CHAPTER 33

1.4K 105 74
                                    

Chapter 33
Scream

"Tanga, pangangampanya lang pala," bulong nila.

5th round... no. We were just delusional.

"Haya! Tamang hinala ang mga White Ducks!" Paninisi ni Vienn pagkalaho ng delikadong atmospira.

"Ah totoo ba talaga, mga Black Supot?"

Naglakihan ang mga mata nila Jersey. "Pak — !" Mabuti at napiit agad sila nila Neddie. Piningot niya ito at nginuso ang Reyna na nag-iintay ng aming sagot sa paanyaya.

Pagbawi ng tingin ko kay Moaz, umayos ako ng harap sa Reyna. Sumunod naman ang iba bilang paggalang.

Ngayon malinaw na saamin, mangangampanya lang naman pala. Hindi pa parating ang huling palaro.

"Let the Queen finish her sentence," ani butler Weston sa gilid.

"We're sincerely sorry for the misbehavior, pardon us." Nang sabihin 'yon ni Owinis, sa gilid ng mata ko ay pinagpyestahan nanaman siya nila Eury ng chismis.

The Queen lifted her forehead with lavish. "By Monday, both of the two royal groups will be campaigning. Across Euphoria, Peta and lastly Gredorma. This is more of a showcase for them to see your personal sympathy for the higher good of Carzuela's next government. Moreover, the main context of this event is for the King to answer their questions or request on spot. If they analyze that your words brought comfort, for sure they will support you as the next King."

It ring over our ears.

Kung gayon, ang tinutukoy niya ay makikihalubilo kami sa masa at gagamit ng mabubulaklak na salita. Malalaman na nanaman kung sino-sino ang sumusuporta saamin. Pero paano kung... wala? A doubt grew in my chest.

"This is a tactic to win their hearts and follow your commands in the near future."

Sinulyupan ko ang kabilang grupo. Nasalubong ko ang mata ng ilan na matabang kaming pinagmamasdan. Tila alam ko narin kung anong tumatakbo sa utak nila.

Ang kampanya ay magiging isang paligsahan. At ang debatehan ng salita ang magiging labanan. Ngayon palang, nag-iinit na ang mga dibdib namin.

"Samantala, habang hindi ko pa naibaba ang eksaktong araw ng inyong paglabas sa palasyo. Nais kong hilingin na ilaan niyo ang bawat lilipas na segundo sa paghahanda ng inyong talumpati at kung paano ipipirisinta ng matiwasay ang bawat isa sa masa. Tandaan puso ng tao ang inyong nanakawin."

Owinis fixed his glasses, a sign of pressure. I firm my lips, I will talk to him later. Better if it's just between us. I know he badly needs motivation since he was never good at interactions. But I doubt that an introvert like me can increase his confidence.

"I hope that my children understood these well. This meeting for today ends now..." Before she cue, she trailed off.

When we thought it's already done, she registered pressure in us.

"I also want to remind everyone that the 5th round is coming near. May the destined King... wins."

Not one can be seen moving after.

MATAPOS ang dalawang araw mula nang ipaalam ng Reyna ang mangyayareng kampanya ay naibaba na niya ang pablikasyon sa buong Carzuela. Nang malaman namin na nag-trending agad sa pasikot sikot ng buong kaharian ang paglabas ng mga manlalaro ng Chiavlry sa palasyo, parang mas naging lutang kami.

Kung ako lang ang papipiliin, ayoko na talaga nito. Crowds makes me sick. Plus adding the idea that we have to introduce ourselves and make short speech sucks. However, this is the fact. We can't skip this part.

Venom of the New Era (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon