Handa Ka Bang Maging Single?

642 42 12
                                        

Ikaw ba 'yong tipong hindi nababakante? 'Yong ilang buwan o ilang araw pa lang mula sa break-up meron na kaagad kapalit na jowa? Ang gandang bata naman pala. IBAAAAAAAH! Ang tawag sa'yo malandi! Wala kang three-month rule malandi ka! Magagalit talaga sa'yo si Popoy. Daig mo pa ang collector ng laruan. Hahahaha. 

So paano naman kaming mga single? 'Yong nabakante na ng dalawang taon, limang taon, isa o dalawang dekada? Paano naman kaming mga naghihintay ng kapareha at dinadahilang baka na-traffic lang sila? Nasagasaan? Nabudolbudol? Ang hirap diba? Mahirap tanggapin lalo na tuwing makakasalubong ka ng isang mukhang kabayo at 100% sure ka sa sarili mo na mas may itsura ka sa kanya; pero siya may jowang kahawig ni James Reid tapos ikaw, ikaw na naghihintay ng ilang dekada ang hawak lang ng mga kamay mo ay isang supot ng rambutan na pinapahirapan ka pang kainin dahil sa sobrang kunat ng balat. Ang saklap diba?

Karamihan sa mga may asawa o may mga nobyo na, laging sinasabi "Buti ka pa single, nagagawa mo lahat ng gusto mo." On a contrary, alam ba nila kung ano ang araw-araw naming mga sawi, mag-isa, walang jowa, single? Hindi diba? HINDEEEEE!

Ilang bilyong tao ang nasa earth. 7.5 billion people habang sinusulat ko ito ngayon. 7.5 billion na tao, isa lang ang kailangan mo. Iisang tao lang mula sa 7.5 billion ang hinihiling mong maging kahati ng puso mo, pero walang nagtangka. Tang*na! Hahaha. Galing ng Northpole 'yong nakatakda sa'yo kaya hanggang ngayong malapit nang mawala sa kalendaryo ang edad mo ay wala ka pa ring jowa? TANGNA MGA MUMSH! Kung uso lang siguro ang harakiri sa panahong ito, 'yong tipong magpapakamatay ka ng may dangal, tingin ko punuan na mga morgue pati sementeryo. 

Tingin mo, sa saklap ng sinabi ko, gugustuhin mo pa bang maging single? Handa ka bang maging single? Isang simpleng tanong na mahirap sagutin para sa karamihan. 

Kung magiging single ka, dapat handa kang lagi kang mag-isa. Hindi ko sinasabing itakwil mo ang pamilya mo, mga kaibigan mo pati mga kaopisina mo. Ano ka adik? Handa kang mag-isa, nangangahulugang may mga pagkakataon na wala kang magiging kasama o katuwang o karamay sa pagkakataong dapat ay may kasama ka. In short, sa panahong kailangan mo ng kausap, wala kang ibang matatakbuhan kundi ang operator ng GLOBE o ng MERALCO o ng PLDT o ng 911 kung talagang sinagad mo na 'yang kabaliwan mo. Ikaw lang laban sa mundong pilit kang pinagkakaitan ka ng jowa. Hindi naman kasi lahat ng oras ay laging nandiyan ang pamilya mo o mga kaibigan mo. HINDI LAHAT NG ORAS. So, you have to dwell with your self and your lonely self. (Iiyak na yan!)

Handa ka bang maging single?

Dapat kaya mong manood ng sine na mag-isa. Isa 'yan sa mga dapat matutunan ng mga taong single. Try mong manuod ng horror na mag-isa, takutin mo ang sarili mo, yakapin mo ang sarili mo at sigawan mo ang sarili mo pag sobrang takot ka na.  Namnamin mo ang pait ng pagiging single. Subukan mo ring manuod ng romance mag-isa. Tignan mo, mas lalo kang magiging bitter sa earth kasi papaligiran ka ng magjowa sa sinehan at hihilingin mong sana'y ikaw din. Sana'y ikaw na lang. Sana'y ikaw na lang ulit. Kaso hindi ikaw si  Basya kaya walang Popoy na handang balikan ka kahit na nagbago ka na. WALAAAAAAA!

Kapag single ka, dapat may starter pack ka tuwing lalabas ka ng bahay. Una, face towel o kaya'y panyo. Huwag kang umasang may magpupunas diyan sa pawis mo o sa luha mo sa oras na magpabebe ka o trip mong umiyak lang dahil adik ka. Walang gagawa no'n sa'yo. Huwag mong asahang may ibang tao sa paligid mo na gagawa no'n sa'yo kasi busy din sila. Practisin mo na din kung paano maglagay ng towel sa likod mo kasi walang gagawa no'n para sa'yo. Pangalawa, dapat may payong ka. Kapag mainit o kaya'y biglang umulan, dapat ay handa kang silungan ang sarili mo sa araw at sa ulan. Itigil mo na 'yang ilusyon mong may tall, dark, handsome and Korean na may hawak na payong ang biglang magpapayong sa'yo dahil hindi mangyayari 'yon (maliban na lang kung swerte ka). Itigil mo na 'yang kakanood ng mga series. Hindi ka cast ng 'Goblin' o kaya ng 'Love Rain' kaya magtigil ka! Tumataas ang standard mo sa lalaki pati sa mga romantic events sa buhay mo dahil sa sobrang kaadikan mo sa mga romantic series. Matutong mabuhay sa realidad, huwag sa ilusyong binuo ng kalungkutan mo. 

Pangatlo, pepper spray o kaya'y kutsilyo. You need self-defense.  Walang magtatanggol sa'yo sa oras na may mambastos sa'yo. Maaaring may mga taong magtatanggol sa'yo sa oras na madehado ka pero hindi mo mahihiling na manatili sila sa buhay mo kasi maaaring pagmamay-ari na sila ng iba o may iba silang gusto at hindi ikaw 'yon. Hahaha. 

Pang-apat, isang pen at blank journal o kung gusto mong sagarin gawin mong diary. Kung di ka mahilig magsulat, huwag mo nang dalhin 'tong starter pack na 'to. Kung bakit ko nasabing kailangan mo ng journal o kaya diary, subukan mong gamitin ng isang buwan ang nasabi ko. Isulat mo lahat ng mga kaganapan sa buhay mo. Pagkatapos ay basahin mo ang mga ginawa mo sa loob ng isang buwan. May bago ba? May mga ginawa ka bang iba bukod sa paulit-ulit na ginagawa mo? Sinubukan mo bang lumandi? Nagpalandi ka ba? Kung ang sagot ay HINDI, ibig sabihin ay kailangan mo nang baguhin ang daily routine mo. Kung sagot naman ay OO at walang nagbago, single ka pa rin at walang manliligaw o nililigawan, ibig sabihin kailangan mo nang baguhin ang itsura mo o kaya ang taong nilalandi mo. Wala nang chance, so bakit mo pa ipagpipilitan ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto diba? Huwag masokista. Matutuo kang masaktan! Huwag tanga! Hahaha. 

Masaklap maging single. Pero mas masaklap makulong sa isang relasyong hindi ka masaya. Heto ang pambawi ko. Hahaha. May mga dahilan naman kung bakit tayo nananatiling single hanggang ngayon. Posibleng single ka kasi pangit ka. Come on. Let's be real. Huwag na tayong maniwala sa mga pambobola ng mga magulang natin. Kung pangit ka, pangit ka! Hindi natin ikinaganda o ikinagwapo ang mga pambobola ng mga magulang o kaibigan natin. So, let's face the fact na pangit ka nga. Sumagot ka ng "And so what?". Tama 'yan! Hindi ibig sabihin na pangit ka eh single ka na forever. Hindi pa lang talaga uso ang mukha mo. Kumbaga sa Twitter ay hindi ka pa nagtetrending. Darating din ang kapareha mo na magpapasaya sa'yo. Hindi ka man pasado sa standard ng karamihan, forsure mayroong isang tao sa 7.5 billion na 'yan ang kaya kang tanggapin kahit na sino at ano ka pa. Ngumiti ka na kahit bungal ka pa. 

Pwede ding dahilan kung bakit ka single ang parents mo. Strict sila eh. Kaya, bilang isang mabuting anak, sinusunod mo lang ang gusto ng mga magulang mo kahit na kating kati ka nang lumandi. Okay lang sumunod sa magulang. Okay lang magpakasingle dahil ayaw ng magulang. Huwag mo lang paabutin sa edad na wala ka na sa kalendaryo o kaya sa numero ng Bingo kundi magsisisi talaga ang mga magulang mo sa pagiging strict nila. 

Single ka kasi choice mo. Oh eh di wow. Masyadong mahal ang sarili kaya ayaw makipagrelasyon? May mga tao talagang pinipiling maging single dahil takot masaktan, masaya sa estado nila bilang single (oh diba hindi lahat ng single malungkot?), masyadong busy sa trabaho, takot magmahal sa maling tao, takot masaktan, o kaya'y nagtitipid (ayaw gumastos sa date! hahaha).

Masaya din naman ang pagiging single. Hindi lahat ng oras mararamdaman mo ang emptiness. Huwag kang emotera ng taon', 'yong kulang na lang mag-walling ka dahil damang-dama mo ang kaartehan mo. 

Kapag single ka, pwede kang magtravel kahit saan (basta may pera), pwede kang magtrabaho at magpaka-workaholic dahil walang mang-iistorbo sa'yo, lagi kangmay oras para sa sarili mo at sa pamilya mo pati sa mga kaibigan mo, nakakatulog ka ng matiwasay, you become more self-reliant, makakaiwas ka sa hindi masayang relasyon, kaya mong gawin lahat ng gusto mo at ang pinakamahalaga ay pwedekang makipaglandian kahit kanino kasinga single ka. Hahaha. (huwag lang sa may sabit kung ayaw mong kalbuhin ka ng legal na asawa). 

Hindi masaklap diba? 

Kaya huwag kang mag-alala kung manatili kang single sa mahabang panahon. Hindi mo kailangang magkajowa agad-agad para lang mapatunayang maganda ka o gwapo ka o kaibig-ibig ka. Hindi iyon ang pamantayan ng pagiging masaya. Mahalin mo ang sarili mo habang single ka para sa oras na dumating ang 'The One' sa buhay mo, hindi ka na matatakot na mahalin siya. Hindi ka na matatakot na ibahagi kung anong meron ka dahil buong-buo ka na. Hindi ka na rin matatakot na baka kapag iniwan ka niya ay mawasak ka dahil bago pa man siya dumating, nasanay ka nang mabuhay mag-isa. 

###

Hashtag BalahuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon