Bakit Ba Hindi Naging Kami?

800 46 49
                                    

Ano bang mayroon sa 'Till I Met You' na kanta at lagi 'yang sumusulpot sa hangin tuwing kinikilig ako? Ang lakas maka-sound track ng dating. Tapos nagfi-feeling akong si Kathryn Bernardo na kinikilig sa 'Hes Dating the Gangster'.  Enehbeh! (Oh ha, pabebeng expression 'yan ng mga millenials. Nakikiuso! Nashookt ka ba?) Naalala ko tuloy siya. Siya na naman.

Hanggang ngayon, higit limang taon ko na siyang crush (crush pa ba to?), hindi pa rin nawawala ang kilig ko tuwing nakikita ko siya sa FB. Sa FB lang, hindi ko sinagad i-follow sa IG pati sa twittah kasi baka tawagin na akong obsessed. Dapat 'yong sapat lang. Hindi masyadong sweet, hindi rin masyadong bitter. Parang nilagang karne na ng baka na matagal na pinakuluan kaya nanunoot ang lasa hanggang sa sabaw. 'Yon kami, nilagang baka... baka sakaling maging kami, baka sakaling mapansin niya ako, baka sakali. Nilagang bakang nagmamantika para sa mga pusong matagal nang umaasa ngunit hanggang ngayo'y nganga! (Ang corny noh? May mais kasi sa nilaga! Slurp!)

Katumbas ng higit sa isandaang likes ang LIKE niya sa tuwing magpopost ako sa Facebook. Madalang nga lang talaga siya maglike. Siguro kung trip niya o kung may sense ang mga pinagsasasabi ko. Nangangahulugang, hindi sa lahat ng bagay, hindi sa lahat ng pagkakataon at hindi lahat ng tungkol saakin --LIKE niya. Saklap bess pero 'yon ang totoo. 

Sa higit limang taon ba namang crush ko siya, kung talagang gusto din niya ako eh di sana kami na ngayon? Kaso may mga bagay talagang kahit na hilingin mo, hindi ibibigay. Oo, may mga bagay na ibinibigay kapag naghintay ka pero may mga bagay din hindi na talaga mapapasa'yo kahit ilang taon o ilang dekada ka pa maghintay. Hindi lahat nakukuha ng taong mahaba ang pasensya at marunong maghintay. Patience is not always a virtue... sometimes it is tragedy. 

Bakit nga ba hindi naging kami?

Ngayon ko lang natanong ang sarili ko ng lecheng tanong na 'yan. Siguro dati hindi ko pa tanggap sa sarili ko na natalo ako sa isang bagay na gustong-gusto kong mapanalunan. Naniwala kasi ako sa mga pang-uuto ng mga kaibigan ko: na talented ako, may itsura, matalino, pasensyoso, sweet at karinyoso. Lesson learned: huwag laging naniniwala sa mga kaibigan. Madalas binubully ka lang talaga nila kapag binibigyan ka ng compliment! (lol). 

Bakit hindi naging kami? Siguro dahil hindi isang  talented, may itsura, matalino, pasensyoso, sweet at karinyoso ang tipo niya. Hindi nga talaga lahat ng tao magugustuhan ka. Parehas sa hindi lahat ng tao, kaya kang mahalin. (Sabihin mong mali ako at papatunayan ko sa'yong hindi lahat ng tao kayang kumain ng nilagang baka na binudburan ng sangkaterbang sili.) Hindi naging kami marahil, may mahal siyang iba na hindi niya kayang iwan. Na mas matindi ang pagmamahal niya sa taong 'yon kaysa sa kagustuhan niyang maghanap ng iba. O kaya, gusto rin niya ako pero hindi sapat ang nararamdaman niya para sikaping maging kami. Ang totoo kasi, hindi naman porke't gusto mo ay kailangan nang maging kayo. Gusto mo lang siya, pero hindi mo pa siya mahal. Magkaiba 'yon. Siguro gano'n. Gusto lang din niya ako but  I was not worth it. Wasn't even worth the risk. (Pakisampal ako sa pag-aassume na gusto rin niya ako nang magising ako sa katotohanan.)

Kung tatanungin mo kung umasa ba ako na magiging kami? I would say, once? Twice? Gaano kadalas ang minsan? 

Nasaktan ba ako? May karapatan ba akong masaktan? I can be hurt but that doesn't give me the right to express how badly I was hurt. Ilusyonado ako pero hindi tanga! Hahaha. 

Umaasa pa rin ba ako na magigingkami? Hindi na siguro --hindi na, pero hindi ako sigurado. 

Ang haba ng nilakbay ng damdamin ko para sa kanya. Sa haba no'n, napagod na yata ang puso kong magpatuloy sa paglalakbay kaya hindi ko na narating ang tamang destinasyon nito. Marahil ay bumalik ako sa pinagmulan ng paglalakbay ko, naligaw ako ng daanan o umiba ng ruta dahil naramdaman kong wala akong mapapala sa tinatahak ko. Naka-move on na ba ako kahit na hindi naging kami? Oo. Siguro'y nagawa ko nang tanungin ang sarili ko, kung 'Bakit hindi naging kami?' dahil natanggap ko mismo ang aking pagkatalo. Na marahil ay natagpuan ko na ang kasagutan sa iba kung BAKIT BA HINDI NAGING KAMI? 


#ParaSaMgaPusongUmasa

#ParaSaMgaPusongPatuloyNaUmaasa

#ParaSaMgaAasaPaPleaseLangHuwagNangMagtangka

#ParaSaMgaPusongTangaMagaralKa

#KatarunganParaKayKaDencio

###



Hashtag BalahuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon