What Has Happened to Iamrurumonster Stories?

468 66 27
                                        

WARNING: THIS CONTAINS A LENGTHY RANT OR WHATEVER PEOPLE MAY CALL THIS, BUT IF YOU'RE A REAL MONSTER, IT WILL BE WORTH IT.

The Reasons Why My Stories Are ________.

Back in 2015 masyado akong active sa Wattpad. Kasagsagan ng The Keepers kasi nga first novel ko. I was working in a corporate office and I had A LOT of free time to write.

I HAD no social life back then. Just Wattpad. 'Yong hindi na ako halos magFacebook kakaWattpad. That may be the reason why ang bilis lumobo ng reads ng unang book ng The Keepers Saga. Yes, because I was enjoying every writing moment. Nakakapagsulat ako ng tatlo hanggang limang chapters sa isang araw on a work day tapos lima hanggang walong chapters on a weekend. I was able to finish the novel in almost 3 months kasi nga maraming oras.

That was the momentum as well when I was able to finish The Seekers, The Reapers and Deathbound. Ang sipag ko na sa lagay na 'yan.

Hindi po ako kagaya ng ibang writers na ilang araw lang ay may nobela na. Magkakaiba po ng writing rituals ang mga writers and it just so happened na mas marami akong tamad moments kaysa sa pagpapakadalubhasa sa passion ko. Writing is my passion but pahinga and tamad moment are lifer! LMFAO!

So Anong Nangyari sa Passion, Ruru?
Nandito pa rin naman ang passion. Nakatulog lang din kasi nga nahawaan ng katamaran ko.

On a serious note, LIFE GOT ME TOO MUCH INVOLVED AND I HAVE NO AMPLE TIME GOING BACK TO HOW IT USED TO BE. Capslock 'yan para kunwari sumisigaw ako.

I decided to go back to my teaching career after 7 years of struggling to making it to the corporate world. Yes. Naging guro ako. 2016 ko pa itong plano. Kahit noong panahong hindi pa ako napapansin ng Psicom at ng FPH.

Alam niyo naman, kapag buhay guro, madalas busy. Kulang pa 'yong 8 paid hours saamin para matapos ang trabaho. Daming reklamo, daming ginagawa, daming project, daming seminars pero ang konti ng sahod. Pero ititigil ko na ang litanyang ito kasi hindi ko naman in-update ito para magreklamo sa trabaho ko (pero ginawa ko na).

Nalulungkot ako dahil nilamon na ng trabaho ko ang passion ko or it's more correct to say NILAMON NA NG TRABAHO KO ANG ORAS PARA SA PASSION KO.

Masaya naman. Sabi nga nila para sa bayan. Oo para sa bayan nga. Kasi nakakatuwa din namang isipin na limang araw sa isang lingo or pwede ring sabihin na araw-araw nagiging bahagi ako ng pagbuo ng isang mas mahusay at mas maunlad na lipunan dahil isa akong guro. (Naglilitanya na naman ako sa trabaho ko! Pashnea!)

ANONG NANGYARI SA IAMRURUMONSTER STORIES?

Una, OO TATAPUSIN KO LAHAT NG PENDING STORIES KO AT DADAGDAGAN KO PA 'YAN. Maghintay lang kayo.

CROWNED. Sobrang naaastigan ako (buhat sariling bangko, coz why not?) sa plot ng story na' to. Sa sobrang ayaw kong masira ang konsepto, ginusto kong huwag munang sulatin ang istorya nina Kiera, Friedan at Phelan dahil ayaw kong masira ang kalidad ng kwento. Hindi ko kasi hilig magmadali ng kwento for compliance or for the readers' demand. Kaya in-unpublish ko ang CROWNED kasi aayusin ko pa siya at may mga research pa akong ginagawa.

THE LAST ROSE. Hindi ko alam kung may nagbabasa nito, pero para sa ilan na naghihintay sa happy ending ni Sidney, next year ko pa po ito matatapos. Nahihirapan lang talaga akong magsulat ng gan'tong genre kaya mag-iipon muna ako ng inspirasyon at landi techniques. LOL

DEATHBOUND ROGUE. Yes there will be a second book of DEATHBOUND. I will not tell anything further about it kasi it will be a surprise kung kailan siya ilalabas. So shut up na ako sa part na 'to for DB.

WEST RIDGE. Honestly, nawawalan na ako ng gana sa story. Kasi dahil magreresign na ako sa school kung saan ako nagtuturo at may sepanx ako sa mga colleagues at students na naroon, parang nawawala na' yong eagerness ko to finish the novel kasi ang mga bida doon ay pawang mga estudyante ko at mga kapwa ko guro. May possibility na tanggalin ko siya or irevise kasi parang hindi ko gusto kung paano ko sinimulan ang kwento.

THE SONG OF THE WINTER SOLSTICE. This is my priority. Tumityempo lang ako. Sana bigyan ako ng free time ni Lord.

Dahil nga mahilig akong mangolekta ng pending stories at sinabi ko na sa una na dadagdagan ko pa ang IAMRURUMONSTER STORIES, may mga bago akong ilalabas na nobela. Like, Deathbound Rogue. Side Stories ng THE KEEPERS SAGA, isang teen fic. isang gen fic, tapos isang mystery-thriller na may working title na "The Stranger at My Brother's Grave" at isang ala-Deathbound na novel na may working title na "The Other Kind".

MAY BAGONG BOOK BA AKONG IPAPUBLISH?

So far inaayos pa ang second book ng #Balahura which is #Balasubas. Hindi ko na po ilalabas sa Wattpad ang #Balasubas. Sa libro na lang siya mababasa. I am also having negotiations with two publishers for DEATHBOUND pero hindi pa sure kung magpupush through kasi wala a akong time for editing.

Hindi sa nagpapaimportante ako sa publishing ng book pero subukan niyong maging guro at maiintindihan niyo kung bakit tamaad ako magsulat, mag-edit at mag-add ng FRs sa Facebook. LOL.

It is a painful truth that the updates are not as generous as before. But still, I still thank those people who are patiently waiting for updates and those who always understand that I am a teacher not a full-time writer. I miss the comments, the discussion on the recent updates, the votes,  the messages on my inbox, the virtual love. These are the reasons why I keep holding on to the passion that dies every day.

Thank you for reaching this point!

Heart!

###

Hashtag BalahuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon