CHAPTER 19

1.6K 117 93
                                    

Chapter 19
Tale of a Royal Night

'Di rin namin napansin, dumating na pala ang araw pinaghandaan naming sa nakalipas na araw. Tanghali palang ay sinundo na ako nila Yanyan sa quarter, ganoon din sila Neddie. Wala na akong narinig kina Butler Weston tutal ay naklaro nanaman niya ang mga gagawin namin sa okasyon kahapon.

Kalmado na ang puso ko kumpara noon. Nasanay narin ako sa mga mangyayare dahil sa todo preparasyon nila.

Mukat mukat ko, takip silim na. Naiyos na lahat saakin, ang aking mukha dala ang koloreteng 'di ganoon kakapal, ang hapit na gown na 'di naman ganoon kabigat.

"Last 20 minutes!" Sigaw ng assistant na galing labas. "Others had arrived at the venue, let's do a quick check about the gown before sending her off."

"I'll do the last look," pigil ni Yanyan sa dalawa. "Mind if you give us a minute?"

"Not a thing!" Nauna na ngang lumabas ang dalawa, matapos marinig ang pagsara ng pintuan ay saka ako binalikan ni Yanyan. Ang tingin nito ay misteryoso. Ngayon nalang ulit siya naging weird mula noong isang araw.

"For the final touch, can I do the honor?" She pertained to the pin at her hand. I was hesitant to have it with me, however it doesn't look bothering so I didn't say in disagreement. Nang 'di ako sumagot siya na mismo ang pumunta sa harapan ko, sa bandang gilid dibdib niya 'yon kinabit. Nakihalo ang pin sa mga dyamante. "Don't worry, it's just a pin nothing more like a device."

Hinaplos ko ito habang nakatitig sa salamin. It really suits the gown. "What about this thing?"

She shook her head looking me in praise. "Let's just say I like how you win your battles. So venomous."

Is she a fan? Magtatanong pa dapat ako nang nakarinig kami ng katok sa pintuan. Nilapat niya ang labi at tinapik ang braso ko.

"Forget about Chivalry, tonight you're a prim lady waiting for her prince. Now... let's go."

Naglahad siya ng kamay na 'di ko din naman tinanggap. Mahina siyang natawa hanggang maihatid ako sa labas ng fitting room. Sa labas ay nag-aantay ang dalawang guwardiya sibil na tinanguan ako, paniguradong sila ang escort ko patungo sa ball. Lihim akong nagbuga ng hangin dahil mangyayare na talaga ito ngayong gabi.

Bago tumulak, nagbalik ako ng tingin kina Yanyan, namalikmata lang ba ako o guniguni nang mapansin ko ang makahulugan niyang hatid-tingin saakin?

"Nagsisimula na ang event, kailangan na nating tumulak," paalam saakin ng guwardiya dahil sa paghinto ko. Hinawi ko muna ang ibang bagay a isip, ang tangi ko lang dapat alalahanin ay ang okasyon. Minsan lang ito.

Isa pa... gusto ko na ding makita kung ano ang mangyayare simula dito. Gusto kong maranasan ang... unang sayaw sa ilalim ng buwan.

Nagsimula na ulit akong humakbang, walang inaalalang iba. Nakarating kami sa pasilyo patungo sa royal ball, pinakita ng guwardiya sibil ang invitation card ko sa mga bantay na siyang vinerify sa isang scanner, nang magberde ay tumungo sila saakin saka unti-unting binuksan ang higanteng pintuan saaking harapan.

Dahan dahan... nasilayan ko narin ang pinakaloob mula dito sa bukana ng pinto.

The ball, it was...

Lumabas ang hangin sa nagparte kog bibig nang 'di ko man lang namamlayan. Ang... ganda. Pakiramdam ko ang liit liit ko dahil sa magarbong lugar. Dahil sa mga dekorasyon ay mas lalo kong 'di marukrok ang ceiling.

Lahat ng bagay ay may kinalaman sa karangyaan, ang hirap ipahayag sa mga salita lamang ng pagpupulong. It's really one of a heck prestigious event. Bumaba ang mata ko sa mga nasa loob, ang ilan ay napapatingin saakin saka ngingisi o kaya bubulong. I felt some insecurities that maybe I still look awful, but Radzyn's word the other day entered my mind. I am a breathtaking view.

Venom of the New Era (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon