya mong patunayang totoo ka at tapat.” Napahawak ako sa kamay mong manas na dahil sa dami ng gamot na tinanggap mo. “Alam ko, sinubukan nating lumaban. It was a good fight. Mahirap man sabihin pero gusto kong malaman mo na kung ano man ang maging desisyon mo, nakasuporta ako. Kung kaya pa, sige lang laban lang! Pero kung nahihirapan ka na,” napahagulgol na ako, “Kung hindi mo na kaya at sobrang hirap na, pwede ka nang sumuko. Ako na ang bahala sa lahat.”Lumuha ka. Hindi mo man magawang sumagot noon pero alam kong narinig mo ako dahil sa mga luha mo. Siguro’y naging sagot mo na rin ‘yon dahil ilang oras lang ang lumipas, namaalam ka na.
Ang daya mo naman. Hindi mo man lang nahintay ang librong nakadedicate sa’yo. Sino na ang magiging kasama kong gumala? Mag-isa na lang ba akong manunood ng sine? Hindi na matutupad ang napag-usapan nating mamimigay tayo ng regalo sa Ilocos. Hindi na rin natin mabibisita ang mga islang pabiro mong sinabing pagmamay-ari mo. Wala nang magbibigay ng payo saakin tungkol sa buhay. Wala ka na… Wala na.
Sa kabila ng pangungulila naming mga kaibigan mo, kaming mga naiwan, alam ko, ramdam ko ditto sa puso ko na masaya ka na. Naisip ko, siguro’y masaya ka na ngayon. Kasama mo na ang nanay mo. Wala ka nang mararamdamang sakit. Wala ka nang iisiping problema. Masaya ka na. Mapayapa. Alam kong mahabang panahon ang gugugulin naming mga naiwan mo para magpatuloy. Pero kahit na lumipas ang mahabang panahon na’yon, isang bagay lang ang masisiguro ko –hindi ka naming makakalimutan. Nandito ka. Ikaw at ang nakataas mong kilay.
Hanggang sa muli.
Ang Karibal Mo sa Pagiging Liza Soberano,
Ruru
BINABASA MO ANG
Hashtag Balahura
RandomAnong klaseng citizen ka? Taong gusto ng pagbabago pero ayaw magbago o taong ayaw nmagbago para sa pagbabago? Araw-araw ka bang nag-eemote? Hobby mo ba ang mag-inarte o mag-MV sa bintana habang umuulan? Sanay ka na bang lokohin at sanay ka na rin ba...