CHAPTER 18

1.7K 136 69
                                    

Chapter 18
To Bid a Word

"Tara na," pang-aaya ko kay Quillon sa labas ng sementeryo. Naabutan ko siyang nakasandal doon at nakatanaw sa langit. Bumaba ang mata nito saakin.

"Bid your goodbye?"

I silently nod my head. Wala naman akong choice kundi magpaalam, baka ito na ang huli kong bisita dahil nakaw na tyansa lang ito. "Finished." Lumapit ko sa tabi niya para madamang ligtas ako.

"Let's go, then." Sinabayan ko ang paglalakad niya sa sentro ng Peta. Gumana ang plano nitong walang makapansin saamin. Kanina paglabas namin sa Euphoria na konektado pala sa isang abandonadong bahay sa may Peta, wala saaming nakapansin kahit laman kami ngayon ng mainit na The King's Chivalry. Malayo-layo din ang sementeryo ng Peta sa lagusan kaya aabutin din kami ng ilang minuto bago makabalik sa Euphoria.

Kaunti akong nag-aalala na baka may nakapansin ng pagkawala namin doon, pero sigurado namang iisipin lang nila Neddie na naggala nanaman ako para mag-isip-isip. O kaya naligaw sa pasikot sikot ng palasyo.

"Yong abandonadong garden sa may palasyo, ang ganda," nilingon niya ako dahil sa komento ko. "Sana maging tago nalang 'yon."

"Selfish?" He asked. I shook my head.

"No. Just predicting. Ang bawat makitang maganda kasi ng tao ay hilig nilang sirain. Kaya minsan mas maganda kung itago nalang."

"That's why I hid it," sinilip ko ang mata nitong busy sa pagtingin sa paligid hanggang mahuli nito ang akin. Mabilis akong umiwas ng tingin. Quillon is a million pieces to puzzle out before finally seeing who really he is. "Keep that place a secret or face the consequence."

I don't know, but knowing we will keep it a secret brought fresh air in my throat. "Secret then," I nod. "'Di ko rin naman alam ang daan. Masakit sa ulo."

"Tanga mo kasi." Napatigil ako sa paglalakad. Nagparte ang labi ko. Tinawag niya akong — ano? Nagngitngit ang ngipin ko nang pumihit ito ng tingin, akala ko ay hihingi siya ng sorry pero iba ang ginawa nito. "I want that," aniya na parang naakit. Sinundan ko ang tinutukoy niya. Malapit pala kami sa sentro ng Peta. Sa may fountain ay may nagtitindang lalake doon.

"Ano ba 'yon?" Tanong ko, lumapit siya saakin.

"You don't know hotdog? Thats an hotdog truck, idiot."

Gustong umapela sa panlalait niya nang malala na 'yong hotodg. "Ah, hotdog, 'yong favorite ni Heather." Nilingon niya ako, nagtataka.

"Favorite ni who?"

"Favorite ni Heather 'yang hotdog, tuwing breakfast nga ay hinihingi niya ang hotdog ni Jersey. Si Jersey naman ay binibigay ang hotdog niya kay Heather kahit walang matira sakan'ya." Nagkatitigan kami hanggang nagparte ang labi niya.

"Her favorite hotdog is Jer — I-I mean, yeah... Heather. I remember. H-Heather and hotdog." He then cleared his throat as his cheeks shade pink. What's with him?

'Di ko siya pinansin at tinignan ang truck. "Bakit, gusto mo noon?"

"Oo." Naglahad ako ng kamay.

"Akina, ibibili kita."

"What? You pay for it, why are you asking for money on a Prince? Mahiya ka nga." Hinarap ko siya at nagpalamigan kami ng tingin.

"Ikaw ang may gusto ng hotdog, diba? Walang prinsipe prinsipe dito, nasa Peta ka."

Nagtiim ang bagang niya at tinuro ang truck. "Buy me hotdog. Right now, Victoreigna."

"Wala akong pera," diretso at malamig kong sagot.

Venom of the New Era (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon