CHAPTER 11

1.9K 142 41
                                    

Chapter 11
Night Smokes

AKEESHA

Sinadyang banggain ng lalake ang braso ko pagdaan niya sa gawi ko. Fuck. Inigting ko ang panga ko pabuka at binalikan siya ng patalim na tingin. Inaasahan niya ang magiging asta ko kaya nakangisi narin itong humarap saakin.

Kilala ko ito. Matapobre ang asta, matangkad na payat at may tattoo sa kung saan saan. Tier ang pangalan niya. Isa sa pinaka-mayabang sa pesteng grupong ito. Kasama niya pa ang nagngangalang Bonn na isa sa mga sinama lamang sa palaro para mapunan ang kulang sa bilang.

"Ikaw pala." Sumandal ito sa pader para harangin ako. Kakaiba ang ngiti ng lalake saakin. Malagkit niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngumisi siya nang pumirmi ang paningin sa dibdib kong maumbok. "Binangga mo yata ako?"

'Di siya makapal sa parteng ako pa ang may kasalanan sa banggang nangyare. Gustong gusto ko ng sumabog sa galit ng mga oras na 'yon. Hilahin ang ulo niya saka ibasag ang bungo sa pader, sunod kong kakatayin ang leeg niya at ibabasbas sa buong gusali.

Natatawa siyang natameme saaking mukhang tinitigan lang siya. "You're really quite interesting as a rebel." Akmang hahawak ang kamay niya sa pisngi ko, natigilan siya sa napansing malamig na ihip ng hangin. Bumaba ang mata niya sa kutsilyong nasa tapat ng tiyan niya. Nilaro niya ang dila. "What's your plan, darling?"

"I want to see your small dick suffer." Nawala ang ngisi niya, pumalit ang asar na mukha. Lalo na at gumatong pa si Bonn sa sinabi ko. Tinanggal ni Tier ang kamay nito sa balikat niya at piniling lumayo saakin.

"Careful with your words, Gredorman. You might end up in my bait." Kaysa sumagot, pinadaan ko ang patalim saaking leeg saka dinilaan; diretso ang mata sakan'ya.

"Make sure I'll taste your blood by that time."

Umasik ito sa dulo, nagsikuhan pa silang dalawa, nagpapahiwatig ng impormasyong sila lang ang nakakaalam. Bago tumalikod kinindatan pa ako ni Tier. "Bye, psychopath."

Dumilim ang mukha ko pagtalikod sakanila. Ang daming nagnanais na dumaloy saaking puso na galit at inis sa mga nangyare ngayong araw. Sobrang tindi ng aking naging labanan. Tangina nila. Tinabi ko ang patalim sa bulsa para bumaba na at kumain. Tapos nito, wala akong balak na gawin buong magdamag kundi matulog at magkulong sa kwarto. What's the sense of keeping awake when you're alive yet feeling dead?

Pababa ako noon sa hagdan ng mala-tree house na site ng White Club nang marinig ko ang usapan sa may ibaba kung nsaan ang lounge. Bumagal ang paglalakad ko para marinig ito ng masinsinan. Sila Eury at Dandellion 'yon kung 'di ako nagkakamali.

"You think Moaz will let those two captured paranoid get off the hook easily? Psycho and the bitch, Frida?" Si Dandelion.

"Don't know. But anyways, Moaz will certainly want his allies disciples to his mindset. Little torture will do."

Nagsara ang kamao ko at sinilip silang dalawa sa siwang ng kahoy. Tingin nila saakin ay baliw, tapos ganito ang usapan nila? Sila nga 'yon, mga gaga. Torture para lang pumanig kami sakanilang Hari? Makakuha lang ko ng pagkakataon, ako mismo ang tatapos sa Hari nila, ibibitin ko pa patiwarik.

Tumuloy ako ng lakad na kunwaring walang narinig o kahit anong nalaman sa usapan ng dalawa. Nakarating ako sa open filed kung saan nakalatag ang iba't ibang decoration. Nandoon din ang grupo ng dalawang team ngunit may kanya-kanyang buhay at tila may 'di nakikitang border sa gitna na naging hidwa sa lugar.

Lumingon ako sa lamesa namin, kaunti lang ang nandoon kasama si Frida na nababagot sa mga kasama. Isa lang ang lamesa namin, wala akong magagawa kundi ang makisama.

Venom of the New Era (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon