CHAPTER 39

1.1K 81 3
                                    

Chapter 39
Raise Your Pain

NEDDIE

"Hey... hey. Neddie, wake up."

Si Cozmo 'yon. Alam ko. Nasa bandang gitna naman ng bonfire sila Owinis na may pinag-uusapan ata. Mukhang nagme-meeting nga sila eh, kaninang bandang 6 AM ay mahinang bulungan lang, pero kalaunan napalapit na ang iba pa.

Tungkol kaya saan?

Pero wala talaga ako sa wisyo ngayon para makiintriga. Gusto kong patuloy na magpanggap na natutulog at manahimik muna.

May bago nanaman ba kaming gagawin? May plano nanaman ba sila? May masasawi nanaman ba? Nanaman? Hindi ba pwedeng pause muna?


Vienn's death is too much.

It drained me empty. No limbs of mine would cooperate to stand up and face the day. I'm pale.

Tuwing dinadalaw ako ng mga nakaraang usapan namin, nanlalamig ang dugo ko. Para akong nabibingi at naiwang mag-isa sa mundo. It's something... beyond sadness.

'Di matumbasan ng kahit anong salita ang nararamdaman para matukoy kung bakit ako ganito nanlalata. Tipong parang may inagawa saakin? May pinagdamot. May malaking puwang ang nawawala sa buhay ko.

And I don't even know how to name that feelings.

Nais ko lamang pumikit ng matagal.

Baka biglang may manggising eh. Tapos pagbangon ko, siya 'yong hubungad. Nandito pa siya.

Vienn's smile won't leave my head.

"Let me handle her," rinig kong boses ni Zenaida at naglakad patungo saakin. 'Di ako gumalaw sa hinihigaan, mas pinili kong tibayan ang pagpapanggap. Kalaunan umupo siya malapit saakin. "This isn't like you."

Nagpabuka 'yon ng mata ko. Nasa likod naman siya kaya 'di niya mapapansin o kaya, alam nanaman niya kanina pa.

"Fooling don't work on me."

I know. She badly knows when I act this way. Kaya sumuko na ako sa pag-iinarte. Umupo ako sa lapag katabi siya, naka-pirmi ang mga braso ko sa itaas ng tuhod at malayo ang tanaw.

"Tungkol saan 'yon?" Malamunay kong tanong at sinilip siya. "May nangyare ba?"

"Ikaw? Anong nangyayare sa'yo."

Her phrase froze me. Ako?

She lean forward. "Alam kong 'di na tayo ganoon nag-uusap. Pero kaibigan parin kita." Lumambot ang puso ko dahil sa tono niya. "At may pakiramdam ako. Kaya... kamusta?"

Natatawa ko namang inayos ang mga buhok at humindi. "Anong ako? Lagi nga akong nandito lang. Wala ding masyadong natutulong. T'saka, kayo itong ang daming ganap eh! Si Owinis madalas kayong tatlo ni Wendell na magplano. Sila Magdalene kasama lagi sa pag-atake. Eh ako? Bantay tuwing gabi... tapos..." Ang sakit noong gumuhit na patalim saaking puso nang marinig ang tawa ni Vienn sa alala. "Tapos inaako pa ng iba ang mga responsibilidad na dapat ay akin."

"Tulad ng?"

Nalilito akong tumuro sa malayo na para bang balisa. "Ako dapat 'yong kasama nila Vira kahapon. Ako 'yong nasa kalagayan ni Vienn. Pero inako niya. Kaya... siguro ano. P-Pakiramdam ko kasalanan ko? Hindi, kasalanan ko talaga." I clenched my fist.

Venom of the New Era (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon