CHAPTER 38

1K 80 27
                                    

Chapter 38
Raise a Torn


The searing pain. I could feel it in my chest once again. It's... something alive. Devouring me.

He was right in front of me. Meters away. I should have grab him. I should have called him. I should have done something. I could save him.

But the moment I saw the arrow through Vienn's stomach, I fell silent. Motionless. Lost. The blood scattered all over the place. It stained my skin.

And his voice, it will haunt me.

"Pakisabi na.... a-ang ganda ng buwan, Neddie."

There was no shield around, and it's arriving vastly, so he took it with a smile. That arrow was supposed to be mine.

Nanginginig ako. Nalilito ako sa gagawin. Gusto kong magwala at sumigaw, sabihin na tumigil na sila sa ingay. Tumigil na sila sa bakbakan. May tao sa gitna! May nahihirapan! Kailangan naming humingi ng tulong! Pwede pa siyang maligtas! Tumigil muna kayo!

Hirap na hangin lamang ang lumabas sa bibig ko. 'Di rin ako makalapit sa takot na ang dugo niya madidikit saakin.

"Let's go." Makabakal na kamay ang humila sa braso ko palayo, subalit pirmi parin ang mata ko kay Vienn. Wala akong pakielam kung malapit na sila Forester o ano.

May gusto pa akong sabihin. Pero lahat ng pag-asa ko ay naglaho nang tuluyang pumikit ang mga mata ni Vienn. 'Di siya gumagalaw. Ang maingay kong kaibigan ay naiwang mag-isa sa dampa.

"V-Vienn...." Pumitik saaking utak ang posibleng nangyare. Hindi na siya gumagalaw. Pinilit kong alisin ang kumakaladkad saakin palayo. "Kailangan kong balikan si Vienn. Kailangan niyang maalis doon. Walang maiiwan—"

"Stop struggling."

"Bitaw — !" Next thing I know, my back laid flat at a rock inside a cave we found. Kapos din ang paghinga ni Quillon at basa dahil sa nangyareng gulo.

"Vienn is gone, Reigna. He is gone." Paulit-ulit niyang siksik sa utak ko.

Gigiba na ata ang mga tuhod ko. Paulit-ulit na naglalaro saaking isipan ang mga huling salita niya. Halo-halo na sila sa utak ko. Iba't ibang boses. Mga plano na walang iwanan, mga usapan namin tungkol sa anak ni Gino. Ang mga lihim niyang pagsulyap kay Neddie. Ang pagkanta niya saamin.

Vienn... masyado pang maaga.

Bumagsak ako paupo, tulala. Butil butil ang pawis mula sa kaba.

Walang komento si Quillon saaking itsura. Samantala habol hininga niyang inaral ang kinororoonan namin. Sumilip ito panandali sa may bukana kung saan dinig ko ang patuloy na away sa magkabilang grupo.

"Stay here for awhile," he said in the most plain way. "Collect yourself, I will come back for you."

Tanging hangin ang nakasama ko paglisan niya upang tulungan ang Black Spade. Gusto ko din namang tumayo. Buksan ang venom at gumanti na parang walang bukas. But how? How with these building tears in my eyes? With this lump in my throat expanding to my chest?

Paano? Paano ko sasabihin kay Neddie ang nangyare?

A Gredorman had fallen again.

And all I did was... watch again.

They all died, and I watch.

I only fucking watch.


HINDI ko namalayang mag-iisang oras na pala akong nakatungo sa braso ko sa parehong pwesto na pinag-iwanan ni Quillon saakin. Bumalik lamang ako sa wisyo nang kumatok ito sa bato upang makuha ang atensyon ko.

Venom of the New Era (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon