Legend of the BeKi

840 60 11
                                    

Sinabi kong magtatatlong ikot ako ng Luneta alas quatro impunto ng madaling araw. Nananaba na kasi ako at pakiwari ko'y yo'n ang naging dahilan niya kung bakit ako iniwan. Ang kaartehan ko, umabot hanggang sukdulan kaya gusto kong mag-slow-mo habang nagjojogging kasabay ng ballad songs ng BTS. (Nilamon na din yata ako ng KDrama ala Legend of the BeKi).

Pero iniwan ba talaga niya ako dahil mataba na ako?

Mababaw. Mababaw. Mababaw.

Oo mababaw ang naisip kong dahilan. Pero sinadya ko pa ring bumalik sa dating ako. Walang bilbil, matikas, malakas, positibo at maayos. 'Yong kulang na lang at pagkakamalan na akong si Liza Soberano? Pangit ba ako? (Oo- sagot niya) Kapalit-palit ba ako? (Oo- sagot uli niya) Then why??

On a serious note, is it worth asking why we didn't end up together? Will it mend all the shattered pieces inside me? Kaya bang ibalik ng mga Why and Why na 'yan ang dating kami? Hindi diba? So ang tanga ko lang habang patakbo-takbo sa Quirino Circle habang nag-eemote emote sa saranghae saranghae na 'yan, wala din palang magbabago.

Wala nang kami! Wake up! Maghanap ka na ng iba! Bulong ng malandi kong sarili.

Sa isang pakurbang kalsada nakasalubong ko ang isang taong malaki ang pagkakahawig sa kanya-singkitin, mapula ang mga labi, maputi at mukhang bagong ligo. Nagkalingunan kami kaya agad akong umikot para masabayan siya sa pagtakbo. Walang slowmo. Maayos na ang pagtakbo ko sa unang ikot. Ilang metro lang ang distansya niya saakin-parang kami lang, hindi nagkakalayo ang pananaw sa buhay, maaaring magkatagpo at magkasundo. Hihihi. Makalipas ang ilang minuto, mag-iikalawang ikot na ako pero pinulikat ako ng bahagya. Akala ko'y titigil siya para saklolohan ako. Naalala ko na naman siya, binabantayan ako at inaalagaan tuwing kailangan ko ng kalinga. Para siyang redcross, laging handa sa oras ng sakuna.

Pero ano ba naman ang aasahan ko sa isang estranghero? Hindi lahat ng nakakasalamuha ko'y katulad niya -maalaga, maalalalahanin. Nagpatuloy ang estranghero gaya ng ginawang pagtalikod saakin ng taong laman ng isip ko. Pinilit kong ayusin ang sarili ko. Pinilit kong tumayo muli kahit na masakit pa. Handa na akong habulin siya pero nang tanawin ko'y malayo na ang agwat namin. Ganoon din yata ang nangyari saamin. Hindi na niya ako binalikan, hindi nilingon o kinamusta man lang. Mahapdi.

Dahil matigas ang ulo ko, pinilit kong tumakbo parin. Akala ko'y maabutan ko siya. Hiningal ako. Sinagad ang pagod. Wala na siya. Nakaalis na.

Ang saklap lang talaga kasi hindi pala ganoon kadali ang magmove-on. 'Yong tipong gusto mo siyang palitan ngayon ay may darating kaagad at handa kang saluhin siya agad-agad. Mali ako ng pananaw sa moving on na 'yan. Ang daming proseso. Ang daming kailangang pagdaanan. Unang stage pa lang, hirap na hirap na ako.

Ang masaklap, ni sa bungad ng acceptance hindi pa ako umaabot dahil hindi pa ako tapos magluksa. Ang tagal na rin. Pero pasasaan ba't mauubos din 'tong kaartehan ng pagluluksa ko't kinabukasan ay tanggap ko na. Na hindi na magiging kami -ULIT.

#LegendOfTheBeki

Hashtag BalahuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon