CHAPTER 31

1.2K 120 74
                                    

Chapter 31
The Rain

Mahigpit na yakap ang sinalubong saakin ni Neddie pagbalik. Sandali din akong pumikit dahil sa init na dala noon. Nang lumayo siya ay alam kong nahirapan din itong tignan ako.

What happen earlier fade in a shock impression to everyone about me. I could see them screaming brutality about my name. I guess they're sort of changing thoughts regarding me. They could be gossiping how diabolic I was.

"Ayos lang ako," panigurado ko. Bumuka ang bibig niya, subalit sa huli ay tinapik niya ang likuran ko.

"Wag mo na akong pag-alalahanin tulad noon." Wala akong sinagot sakan'ya. Dama ko ang titig ng iba pang Black Spade sa bawat hakbang ko. Nang masalubong ko ang tingin ni Jersey ay nakailang kurap siya at dahan dahang umiwas. Nagpapawis.

Maybe he's having doubts that I am still nice when I could act that tackless like a monster.

Pagkaupo, may malumanay na nag-abot saakin ng panyo. Umangat ang paningin ko kay Owinis.

I was a bit swayed by his calm features. Among all the faces in here, it was only Owinis who showed me glee. He removed his eye glasses and look at me thoroughly. He lean closer. I can't say anything in contrary when he wipe off the stains in my cheeks, he was staring at me carefully. From my face, he move down to my neck. I gaze away from the accident touch, I stop his hand and continued cleaning myself. He heaved and look back into my eyes.

"Calm down, you are now with us."

Kumuyom ang kamao ko at walang kamalay malay na natulala sa entabladong pinaglalabanan ni Zenaida at Xendy. Nakita ko doon ang sarili ko habang patuloy na nagugutom sa dugo. Higit na singhapan ang tanging maririnig dahil sa patuloy kong pagsuntok sakan'ya. Mali ba talaga ang ginawa ko? Tinangay ng hangin ang imahe ko doon nang marinig muli ang sinabi ni Infanta.

Ang mata ko ay napako sakan'ya sa kabilang dako. Moaz Carzuela.

Sa totoo lang, kahit ano namang tingin saakin ng lahat wala na akong pake, sumumpa ako sa kapatid ko bago ko pa sila makilala. Mas uunahin ko ang una kong sinumpaan.

Nagkuyom ang kamao ko.

Ipaghihiganti ko si Kuya. Lahat para kay Kuya. Kahit magmukha akong masama sa mata ng iba. Wala akong pake sa sabihin nila. Si Kuya ang dahilan kaya sinimulan ko ang lahat ng ito, dahil din kay Kuya ako magpapatuloy.

"Did I done something wrong?" I asked him. His silent stares penetrate into my skin before moving his head side ways. Napaharap ako dito, kasabay noon ang pagdapo ng kamay niya saaking ulo.

"My Queen, you are never wrong in my eyes." Ang lambot ng uri ng paghaplos niya saaking buhok, pababa saaking pisngi—

Napabalik ako sa reyalidad dahil sa malakas na pag-ugong. Nabali ang pagkakatitigan namin. Lumayo narin si Owinis matapos tumikhim, pero mapabalik balik parin ang tingin nito sa harapan at saakin.

Si Zenaida ang nanalo. Kaya't ang score namin ay naging lamang. Lumunok ako dahil sa naglalakbay na tensyon. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagpupunas ng sarili, ngunit may mga sandaling sinisilip ko si Owinis.

Sa loob loob ko, habang pinagmamasdan ang mukha niya, lumumanay ang dibdib ko.

'Di naman pala lahat ay masama ang tingin saakin. May natitira pa.

"Why?" Natauhan ako nang mapag-alamang nakaharap na muli siya. Nilamig ako at 'di alam ang sasabihin. Nahuli niya pala ako. Tinititigan ko siya, ano pang mas nakaka-gago doon?

Lumipat sa unahan ang baling ko. "Yong panyo—"

"King Protectors!"

Nagsanhi iyon ng malawakang pagkabigla sa lahat. Na kahit ang dila ko ay natengga. Naglaho lahat ng nasa isip ko, tanging kay Owinis pumako ang atensyon.

Venom of the New Era (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon