Kung isa kang masayang nilalang, marahil ay naranasan mo na ang ilan sa mga masasayang adventures na nagawa ko, in more than two decades of my existence. Pero kung isa kang baliw, mas malala sa normal na tao at nasa ulo mo na ang fault line, tiyak isa sa mga kalokohan ko ang nagawa mo na. Kung hindi ka man maka-relate sa ilan sa mga isi-share ko, juice ko day! Live your life!
Life is short! Make it shorter! Hahaha.
I-try mong maglakad sa pedestrian lane na parang nasa runway ka at habang iniimagine na suot ang gown ni Pia Wurtzbach sabay lingon sa mga nakahintong sasakyan. Oh diba mukha kang baliw? Pero diba, magaan ang feeling? Pakiramdam mo ikaw ang pinakamagandang nilalang na nilikha sa earth at lahat ng sasakyan ay tumigil para makita ka kung paano maglakad. Ganda mo!
Mukha kang tanga... Pero masaya! Ang mahalaga ay masaya ka. Para saakin, mas gugustuhin kong i-compromise ang sasabihin ng ibang tao para sa kaligayahan ko. Basta masaya ka, basta wala kang inaagrabyadong tao, basta wala kang batas na nilalabag ('yon ay hindi ka tumawid kahit na red light- hahaha) push lang.
Ilang pedestrian lane na ang nilakaran kong parang model -may guhit na puti o kupas na ang guhit basta pedestrian lane... rampa! Kahit anong pedestrian lane 'yan, aasahan mong maglalakad akong parang model kahit walang background music. Hashtag baliw pero masaya! Naka-Carefree!
Naranasan mo na rin bang kunyari magtulog-tulogan sa jeep kapag may nakatabi kang gwapo tapos kunyari napapasandal ka sa kanya tuwing tumitigil ang sasakyan? Pakiramdam mo'y nasa MV ka ng kanta ni Yeng na 'Jeepney Lovestory'. Gawaing hokage na hindi ko na uulitin dahil sabi ng kaibigan kong conservative, nakakabawas daw ng ganda at puri 'yon. Okay lang mabawasan 'yong ganda ko ng kahit 2% lang. Confident akong may 98% pang matitira. Wahaha. Pero 'yong puri talaga ay ewan ko na lang kung may natira pa! Isang bagay na hindi ko na kayang isakripisyo ang puri ko kasi konti na lang. Manipis na! Cheret.
Speaking of the jeepney story, maraming kalokohan na rin ang nagawa ng mga kaibigan kong lutang. Gaya ng pagdikit ng bubble gum sa buhok ng babaeng humahampas sa mukha ng isa kong crazy friend, pagtali sa bag ng katabing pasahero sa isang bahagi ng jeep, pagdidikit ng statement sa likod ng pasahero gaya ng 'hindi ako nagbayad', 'baliw ako', 'gahasain niyo ako' at iba pang interesting statements. Sometimes it is nice to be surrounded by crazy friends, you get crazy like them and at the same time you get to help them control themselves when necessary. Mahirap magpalaki ng mga kaibigang baliw. Mahirap pero masaya.
May mga pagkakataong kapag sinumpong kaming magbabarkada ng kalokohan, laging nabibiktima ang ibang tao. Patawarin sana ako ng mga santong nangangalaga sa mga maliliit na empleyado ng gobyerno at ng mga kompanyang may minimum wage, pero nagawa ko na, nagawa na namin. 'Yong tipong, pupunuin mo ng kung anu-anong grocery items 'yong pushcart tapos hindi mo din naman babayaran kaya iiwan mo lang siya sa kung saang bahagi ng store. Medyo demonyo pero nakakatuwa lalo na kung finifeel mo 'tong moment na parang andami mong pera kaya hakot-to-da-max ka ng mga bibilhin. Isa ito sa mga bagay na hindi ko madalas gawin dahil alam ko ang pakiramdam ng nagtatrabaho at naglilinis ng kalat ng iba. Ito 'yong halimbawa ng 'bad happiness', may naagrabyadong ibang tao. Huwag tularan. Sorry!
There are a lot to share. Masyado kasi kaming nilamon ng 'Wow Maling Mali' na TV show. Happy and crazy adventures and experiments. Hindi naman lahat masaya. 'Yong iba nga buwis buhay. Naalala ko nga noong nasa Starbucks kami at trip ng isa kong kaibigan 'yong lalaki na may kasamang babae -the girlfriend, dahil baliw-time ng crazy circle of friends, ginawan ng prank ang magjowa. Eskandalo si babae kong friend nang magsimula ang kagagahan niya. Biruin mo pinalabas niyang ex-girlfriend siya no'ng guy at umakting siyang hindi pa nakakamove-on kay guy dahil wala pang closure. That got us into trouble. Real trouble. Isang bagay na hindi na namin inulit kasi may muntikan nang masampal in public.
Those random public pranks I have done with my crazy friends can fill an entire page. Like calling common names: James, John, Michael, Ana, Maria, Cris, Jane, etc. in public like we personally know them, getting random people's mobile number and pretending that we're interested in them, whistling at passers by and ignoring them after like nothing happened.
They're not that noble acts to be proud of, but I swear those 'kalokohan' created great memories. Memories that we can discuss every get together but must not be shared to our kids. Those stories I have shared doesn't completely mean that we are the bad guys. Mabubuti naman kaming tao kahit papaano, minsan may topak lang. The crazy things we've done doesn't define our totality as a person. It's a part of us but just a portion of who we are.
#TeamLutang
BINABASA MO ANG
Hashtag Balahura
DiversosAnong klaseng citizen ka? Taong gusto ng pagbabago pero ayaw magbago o taong ayaw nmagbago para sa pagbabago? Araw-araw ka bang nag-eemote? Hobby mo ba ang mag-inarte o mag-MV sa bintana habang umuulan? Sanay ka na bang lokohin at sanay ka na rin ba...