CHAPTER 10

2.4K 160 60
                                    

Chapter 10
Silent Secret

VIENN

Wala namang mangyayare saaking masama. 'Di naman ako gagawa ng labag — bakit ba kasi kabado na parang tange itong dibdib ko? Sarap barilin! Huminga ulit ako ng malalim — nanginginig talaga ako! Ulol na yata talaga ako! Kasalanan mo 'to, Jersey! Normalize blaming Jersey!

Paano ko ba kasi ibibigay? Nagpractice ako ng pakaunti tutal hindi pa naman niya ako napansin. Nilinis ko ang lalamunan ko saka ngumiti. Ops, paano ulit 'yong ngiti ko pagkaharap siya? 'Di ko namemorize! Ang tanga ko!

"Vienn?"

"P-Po!" Para akong nabundol ng truck sa pagkagulat. Hinarap ko 'yon at humigpit ang hawak sa tray. Si Neddie nga. Grabe, kahit namumutla, isang silip ko lang sakan'ya ganito na talaga kalaki ang apekto niya, ano?

Tumuwid ako ng tayo, kunwaring walang ibang nararamdaman, tahimik na titig sakan'ya and chill. Ito ang lagi kong inaalala pag siya na ang usapan.

"Ey yow," taas isang kamay kong bati. Ngumiti agad siya. Ka ganda!

"Bakit ka nandito? May masakit — teka? Pagkain?" Turo nito sa hawak ko.

"Y-Yeah. Sila Vira eh. P-Pinilit ako ng pinilit." Maniwala ka please...

"Weh? Taray naman nila at naalala talaga ako!" Balak nitong kunin ang tray nang ilayo ko sakan'ya. "Eh? Saakin, diba?"

Bumaba ang tingin ko sa braso niya. Narinig ko ang kwentuhan nila ni Vira kanina, na may sugat siya. Nakakainis na ngayon ko lang din napansin 'yon. Ang makita siya sa ganitong estado, napapawi ang gulo sa utak ko. Ang tanging tumatakbo sa isip ay mapagaan ang nararamdaman niya. "May sugat ka daw, malala?"

Umiling siya, karaniwang niyang ginagawa 'yon para 'di kami mag-alala. "Di naman gano—"

"Mamamatay kana daw?"

"Gagi!" Hinampas niya ako sa braso at tumawa ng malakas. Shet na malagket! Kumidlat sa puso ko! Ang paglapat ng balat niya at pagtawa nito. Juice mother... little things. How can little things wreck me this badly? "Galing mong manira ng araw."

"Gabi na."

"Ano ba!" 'Di ko naimpit ang tawa. Lumapit kami sa may kama niya. "Mautak ka talaga, ano?" Singhal niya sa pambabara ko. Mautak daw ako? Kung alam niya lang.

"Bakit, inggit ka kasi ako may utak?"

"Uy! Ugali nito!" Nilapag ko ang tray sa lamesang nakakabit sa kama para magsimula na siyang kumain. Umupo naman ako sa dulo ng kama. "Ano? Papanoorin mo ako?" Cute. Mas maganda pala ang view pag mas malapit sakan'ya.

"Wow, thank you dahil dinalhan kita ah? Ganda mo, girl."

"Pinilit ka nga, diba? Tss."

"Oo... kaya magpakabusog ka." Pa-slant akong naupo, sa likod nakatungkod ang kamay, hinayaan ko siyang kumain.

"Nga pala, nakarating narin si Zen doon para kumain?"

"Oo, lumalamon na." Nakatikim ako dito ng suntok sa braso. "Luh, anong problema mo?"

"Di 'yon palamon kumain. Lalake talaga marties ng bayan eh!" Pakiramdam ko ang sarap maging kaibigan niya, alam mo 'yon? Lahat talaga aalamin niya tungkol sa'yo kahit ang pinakatiting

"Discrimination ka," bintang ko.

"Mukha mo mukhang cremation." Ang nonsense ng pinag-uusapan namin. Pero bakit ang sarap sa dibdib ng ganito? Sapat na 'yon para kumpletuhin ang araw ko. Lumulutang ako sa ere. Kahit yata pagsinok niya kinikilig ako.

Venom of the New Era (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon