It's a No!

434 38 9
                                        

It's 6 in the morning and I was awakened by an unusual Skype call. I was supposed to wake up at 8 am or even hours after that because sleeping is beautiful (Hahaha. Sleeping beauty!), but then this person who, by the will of fates is on the other side of the world, suddenly called me for some reasons I have yet to discover.

I tapped the lamp on my side table so that he could finally see me.

"Hello." Malungkot na bati nito. Pagkakaalala ko, Valentine's Day pa lang pagkagising ko hindi Biyernes Santo. So anong meron?

"What's up?" I asked in a casual tone. As if hindi ako bagong gising at nasa office lang. Talent ko 'yan, ang mag-adjust kung kinakailangan kasi sinanay naman akong laging pinag-aadjust. So, since nasanay na ako, naisipan kong gawing talent ang pag-aadjust kahit na minsan ay nakakabobo na.

"How are you?" He asked in his Canadian accent. Ngumiti siya ng tipid. Ngiting akala mo birhen at walang ginawang kabalbalan.

Pak yu ka! Naisaloob ko.

"I just woke up, obviously." Pa-Californian at pavirgin kong sagot. Labanan ng accent at puri ang usapang ito.

Ngumiti uli siya. Ngiting hindi abot hanggang sa mga mata niya. Tumayo siya mula sa couch para abutin ang stuffed toy na binigay ko pa sa kanya noong college kami. Winagayway niya sa harap ng laptop niya ang bagay na 'yon.

So what am I supposed to feel? Magflashback hanggang sa maalala ko ang panggagago nito sakin?

I felt sad and nostalgic and disappointed. Pero since sanay naman ako sa pakikipaglokohan sa kanya, I smiled and said, "Cute stuff. San mo nabili 'yan?" Kunwaring pakengkeng na 'My Amnesia Girl' ang peg ko. Para naman maramdaman niya rin minsan kung gaano kasakit ang makalimutan.

His face turned from a sheep to an angry wolf. His jaw tightened and his features hardened. Feeling naman niya ang gwapo niya.

Binaba niya sa tabi niya ang stuffed toy. Then he brushed his hair backwards so that I can see his full features. "How have you been doing? How's your books?" He tried to divert his anger into something which he treated for years as inconsequential.

Napasubsob ako sa unan saka napatitig lang sa monitor. He was waiting for my answer. Impatiently. Hindi ako kaagad sumagot. Para naman maranasan niya kung gaano nakakaubos ng pasensya ang maghintay. 'Yong maghihintay ka sa isang bagay na alam mong hindi na darating pero hinintay mo pa rin kasi umaasa ka sa salitang 'baka'.

"Are you going to answer me Robb or you just want to start a stare-game? Mabusorak."

That mabusorak word means, he's getting roiled or even infuriated. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Mainipin pa rin at mainitin ang ulo. No wonder kung bakit ayaw sa kanya ng barkada ko. He thinks of himself so highly that no one should make him wait for too long.

Well I did.

Dahil nainip na siya at ubos na ang pasensya niya, hindi ng kalandian niya kasi unlimited 'yon, tinanong ko ito, "Bakit ka ba kasi tumawag?"

Suminghap ito ng hangin. Halos mapapikit siya at mapasandal sa couch na inuupuan niya. "I wanted to talk to you about everything. About what happened."

"What's the point?" Anong punto kailangan mong balikan ang isang bagay na sira na at hindi na pwedeng ayusin pa? Anong punto ng pagtawag mo sa taong matagal nang nakaalis kung saan mo siya iniwan at wala ka namang balak sundan siya? Bakit siya babalik sa nakaraang labis na nanakit sa kanya? Okay... tama na nagiging soap opera na 'to!

"Kasi..." he paused. He cleared his throat. Halata pag hindi siya komportable sa susunod niyang sasabihin. Tumitikhim. "Coz..." he paused again and stared at my bored and messy face, "I'm sorry..."

Nagulat ako. Hindi niya ugaling mag-sorry pero why on earth? Nasa earth pa ba ako? "Why?" Pakengkeng kong tanong. Though I already knew the reason why he's sorry, I still wanted to hear it. Para kasing 'yong pag-enumerate niya ng mga kabalbalan niya eh isa-isang natatanggal ang mga punyal sa dibdib ko na matagal nang nakatarak. Relieving! Refreshing diba? Imagine mong nasa commercial ako ng soda sa TV. Yung napapaungol at napapa-ahhhh pagkatapos uminom ng malamig na softdrinks?

Mga santo lang ang ayaw ng sweet revenge!

So attack na. Pagkakataon ko nang lumarga habang nasa vulnerable state siya.

"Gago ako." Sambit niya.

"Gago ka dahil?" I asked as my way of phishing more details.

He sighed deep. Mukhang hindi pa niya kayang aminin mga kagaguhan niya. Sumandal ito sa kinauupuan. Then saka ito muling lumapit sa laptop. "I don't know why I did it. Why I cheated on you before. Sinira ko 'yong 4 years natin."

"You know the reason why you did it. It's either you tend to deny the truth because you feel guilty and stupid about it or you don't want to tell it because it would hurt me. Again. Been hurt, now I feel numb. So who cares dude?"

"I messed up." He admitted.

"You did." I confirmed. "So what's with all this? You calling in this fckin' early morning? Normally, you don't call this early, madalas nasa labas ka. Having dinner with your friends or with... Ken."

The name just completed the puzzle. I already had an idea why he was calling and playing this guilty suspect.

"We broke up." He looked devastated as he admitted. Mukhang mas malala ang impact ng break up nila kaysa samin. (FYI, there was no break-up. We just had a mutual understanding that we're over. Like what the assumeras do. We assumed it was over because of his infidelity and my leniency and we both agreed to it. SILENTLY)

"So ano ako, confidante?" Natawa ako.  Tawang halatang nainsulto. Gigisingin mo ang unofficial ex mo para gawing confidante tungkol sa problema niya sa jowa niyang kapwa niya malandi? Wow! Ang kapal.

"I just wanted to talk to you. 'Yon lang!" He sounded defensive. Nagsalubong na naman ang kilay niya.

"Mel, can we get to the core of it? Why are you so miserable? It's Valentine's!" I tried to sound cheerful. Para naman maramdaman niyang nakamove-on na ako mg bonggang-bongga.

"Namiss lang kita." Nahihiya niyang sabi. Napatakip pa siya sa mukha.

Natawa ako. Tawang pangmangkukulam. Tawa ni Amry! Tawa ni dark prince! Tawa ni Golarus! Pero nang mapansin kong medyo naasar na siya, tumigil ako. "So anong gusto mong gawin ko? Damn! You're crazy!"

"C-can we get b-"

"No." Putol ko sa sasabihin nito. Alam ko na ang pinupunto niya. Ginawa na niya 'to dati. "Mel, sina Popoy at Basha nagkabalikan. Pero hindi tayo sila. Magkaiba ang sitwasyon. Saka hindi ko kahawig si Bea Alonzo. Hindi ka rin mukhang John Lloyd. So no!" Tumawa uli ako. Tawang pangbeauty queen. Hindi ko naman talaga hawig si Bea. Liza Soberano 'to noh? LIZA!

"What if umuwi na lang ako diyan?" He suggested. Medyo lumiwanag na ang mukha niya.

"Eh di umuwi ka. Bakit kapag umuwi ka ng Pilipinas maiiwan ba sa Canada ang libog at kalandian mo?"

"I'm serious!" He insisted. "Nakakastress na kasi dito eh."

"Seryoso din ako dude. Masaya na ako kahit wala akong date ngayon at sa mga darating na araw. Atleast panatag at payapa ang isip ko na walang manloloko sakin at walang mang-aahas sa jowa ko kasi single ako."

So he ended up disconnecting the call after failing to get any approval from me. Nagchat uli siya ng "Sorry. Will call you again soon."

Minsan kahit gaano mo pa minahal, matututunan mo na lang ding humindi pag nanawa ka na. Nakakapagod din kasi ang maging tanga at martir lalo na kung paulit-ulit kang inaabuso. Kaya ganti-ganti rin pag may time!

#####

Ito po ang dahilan kung bakit walang UD sa TR ngayon. Maghapon akong busy sa buhay. Dumagdag pa ang mga multo ng nakaraan.

Hashtag BalahuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon