Napakamot ako sa ulo tapos bigla akong may nakapang something. Jusko, there is a living organism in my scalp? Tumayo lahat ng balahibo ko nang mapagtanto kong may naligaw na kuto sa ulo ko! (OHHHH MYYY!!!) Halos manlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. Hihiyaw na sana ako pero naunahan ako ng kaibigan kong si Lota. Tumili siya habang nakatitig sa hawak kong kuto. Napatili din ako. Hindi ako pwedeng pakabog sa hiyaw ng maarte kong kaibigan. Mas malakas na hiyaw. Mas mataas. Mas nasa tono! (Feeling siguro ng mga kapitbahay nagsoshowdown sa ASAP sina Morisette at Angeline Quinto.?)
WTF? Bakit may kuto sa ulo ko? Sinong lapastangang nilalang ang magwiwisik ng sumpa sa ulo?
Nagkukumahog na tumakbo patungong sala ang jowa ko, ay jowa pala ni Lota na si Larry. Akala nga talaga niya nagsoshowdown ang Birit Queens ng LIVE. "Anong nangyari?" tanong nito saka palipat-lipat ng tingin saamin ng girlfriend niyang nakikisawsaw sa kalbaryo ko. (Ako lang dapat ang tumili eh.)
"May kuto si beks!" paratang ni babae sabay turo sa hawak kong kutong nagtu-twerk sa kamay ko.
"Gag* ka hindi akin to! I never had kuto since birth! Kahit icheck mo pa buhok ko kung may mga glitters ng lisa diyan! Ewwww! Kanino galing to?"
"Patayin mo na!" untag ni Larry na tila nandiri na rin sa kuto na nagawang mag-walling sa kamay ko. "Tsk" Larry clicked his tongue and went back to the kitchen.
"Oh my gosh! I'm killing an innocent life!"
"Ang arte mo beks! Kill it na!" umiikot ang eyeballs na turan ng kaibigan kong hindi naman kagandahan. Minsan nagtataka ako kung bakit 'to pinatulan ni Larry? Samantalang kahawig ko naman si Liza Soberano (joke na po ito).
Nanginginig ang kamay kong ipinatong sa ashtray yong kuto. Saka sinindihan ang posporo't sinilaban ang nagmamakaawang kuto. Atleast the kuto died with dignity, na-cremate pa!
Dahil sa sobrang pagwoworry ko lung may kuto talaga ako, pinacheck ko kay Lota ang buhok ko. "Isa-isahin mo beks. bawat strand icheck mo ng maigi. Then, idouble check mo bawat strand kung maaari. Ayokong nagtatrabaho ako sa corporate office pero may kuto? Juice colored that's so not me!"
"Eh kung ipakain ko sa'yo bawat strand ng buhok mo?" pambabara saakin ng babaeng hindi talaga ako nagagandahan. Maarte nitong hinalukay ang buhok ko, trying to find an evidence. (Sana hindi niya mabasa 'to. Kundi hindi ako ililibre nito ng anim na buwan.)
"Savage mo baks, halah check na," utos ko. Habang hinahalukay ng kaibigan ko 'yong buhok ko, nagflashback ako kung saan ko nakuha ang mahiwagang kuto na 'yon.
Gumala ako pa-kabihasnan no'n isang araw. Naalala kong may katabi akong babaeng nagmumusic-video habang hinahangin ng polusyon ang dry nitong buhok. Humahampas sa mukha ko yung buhok niya. Jusko pakiramdam ko hinampas ng alambre 'yong mukha ko. Ang sakit! Naisip ko tuloy ngumuya ng gum tapos idikit sa buhok ni ate sabay sigaw ng "Design!" gaya ng ginagawa ng college friend kong nuknukan ng kalokohan.
Kaso hindi ko nagawa, kasi wala akong dalang bubble gum. Pinatawad ko si ate. Ayokong ipagkait ang pagpapatawad na pinagkait saakin ng ex ko (hahaha).
Pinutol ni Lota ang pagbabalik tanaw ko. Mukhang tapos na nito iinspect ang ulo ko. "Baks, wala na akong nakita. Safe ka na."
Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko'y tuluyan nang sasakupin ng lagim ang ulo ko. Nagpatuloy na kami sa chikahan ni Lota. Mga chismis tungkol sa mga kaibigan namin. Hanggang sa maisipan kong i-prank ang babaeng umagaw kay Larry. Umarte akong nakatitig sa noo niya saka kunwaring may pinulot na kuto doon. "Oh my goodness girl, may nakuha ako sa ulo mo!"
Si ate, hindi pa nakikita kung totoo ngang kuto ang hawak ko tumitili na. Kinabog niya ang taas ng boses ko. Jusko, ang hirap magkaroon ng kaibigang baliw! Mababaliw ka din.
#RIPkuto
#KatarunganParaSaLahatNgNasawingKutoSaEarth
###
BINABASA MO ANG
Hashtag Balahura
De TodoAnong klaseng citizen ka? Taong gusto ng pagbabago pero ayaw magbago o taong ayaw nmagbago para sa pagbabago? Araw-araw ka bang nag-eemote? Hobby mo ba ang mag-inarte o mag-MV sa bintana habang umuulan? Sanay ka na bang lokohin at sanay ka na rin ba...
