Tanging Hiling

499 31 3
                                        

Maaga akong nagising. Siguro dahil unang madaling araw ng simbang gabi. Ang kwela no? Bakit tinawag na simbang gabi ang misa na ginaganap ng 4:30 ng umaga? Pero dapat talaga yung oras ang nag-aadjust, dapat ang gabi ay hindi nagtatapos ng 12 midnight. Para saan pa at tinawag na midnight ang 12 am? Mid, sa dictionary ibig sabihin niyan ay gitna or kalahati. So kung ang 12 MIDnight ay kalahati ng gabi, eh diba dapat ang midnight ay 9:30 since madalas 6PM nagsisimula ang gabi? O kaya dapat hangga't madilim ang gabi ay gabi pa rin. So gabi parin ng 4:30 not a.m pero 4:30 before sunrise. Pupush ko tong pinaglalaban ko. Hahaha.

Hindi ko alam pero hindi ako 'yong taong palasimba pero right at that moment, naisip kong magsimba hindi para makinig sa sermon ng pari pero para kausapin ang Diyos. Hindi kasi ako naniniwala sa ilan sa mga pinaglalaban ng simbahan at ng ilan sa mga pari pero naniniwala pa rin ako sa Kanya. It's like you don't believe that person but you believe the words of the greater force Who controls the universe.

So hayon na nga, nagdesisyon akong mag-sweater dahil alam kong malamig sa labas at walang yayakap saakin pag hinampas ako ng malamig na hangin. Ganyan kaming mga single, sa sobrang lakas ng defense mechanism namin alam na namin kung anong mangyayari. Nagdala din ako ng payong, kasi nga wala naman akong aasahang magdadala ng payong para saakin. Wala ako sa teleserye na puno ng ilusyon. Nasa realidad ako, realidad na ako ay mag-isa at walang gagawa ng mga imaginings ko para makabuo ng isang love story. Sinagad ko na ang pagiging single ko kaya nagdala uli ako ng panyo. Huwag niyo na akong tanungin kung para saan ang panyo. Basta may panyo, ala Vilma Santos.

Kakasimula pa lang ng misa nang dumating ako sa simbahan ng Baclaran. Dumiretso ako sa Candelabra, doon sa pinagtitirikan ng mga kandila. Sa tuwing may misa, doon ako ng isang buong oras. Nasa speaker naman ang mga dasal, ebanghelyo at sermon kaya hindi na ako pumapasok. Saka ugali ko kasi talagang doon maglagi at magsindi ng mga kandila habang nagmimisa.

Oo. Hilig kong magsindi ng mga kandila pati nga kandilang para sa iba na namatayan na ng apoy. 'Yong mga tipong sinilaban lang saglit at kunwari dinasalan pero iniwan din kaya namatay na at nawalan ng apoy. Lagi akong tinatawag na baliw ng mga kaibigan ko tuwing nagsisimba kami sa Baclaran kasi hindi talaga ako pumapasok sa simbahan at isang buong oras akong nasa tirikan ng kandila at pinapakialaman ang mga kandilang wala nang apoy.

Naniniwala kasi akong ang mga kandilang sinasamahan ng dasal ang paraan para ang mga kaluluwang nasa lupa ay tuluyan nang makaakyat sa cloud 9. Kumbaga yung usuok at apoy ng kandila ang maglilipad sa kanila pataas. Hindi ko alam kung nasa kasulatan ng Biblia, dahil ilang bahagi pa lang ng Bible ang nababasa ko o nasa mga kwento ng iba ang paniniwala ko. Siguro dulot lang din ng malikot kong inahinasyon na halos naiimagine kong ang mga usok ng kandilang iyon ang tumutulak pataas sa mga kaluluwang naghahangad makaakyat sa langit. Call me weird but atleast, you might tell one day that I am making sense when you die. Baka sabihin niyo pa "Ru, Robb, Roby, Roberto, sindihan mo lahat ng mga kandila diyan sa Baclaran plith?"

Okay enough.

Going back to the Candelabra, where most of the candles die for so many reasons (like all of us do), may mga unusual ang out of the blue prayers ako habang sinisindihan ang candles ng iba. Bukod sa family at sa friends ko, minsan may mga prayers ako na bigla-bigla na lang sumusulpot.

Gaya na lang pag may gwapong lalaking magsisindi ng kandila sa tapat ko, bigla akong magdadasal na "Lord, kahit ganyan lang please?". Tapos kalaunan may tatabi sa gwapong guy na magandang babae na girlfriend pala niya. Babawiin ko, "Lord, deserve nila isa't isa. Hindi ako pinalaking manunulot. Next please?"

Mauulit ang prosesong 'yon pag lilipat ako sa kabilang bay ng candles na wala nang sindi. May darating na gwapo uli ala Lee Min Ho. Lilipad na naman ang malandi kong imahinasyon, tapos kunwari may "sarang saranghae" na backround music kahit na homily ang nasa speaker ng simbahan. Ang ending nagtitirik lang din ng kandila 'yong pogi tapos magsa-sign of the cross then aalis na.

Ganoon lang din ang cycle. Biglang darating. Aabalahin ang namamayapa mong puso tapos ikaw 'tong ilusyonada at asumera, aasa na may posibilities kayo pero ang totoo wala. Kasi ang totoo hindi lahat ng possibilities ay 100% accurate, madalas ang mga posibilities na 'yan, sila yung mga nakakasakit dahil may tendency sila na magpaasa.

Nakailang bay na ako ng sindi ng kandila sa unang simbang gabi ng 2017, nakailang dasal na ako at ilang beses na akong nagpigil sa mga tukso na 'yan nang may tumapat uli saaking isang nilalang. Hindi masyadong gwapo pero pwede nang hilingin. Ilang segundo siguro akong nakatingin sa kanya. 'Yong tipong tumigil sa pag-ikot yung mundo ko para sa kanya. Hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kanya, nagulat na lang ako nang mapaso ang kamay ko sa wax ng kandila kaya nagulat ako at naitapon ko ang hawak kong kandila. Buti na lang hindi ako napatili. Siguro dahil naka-program ang utak ko na nasa simbahan ako kaya hindi ako naghisterikal.

Pagkatapos magdasal ng lalaki ay nagmulat ito ng mata. Tapos tumingin saakin saka ngumiti. Nagblush yata ako that time at biglang napahiling, "Lord, sana siya na."

Ang ending hindi pala. Ngumiti lang si kuya, pero hindi ibig sabihin no'n na gusto na niya ako. Parang ang saklap kasi tumigil 'yong ilang segundo ko sa kanya pero para sa kanya, bahagi lang ako ng fast-forward ng orasan niya. Umalis si kuya na hindi nalalamang hiniling ko siya sa harapan ng mga kandila pero hindi natupad nang tuluyan na siyang tumalikod at lumayo.

So hayun, natapos ang misa at nakailang sindi ng kandila, dasal at hiling ako. Hindi man natupad ang mga hiling kong jowa sa Candelabra, atleast isa o higit pa sa dalawang hiling ko para sa aking pamilya, kaibigan, katrabaho at mga supporters ang matutupad. Hindi man ngayon, pero sa takdang panahon.

Lavaaaarn!

####
#BaclaranChurch
#UnangSimbangGabi

Hashtag BalahuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon