Nagkalat ang mga manloloko ngayon. Para silang mga peste. They come in all forms and sizes. Sari-sari ang mga modus nila para kumita ng pera sa pamamagitan ng panloloko ng kapwa. Ito ang eksena sa Partas Station na gusto kong ishare.
Babae: (May kausap daw sa phone) Eh nandito na ko sa Partas eh. Ano oras ba?
After ng phone conversation
Babae: Kuya pwede makitext, ititext ko lang tong number na 'to? (She was talking to me at mukhang gustong maexperience ang phone ko)
Ako: (I body checked the girl...hmmm kamukha niya si babidi ng Dragon Ball-Z) Sorry?!? (Sarcastic)
Babae: Sige na kuya patext.
Ako: Kakatawag mo lang kunyari sa susunduin mo dito. BIGYAN KITA BENTE, MAGPALOAD KA DO'N. (Sabi ko w/o any intention of bringing any penny) Ba't di ka na lang magpaalam at sabihin mong "KUYA HIHIRAMIN KO KUNWARI YANG PHONE MO TAS ITATAKBO KO?!"
Napahiya si ate.
Babae: Makikitext lang naman.
Ako: Eh diba sabi ko bibigyan kita bente at magpaload ka dun? Palusot ka pa!!!
Walk out si ate. Tumakbo palabas ng Partas.
Moral: Mag-ingat sa mga mukhang kontrabida sa anime. Lol ng 1 million.
Hindi ko talaga magets kung bakit napakaraming mga magnanakaw sa mundo. Dahil ba madami paring aanga-anga na pwedeng nakawan o marami na talagang mga demonyo ang nakaakyat mula sa ilalim ng lupa?
HashtagNakawPaMore
BINABASA MO ANG
Hashtag Balahura
RandomAnong klaseng citizen ka? Taong gusto ng pagbabago pero ayaw magbago o taong ayaw nmagbago para sa pagbabago? Araw-araw ka bang nag-eemote? Hobby mo ba ang mag-inarte o mag-MV sa bintana habang umuulan? Sanay ka na bang lokohin at sanay ka na rin ba...
