"Why are you resigning? Is it because of the promotion? Come on Rob, there are other opportunities besides what you missed." Naalala kong tanong ng boss ko dati. Her face looked disappointed. Obviously, she did not want to let me go, or I thought she didn't.
Bakit nga ba ako nagresign?
6 years. Ganyan kahaba ang panahong binuno ko para maging expert sa nature ng trabaho: from the process to the nature of the workplace - - which means, this includes the people and the environment.
6 years. Halos kaya ko nang gawin ang routinary drills sa trabaho kahit nakapikit. Kilala ko na kung sino ang mga kalaban sa office, mga kakampi, mga espiya, mga plastik at mga taong walang pakialam sa mga issues sa trabaho dahil pumapasok lang sila para magtrabaho at para sumahod. Mga ilang litro ng kape na rin ang nainom ko tuwing graveyard ang shift ko. Nakailang absent na rin ako. Nakailang kunwariang sick leave para lang makapag-island hopping.
Andami.
Anim na taon. Masaya naman. Malaki ang sahod. Madaming pambili ng libro at outfit. Pero bakit nga ba ako nagresign? Minsan kasi kahit stable ka na, hahanapin mo pa rin 'yong first love mo, iyong gusto mo, yung mahal mo.
Teaching is the noblest profession. That's how they describe the profession that I've longed to practice six years ago. Anim na taon o halos 2190 days kong binabanggit sa utak ko, "Gusto ko nang magturo." Anim na taong inuulit-ulit ko 'yan hanggang sa amagin na ang lisensya kong bigay ng PRC anim na taon na ang nakalipas. Ang hirap labanan ang bugso ng passion. Mas mahirap pa sa temptasyong tawag ng bisyo.
Bakit umabot ng anim na taon?
Responsibilities maybe? Mataas kasi ang sahod kaya nagtiis ako ng 6 years sa office. I had to send my brothers to school and delay my passion. It happens most of the time -our responsibilities kill our passion. Our ideal is killed by the harsh reality.
So, nang grumaduate ang kapatid ko at nasa maayos na silang kalagayan, I had to leave and follow my heart - resign and become a teacher. It sounds exciting pero at the same time frightening.
Mahirap iwanan ang mga bagay na nakagawian mo na. Kahit papaano'y nasanay ka na mga araw-araw mong gawain. Most mediocre people are afraid to do new things because of convenience. I was one too. But my love for teaching gave me courage to step out of my comfort zone.
That time, I told myself, "It's time for the adventure you have wished since you were a kid. It's time to be a teacher."
So I did.
It was a calling why I ended up teaching in a private school. Though, mass hiring sa DepEd dati, hindi ko kinuha 'yong chance para sumugal sa ranking. I was too afraid. I did not have that teaching experience. Duwag kamo. Oo. Naduwag ako. Pero minsan, okay lang din na mas pinili kong maging duwag na lang dahil alam kong dehado. Wala pa akong armas. Hindi pa ako handa. Ito 'yong mga labang hindi na dapat pinapatulan. It was an unsafe battle.
Just like most jobs, sandamukal na requirements ang kakailanganin bago ko tuluyang masabing "hired or employed" na ako. Okay naman. Sanay na ako sa mga sandamukal na requirements and I thank the 6-year experience I had.
First time kong maging guro sa isang totoong classroom setting. I was assigned as the school paper adviser and an adviser for a senior high class at the same time. Akala ko noong una, sobrang exciting. Sobrang saya.
Hindi pala.
Ang hirap pala.
Mahirap palang gumising ng bago mag-alas singko ng umaga para mag-prepare ng lessons at ng sarili. Mahirap palang magsalita ng more than 6 hours sa loob ng limang araw habang ang kalahati ng klase mo'y walang pakialam sa sinasabi mo. Mahirap palang magdisiplina sa mga estudyanteng lagpas poste ng ISECO ang sungay. Mahirap magpigil ng galit. Mas mahirap magalit.
I have learned all these reasons during my practice teaching. But the real deal, the real situation wherein you have the full responsibility on your shoulder is way harder.
Matinding dusa ang pigilan mong mag-super saiyan dahil sobra na ang behaviour ng klase. 'Yong gusto mo nang ihagis ang laptop, lamesa at upuan sa mga estudyanteng pasaway at nang mabawasan na ang mga demonyo sa classroom. Minsan ginusto ko na ring mag-walling at mag-flooring sa harap ng mga estudyante para kaawaan ka dahil hindi umubra ang pagbi-beast mode ko.
Araw-araw, may reklamo sa advisory class ko; may nambastos, may maingay, may nanakawan, may nag-cutting class, may nakasira ng upuan, pintuan, projector, chalkboard, upuan uli, pati aircon. Tipong sabog na sabog na ang utak ko sa dami ng reklamo at problema. Tapos sasabayan ng mga responsibilidad bilang moderator at go-to person pag may school activities. Nakailang sigaw na ba ako ng sosyal na mura sa latin at nakailang tanong na ba ako ng "Kailan ba kayo magbabago?" kahit na sa loob-loob ko'y hindi naman mangyayari ang pagbabagong 'yan sa loob ng isang session lang.
Magpapakabait sa loob ng isang oras kasi galit ako tapos balik tubo ang mga sungay pagkatapos ng sermon.
Ginusto ko nang sumuko. Araw-araw gusto kong sumuko.
Pero hindi ako sumuko. Nakalusot ako. Buhay pagkatapos ng isang school year.
Papaano? Naitanong mo.
I had some good things to carry every day. 'Yong bawat pagkakataong gusto ko nang sumuko, napapawi' yon ng bawat ngiti ng mga estudyante tuwing nakikita ako. Nababawasan iyong galit sa dibdib ko tuwing may nakikita ako sa klaseng sobrang inspired dahil sa pagtuturo ko. Nawawala 'yong pagod sa tuwing nararamdaman kong kahit papaano'y mahal ako ng mga estudyante ko maski 'yong mga luko-loko.
Alam kong marami pa akong dapat matutunan, pero sa unang taon pa lang marami na akong mga aral na dapat panghawakan para magpatuloy. May mga dahilan ako kung bakit gugustuhin ko pa ring maging guro
"Thank you, sir Ruru", "Sorry, sir Ruru", at "I love you, sir Ruru". Tatlong kataga na naging dahilan ko para magpatuloy at patuloy na mahalin ang propesyon ko. Those words are more than the communicative skills, writing techniques, elements of poetry, grammar, parts of speech, short stories that I was able to impart. Tuwing naririnig ko ang mga salitang iyan, napapawi ang pagsisisi sa katawan ko. Sa tuwing naririnig ko ang mga iyan, bumabalik ang puso ko sa dahilan kung bakit ako naging guro.
Mahal ko ang pagtuturo.
All the pain, sweat and tears. They are all part of it. They are part of the required experience. It wouldn' t be a real experience of it's just on a plain sight.
Teaching is painful yet fulfilling. It may have been painful but it's all worth it.
###
BINABASA MO ANG
Hashtag Balahura
RandomAnong klaseng citizen ka? Taong gusto ng pagbabago pero ayaw magbago o taong ayaw nmagbago para sa pagbabago? Araw-araw ka bang nag-eemote? Hobby mo ba ang mag-inarte o mag-MV sa bintana habang umuulan? Sanay ka na bang lokohin at sanay ka na rin ba...