CHAPTER 27

1.2K 113 50
                                    

Chapter 27
On the Ground

VIRA

Para maisip ni Wendell at malaro ang mga pangayayari ayon sa nais niya, nakakahanga nga. Wendell is really a step closer to HM Azrael in reigning games.

"I still can't believe I have the most bebeble baby. Mainggit kayo, please!" Si Frida ay panay ang talon at tawa dahil sa nangyare kanina sa stage.

"Shut up! You loose, bitch, FYI!" Bato pabalik nila Dan.

"No. I-N-G-G-I-T is the right spelling for you!"

"Itabi mo. Walang forever, gaga."

"Naks! Strong ng cocomelon!" Nag-apir si Wendell at Cozmo saka siya prenteng naupo sa couch na may ngisi pa din sa labi habang nilalaro ito.

"Kalma. Ako lang 'to."

"That's public display of affection. Should not be authorized that easily just because he has the explanation," bulong ni Zenaida. Tumango din si Neddie.

"Pero at least, diba? Ginagamit naman pala ni Wendell utak niya sa magandang bagay," dagdag ni Neddie. "Kung iba 'yon baka sapak na talaga 'yong babae, hindi na sila hahanap ng butas para iligtas bebe nila."

"Nagsisimula na akong humanga kay Wendell. Help!" Si Jersey naman na panay ang alog sa braso ko. "Ang astig noong ginawa niya, Ate! Gusto ko din noon. Pwede din kaya?"

"Oo," tugon ko. "Pero si Bonn ang hahalikan mo—"

"Oh my gosh?! Ang attitude mo na, Ate! Kaya sabi ko sa'yo layuan mo 'yang si Radzyn!"

Hinila ni Radzyn ang braso ko patungo sakan'ya. Wala akong inalma o naging reaksyon sa agawan nila saakin. "Hoy supot, shut up ka, ah? Asikasuhin mo 'yang jowa mong pango. Pareho kayong butlig ang ilong. Weak sperms, tss."

"Tanda, tangi—! Eh! Eh!" Nagwawala pa si Heather nang pakalmahin ito ni Neddie dahil nagagalaw 'yong ice bag sa ilong nito. 'Di naman nabali o napango. Nagdugo lang. Inaasar lang talaga nila Radzyn dahil madali itong mapikon. Mukha pa daw hotdog sa pula pag nagagalit.

"Hindi sabi ako supot! Sabihin mo 'yang mata mo abnormal! Ninakaw sa mata ng pusa!"

"Ah talaga? Patuli muna kaya kita? Sama ko pa mama mo!"

"Mama mo panot!"

"Mama mo hilaw!"

Nasa magkabilang side ko ang dalawang lalake kaya ako naiipit. Nilagok ko nalang diretso ang alak na hawak saka pinanood ang susunod na maglalaban. Kunwari walang nag-aaway at naghihilahan ng buhok sa tabi ko kahit na nababanggi nila ako.

Simula nang dumating kami dito ay wala silang ibang ginawa kundi ang magsigawan at awayan. Kitang kita ko na nga ang pagtaas ng kilay ng kabilang grupo. Iniisip siguro na barbaro kami. Subalit si Owinis ay natutuwa naman.

"Vienn, Santigo from Black Spade. Tier, Umalik from White Club!"

Sabay kaming naglingunan kay Vienn na nawala ang tuwa sa mukha. Ang kaninang lalakeng todo landi sa naka-paligid ay nagising. Nabalot siya ng dilim at mabigat ang yabag na tumaas, hinatid namin siya ng tingin. Napatikom si Jersey ng bibig at sumipol naman si Radzyn.

"L-Laban kay Tier?!" Bulong ni Neddie na gaya ng iba ay 'di mapigilang mag-alala. "Mataas rank niyan, ah."

"Ayos lang. Para matchy matchy kami," ngisi ni Heather. Nanahimik siya dahil sa bantang tingin ni Neddie.

"Tingin niyo ba pupuruhan siya?" Inaral ko si Tier mula ulo hanggang paa. He is one of the versatile warrior that White Club has. One smack, for sure Vienn couldn't not take it. Compare to body built, he is bigger and masculine. Pero kung pagaganahin ni Vienn ang liksi niya, mapapagod panigurado si Tier, doon ang opening para mapatama ni Vienn ang kamao niya sa mukha ng kalaban.

Venom of the New Era (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon