CHAPTER 17

1.7K 148 46
                                    

Chapter 17
Ground

Natapos ang palarong karera. The White Club won while I was left dumbfounded on the ground. After Moaz breaking the finish line ribbon, a hologram appeared in front of us presentations a trophy after stating that the credits as champions is given to the White Club. They won. And we loss.

After all we've been through, we loss.

"Nice fight, treasure," 'yon ang natatawang paalala saakin ni Moaz pagkatapos niya akong malagpasan na siyang nasa damuhan parin. Huli kong nasalubong ang mata ni Infanta na siyang nagtapon saakin ng ismid. Napansin ko ding nagdurugo ang noo nito.

"Tss." Pumikit ako nang sipain niya ang damuhang malapit saakin saka sila umalis.

Kaming naiwan ay 'di halos makagalaw. Pakiramdam ko nga ay wala na akong lakas para tumayo. Natalo kami eh. Ang daming naniwalang kaya namin kaya sila nagparaya, ngayong naagaw nila Moaz ang tropiya, anong mukha ang ihaharap ko sakanila? Ako ang malapit sa finish line kanina, dapat mas ginalangan ko. Dapat mas—

"Quit with the drama. Tayo." Lapit ng isang pamilyar na presensya saaking gilid. Nang 'di ako gumagalaw ay si Quillon na mismo ang nagtayo saakin, 'di ko piniling tignan siya sa mata.

"I can stand." Binitawan niya ako na walang imik at saka niya pinagmasdan ang paligid. Looks like he never had any grudge in loosing something, unlike me. This might be a chapter in his life, but for me. This is my whole story, so it matters, big time. Nagpagpag nalang ako ng sarili, tinulungan ako ng pares ng kamay sa pag-aayos ng damit kaya tumigil ako. Nagtaas ako ng tingin kay Owinis.

Inasahan ko na ang pag-imprinta niya ng nakakalhwag sa dibdib na ngiti. "Everything is still worth it, we had our chance this close," halos ipagdikit niya ang daliri para magdescribe. "It means we had a fight. We're not far from their strength..." Tinaas niya ang baba ko gamit ang daliri saka inayos ang buhok. "Next time, we'll get the crown, I promise you."

And that was an enough assurance. We'll reach the goal, for sure.

"And what you did back there?" Bumaling ako kay Quillon na nakatalikod pero ako ang tinutukoy. Unti-unti siya saaking nagbalik ng tingin. "That was a true Chivalry of a Queen. That's our goal, Reigna. To grow. Winning is simply an incentive." His words.... they're pure and it dive deep into my heart. Nagparte ang labi ko sa naisip. Oo nga.

I've grown quite far. Kung ako si Vira dati, hinding hindi ko gagawin ang mga aksyon ko kanina, ang pagtalon para hilahin si Moaz, o kaya ang pagkawala kay Infanta dahil dehado na kami. I grown up, and that's my trophy.

Nagsimula nang maglakad si Quillon para puntahan ang iba. "Let's gather Black Spade."

--

Nadatnan namin sila Magdalene at Apollo sa may labas narin ng mansion. Akbay nito si Magdalene na may sugat sa binti. Nagtipon tipon narin kami sa entrance ng mansion kasama sila Neddie at ang iba pa. Base sa itsura nila alam na nila ang nangyareng pagkatalo namin sa karera. Humingi agad ako ng paumanhin sa nangyare.

"Wala namang may gustong matalo tayo, wala ding nanghila pababa, kaya walang sisisihan," paalala ni Neddie. Mabigat para saaming lahat ang nangyare, pero walang may kasalanan kung bakit natalo. Mature naman ang mga kagrupo ko kaya agad nilang naintindihan 'yon.

"Excuse me, dadaan po ang mga nagwagi!" Matinis na boses, at matapang na pabango, alam kong si Eury 'yong nasa likod namin. Kahit wala naman kami sa gitna ay dito niya parin sinadyang dumaan, umurong nalang kami saka siya nagmamagandang dumaan na humahagikhik. Naglingunan kami sa gilid nang lumapit ang ilang ka-grupo nila. Tumayo sila Vienn para harapin ang nagtataasang White Club members.

Venom of the New Era (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon