CHAPTER 5

2.4K 168 31
                                    

Chapter 5
Bloody Selection

VIRA

Kinabukasan na ang Chivalry. Matapos ang dalawang mahabang araw ng pag-aayos saamin para bukas ay natapos na din. Puros hygiene at ilang gagamitin pang depensa ang pinag-usapan.

Kanina din ay may nag-interview saamin kung anong background namin bago pumasok ng Chivalry, sinagot ko naman 'yon. I'm a Fierdon. Period. Pangalawa, ano daw ang komportable naming armas na gamit, balik ko ay punyal. 'Di ko alam ang nangyare sa interview ng iba. Ngunit mukha namang walang personal na nangyare. Pinangako rin ni Weston na bibigyang benipisyal na suporta ang pamilya ng mga nakasama sa Chivalry dahil isa itong malaking karangahan — para sakanila at dapat kaming parangalan.

Kinahapunan ay dumating na din ang yuniporme namin. Sukat na sukat naman saakin. Pula ito, may ilang gintong burloloy, ang tsapa namin ay ginto din, simbolong Chivalry, naka-ukit din sa ring noon ang pangalan namin kasama ang lahi.

Kahit pa madaming magandang nabago saaming pangangatawan, kasama ang pampalubog loob nila sa pagpilit saamin dito, 'di parin ako makatulog ng maayos. Ganoon din kaya ang iba?

Nasa gitna ako ng pagtitig sa espadang dala-dala ko nang may kumatok sa pintuan, naamoy ko ang pamilyar na pabango. Mabilis kong pinalupot muli ang espada saka pinagbuksan si Neddie sa labas.

Taka ako nang makitang may dala itong unan at malaki ang ngiti. Tumabingi ang ulo ko ng inosente. "Ha?"

Ngumiwi siya. "Ano, pwede akong makitulog?" Kumurap ako, kaya pala siya posturang ganito.

"Gawain din ba ito ng isang magkaibigan?"

"Hmmm, paano kung sinabi kong oo?" Niluwagan ko ang pagbukas ng kwarto sakan'ya.

"Tara." Lumiwanag ang mukha niya at pabiro akong sinuntok sa braso.

"The best ka talaga!" Nilibot niya paningin sa buong lugar saka tumango-tango. "Buti 'di ka katulad nila Heather at Akeesha, ang gulo ng kwarto!"

Umupo ako sa paanan ng kama habang pinapanood siya. "Napasok mo narin ang kanila?"

"Hindi ano, papatayin ako ng dalawang 'yon. Nasilip ko lang noong napadaan ako, chine-check ko kung ayos ang lahat eh."

"Kahit kina Vienn?"

"Di ah, lalake 'yon. Bahala na sila sa buhay nila."

"Ah." Umupo narin siya sa kama kalapit ako. "Eh si Zenaida?" Naalala ko na sila ang malapit na dalawa... pero napansin ko nitong nakakaraan ay 'si na sila gaano nag-uusap. Tungkol parin ba sa alok ni Wendell?

"Si Zen? Ay, laging naka-lock ang kwarto noon, 'di ko nakikita kung ano ang ginagawa niya. Nagdouble security pa 'yon dahil madalas ko siyang pasukin noon!" Bumalya siya ng tawa, nakatagilid siya pahiga habang nakaharap saaking nakaupo.

"Ang ibig kong sabihin, hindi ba at kayo ang close?" Parang mali ang napili kong salita dahil tumahimik. May mali ba? Ito nanaman ako, hindi iniingatan ang sinasabi dahil 'di ako magaling sa pagbabasa ng emosyon. Tumikhim ako. "I mean, you hang out that much before."

"Yeah tingin ko din..." Ang lalim ng iniisip niya. "Wala namang nagbago saaming relasyon, matalik parin kaming magkaibigan kahit anong mangyare. May mga times lang talaga na kailangan natin silang bigyan ng time mag-isa, ano?"

'Di ako nakasagot. Wala akong alam sa bagay na ito, kaya nga hinahayaan ko siyang nagdesisyon saaming dalawa. Ngunit habang inaaral ang sinabi niya, may punto nga siguro ang nagiging aksyon ni Zen. Kahit ako man ay may oras din na kailangang mag-isa. My mind is just turning wild with different thought by Zen's on and off moods. Or maybe I'm being irrational, maybe it's her way or unwinding.

Venom of the New Era (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon