CHAPTER 9

2.2K 150 90
                                    

Chapter 9
Card Protectors

Naagaw nila si Akeesha.

Kahit anong gawin naming paghahanap sakan'ya ay kina Moaz parin ang bagsak niya. Umalingawngaw ang putok ng flare gun, pahiwatig 'yon na buo na ang dalawang grupo. Si Quillon at Akeesha ang naging huling myembrong kumumpleto.

Matapos 'yon, may lumabas kaninang hologram na nagsasabing may isang oras kaming pahinga, sa break na 'yon pag-usapan ang mangyayareng pag-aasign ng cards. Hinayaan naming si Owinis ang magdesisyon noon, nasa gilid siya at nag-iisip. Makalipas ang isang oras dapat ayos na ang lahat dahil sa dulo ng Maze naman kami tutungo.

Magkikita daw ang dalawang grupo doon, opisyal na idedeklara ang magiging card protectors sa madla. Kailangan swak ang katangian ng  myembro sa role ng card dahil hanggang dulo niya 'yon paninindigan.

"Ahm, hello. B-Bakit ngayon kalang po?" Tanong ni Jersey kay Quillon, magkakalapit silang mga lalake sa isang banda. Bumuka ang isang mata ni Quillon mula sa pagkakaidlip na kinaurong ng bata.

"What?" He said in bedroom-like-voice.

"W-Wala naman po. K-Kanina kasi walang nakakita sa'yo, tapos sumulpot ka nalang bigla."

"I was busy."

"Eh? Anong ginagawa mo?"

"Tulog."

"A-Ah... b-bigat nga noon..."

Sinara ko ang mata sa katamaran niya. Wala siyang pagbabago. 'Di ko akalaing siya pa ang mapapasama saaming grupo. Siya ang huli kong gustong makasama sa mundong ito. Ang tamad tamad. Pero ano bang inaangal ko? Sa dulo ng araw ay isa parin siya kandidatong malalakas. Inalis ko ang atensyon ko sa usapan ng dalawa bago pa nila mapansin.

Nilingon ko nalang si Neddie na nakatungo pa din sa tuhod niya. Nasa pagitan namin siya ni Zen; siyang nakasandal lang ang ulo sa pader at tahimik.

"Pasensya na wala akong maibibigay na tubig." Umangat ang ulo niya at umiling. Nagpilit siya ng ngiti.

"Pagod lang ako. Mawawala din 'to."

"Pinoroblema mo si Akeesha, diba?" 'Di ako gumamit ng pagsasala ng ideya. Kusa 'yong lumabas saaking bibig. Halata namang saaming lahat ay siya ang pinaka-apektado sa nasaksihan namin. Ang mabilis na paggalaw ni HM Azrael na kinatangay ni Akeesha. Ang lapit na eh — lahat kami umaasa na saamin siya mapupunta. At kita ko din sa mata niyang saamin niya gustong sumama. But that monstrous ex-head moderator ruiner our plan.

"Pilit ko namang sinasantabi. Pero 'di ko maiwasan. Nag-usap kami bago ang palaro eh, sinabi kong gusto ko siyang dumikit pa din saatin kahit na wala na si Stella." May dampi ng sakit ang sinasabi niya. "Nangako pa ako kay Stella na ako ang bahala sa tinuring na kapatid niya. Tapos ganito ang nangyare unang level palang ng palaro nagkalayo na tayo. Ano pa sa susunod? Nag-aalala ako."

Humugot ako ng lakas sa pagsara ng kamao. "Sinabi naman nila Owinis na 'di sila gagawa ng masama kay Akeesha. Diba nga at magkagrupo na sila?"

"Oo nga at 'di nila pwedeng gawan ng masama ang kapwa myembo. Pero alam mo naman si Akeesha, mainitin ang ulo noon. Hanggang saan nila kayang manahimik sa kakabunganga niya sakanila?"

"Akeesha had grown," singit naman ni Zenaida. Pumihit siya ng tingin saamin. "Di niyo man pansin, tahimik man siya. Pero may nagbago doon. Kaya Neddie, kung gusto mong maayos si Akessha ipakita mong maayos ka din."

"Zen..."

"Kaya niya ang sarili niya, alagang Stella 'yon." Dahil sa sinabi ni Zen, nagsanhi 'yon ng bagong pananaw kay Neddie. "As a leader, you trust your teammates, right?"

Venom of the New Era (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon