CHAPTER 25

1.8K 107 147
                                    

Chapter 25
Roses in Red

I gathered myself once again. Nadatnan ko si Radzyn na nag-antabay sa may illusion room #4, tulad ng sinabi niya. Nakasandal siya doon, nakakros ang braso. Matunog akong huminga habang pinagmamasdan siya. Ilang dipa pa ang layo ko nang mapansin ako nito.

Instantly, a grin plastered over his lips. Dashing... as always. But for today, there is some kind of difference, he look more attracting on his uniform. Maybe it's the thought that pulls me closer because we now have the deep connection.

"Ready?" Naglahad siya ng braso na tila Prinsipe talaga, balak pa yata akong akayin. Tinitigan ko lang 'yon saka sinagi palayo.

"I prepare holding weapons rather than a man's hand." Napasipol siya saaking saad, matapos nagkibit balikat ay ginulo niya ang buhok ko.

"Just as I thought."

His smiles, it once again stop my surrounding. Slowly, my eyes drop to his curled lips.

Kumurap ako. Bago pa muling marahuyo ng kung anong enerhiya papalapit sakan'ya, inalis ko ang kamay niya saaking ulo, pero ang lalake ay nagpumilit na nakawin ang palad ko at pagsaklupin 'yon. Namula ako at halos sumabog nang higpitan niya ito.

'Wag niyang sabihing magkahawak kamay kaming papasok at lalaban? Sinubukan kong kumawala habang nagre-register siya sa illusion room. Tumigil ito panandali para balikan ako. Bumaba ang mata niya sa kamay namin, napaiwas ako ng tingin.

'Di ko mayanan at masabayan ang enerhiya niya. Lalo na at alam kong pinagmamasdan niya ang ekspresyon ko. Kinakabahan ako.

He hissed and pulled me closer, our shoulder touched. "We done more than this, Vira. Did you remember? You kissed me—"

"Ang kapal ng mukha mo." Nang itulak ko siya ay lumayo ito ng natatawa. Makahulugan ang tingin niya.

"Ano? Ikaw naman talaga. Nanghihila ka bigla."

"H-Hindi nga."

"Ikaw ah! Akala ko pa naman kung sino kang inosente."

"I-Inosente... ako."

Ni hindi ko siya matignan ng diretso! Damn. 'Di ko akalaing gagamitin niya 'yong pang-asar saakin. Sobrang init ng pakiramdam ko. 'Di ko naman masabing pinagsisihan ko dahil — oo na. Ginusto ko naman.

"Now you're denying it? I have proof, Vira." Kinagat niya ang labi at dinama ang kamay sa balikat niya na may senswal na boses. "Your lingering touch on my drop hot gorgeous sexy pretty basta lahat-ng-masarap-sa-tengang-compliment body."

'Di ko na siya nakayanan. At balak pa yata akong kulitin. Kesa sumabay, agad na akong pumasok sa loob ng illusion room pagbukas nito.

"Sarap namang makitang pikon ni Victoreigna."

"Sarap mong saksakin."

"Aba, talagang masarap ako!"

Wala akong naipalag nang paakbay niya akong hinila. Habang nakakunot ang noo ko, tawa ito ng tawa kada sisilip saakin. Nang mahimasmasan tumigil siya bago pumili ng set up ng illusion room. Tinulak ko siya saka sa ibang bagay humarap.

I heard him sigh and loosen his proud posture.

"Fine. Sorry na, 'di ko na ulit ide-describe paghila mo saakin kagabi at gaano mo inenjoy ang labi ko—"

"Gago ka."

"At oo." Tumango tango siya. "Matagal narin nang huli akong matawa."

Mula sa pag-unat ng manggas, nanlamig ang katawan ko. Mabilis na umangat ang mata ko sakan'yang maaliwalas na ekspresyon. Ang saya niyang tignan. Ang pakiramdam na ito. Naliligaw ako. Lumapit siya, tatlong hakbang lamang ang kinailangan para magwala na agad ang dibdib ko. Unti-unti... bumaba ang mukha niya saakin.

Venom of the New Era (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon