Riding-In-Tandem sa Puso Mo

1.6K 102 4
                                        

"Everyday is a good day to be alive, whether the sun's shining or not."

I almost lose the tiny breath I'm carrying. Dala ito ng napakasayang surprize kagabi nang buksan ko ang email galing sa HR. Sobrang saya ko last night. To keep things in good shape and in balance, na-riding in tandem ako. So here's the whole story.

Riding in Tandem Scene one Action!
Maaga akong nag-out. Two minutes before six eh nasa elevator na ako kasama ang mga kaopisinang excited din umuwi kasi weekend. Pasado alas sais nang masambit ko ang "PARAAAAA" sabay katok sa kisame ng jeep. It was an ordinary day for me. Hinayaan kong magcelebrate ang mga may iniirog at magluksa ang mga single at bitter. Nung nakaraang araw nga akala ko undas kasi andaming nagtitinda ng bulaklak pero hindi ko ito binatikos sa aking DEAR FACEBOOK. Hindi naman siguro masamang manahimik ng saglit at bigyan ng kaligayahan ang mga umiibig sa pamamagitan ng aking pananahimik sa FB. (Andaming Flashback and random thoughts) pagtawid ko sa footbridge patungong Evangelista, nilakad ko ang kalyeng nagsilbing RAMP/RUNWAY ko sa loob ng pitong buwan. Kinakanta ko pa 'yong Chandelier in Claire dela Fuente version nang biglang may napansin akong tumigil na motor sa tapat ko lulan ang mga nakahelmet na anlakas makapower rangers!

SHET POWER RANGERS VERSUS DARNA! Alam ko na kahit na sa loob ng limang segundong iyon bago ako lapitan ni kuya ay hoholdapin ako.

Kinabahan ako. Normal naman yata na kabahan si darna kung power ranger ang kalaban diba? Bumaba yung isa. Ambilis ng pangyayari. May hawak siyang baril na niload pa. Sa loob ng tatlong segundong pagtutok niya saakin ng baril, hindi ko alam kung bakit napakabilis ng mga ala-ala, mga mukha, mga lugar ang nagflash sa aking utak. Tila tumigil ang mundo at tinanong ako kung handa na ba akong makita ang yumao kong ina o handa na ba akong mawalan ng worth 50K sa bag ko kasama ang phone, check, at pera. Naiyak ako nang habang nakatutok saakin yung baril ay naalala ko ang tatay ko na proud na proud saakin kahit anong maging desisyon ko sa buhay, maging teacher man ako o maging call center agent habambuhay, naalala ko ang mga kapatid ko at kung paano nila iparamdam saakin na nirerespeto nila ako at minamahal -isang bagay na hindi ko naramdaman ng higit sa ibang tao- naalala ko ang mga pamangkin ko na dinadala ang mga pangalang binigay ko, nalala ko ang mga ngiti ng kapitbahay namin tuwing umuuwi ako ng probinsya lalo na kung pasko, nalala ko ang mga kaibigan ko at mga kaopisina. Sa gitna ng pagikot ng mga alaala sa aking utak, hindi ko namalayang nakikipag-agawan na pala ako ng bag. Hindi ko namalayang sinisigawan na pala ako ng holdaper ng "Huwag kang sisigaw! Papuputukan kita!" Bigla akong natakot hindi lang dahil sa baril na hawak niya pati na rin sa naramdaman kong walang takot sa kamatayan. "BAKIT HINDI AKO NATATAKOT MAMATAY? BAKIT GANITO ANG NARARAMDAMAN KO? HINDI KO NA BA PINAHAHALAGAHAN ANG SARILI KO?" naisip ko. Sa pagtutol ko sa isiping iyon, napasigaw ako ng napakalakas. Sigaw na hindi ko pa nagawa noon. Laking gulat ko nang ihampas ng holdaper ang hawak nitong baril sa mukha ko. Bahagya akong nahilo. Alam kong basag ang kanang pisngi ko pero napagtanto kong peke ang baril ni kuya dahil kung tunay yun, sana wala na akong malay at kanina pa niya ako pinutukan. Hindi ko binitawan ang bag ko habang nakikipag agawan. Tinadyakan ko sa sikmura ang hayup at sinuntok ko sa mukha. Hindi ako tumigil sa kakasigaw....

Wala mang nagsasabi saakin ng I LOVE YOU ngayong Valentine's day, narinig kong sabi ng Diyos "I love you" dahil biglang may sumigaw sa di kalayuan ng "Hoy itigil mo yan!". Napaatras yung holdaper at kumaripas ng takbo pasakay sa motorsiklo. Tumakbo ako palayo at sinaklolohan ng mga tao sa barangay. Ganun pala talaga sa Makati. May rescue team w/ matching ambulance na dinala ako pa-Makati Med.

Kahit papaano sa kabila ng trahedya sa buhay ko sa araw ng mga puso at tigang na love life, sinabihan parin ako ni Bro na "Sige pakikiligin kita para hindi mo masyado maramdaman ang sakit" at pinadala niya ang isang poging doktor. Thank you Dr. Ong of Makati Med na tumahi sa sugat ko sa mukha. Pinakamabait na doktor na nakilala ko.

So I'm alive with 19 sutures. Dahil sa nangyari at sa post ko sa FB, mas nakilala ko yung mga taong totoong concern at mga taong nakikiusyoso lang. Thanks to your kind and touching comments.

Alam kong hindi mag-aadjust ang calendar dahil lang sa nangyari saakin. Kaya HAPPY VALENTINE'S parin sa lahat. Sa mga kapatid kong paboritong papakin ang ampalaya lalo na sa mga gantong okasyon, BENTA BENTA NA LANG NG SAMPAGUITA SA KALYE PARA DI NGANGA!

HashtagRidingNTandemSaPusoMo

Hashtag BalahuraMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon