CHAPTER 12

2.2K 162 108
                                    

Chapter 12
Day Hymns

VIRA

"Let's eat?" Pumikit ako nang mariin sa sumalubong na tinig sa labas ng kwarto ko. Diniinan ko ang pagsara sa pintuan bago siya harapin. Tumuwid naman ito ng tayo at sumaludo saakin. "Good morning, sweetheart," may kulot ang tono nito sa dulo.

Binitawan ko ang tingin dito saka tumuloy sa paglalakad pababa. Sumunod naman ang lalakeng nagtataglay ng magkaibang mata. Energetic yata siya ngayon? Panget niya. Kaysa pansinin ang presensya niyang papito pito sa gilid ko, sinipat ko ang open area kung nasaan ang mga hapag.

Nakakalat natin kung saan saan ngayon ang kakampi ng White Club. Saamin naman ay halos wala pa akong makita, siguro nagpapahinga pa sila. Sinadya kong maagang magising para makita ko kung ayos na si Neddie. Pero mukhang nasa clinic pa ito.

"Vira, may tanong ako. Bilis isa lang," bali ni Radzyn habang nasa hagdan kami.

"Ano?"

"Anong view ang pinakamaganda? Front view? O side view?" Kahit pa nagtataka dahil wala namang landscape dito nagkibit balikat ako.

"Ano?"

"Edi... beautiful you!"

Wala akong narinig at mas binilisan nalang ang paglalakad para iwanan siya doon. Nakuha naman nito na walang kwenta ang pinagsasabi niya kay nanahimik nalang.

"Sabay tayong kumain ah? Sulitin natin habang wala pa 'yong mga asungot!" Sinilip ko siya pa-simple sa gilid mata.

"Hindi kita gustong kasama."

"Naman naman naman! Ayan ka nanaman! Pinipigilan ko lang ang kilig mo, diba?" Umikot ang mata ko kay Radzyn. "Sabay na kasi tayo. Sige na, payagan mo na ako? Bati na tayo, diba? Sabi mo pa nga, I wish for... you to find me sooner." Tumigil ako para harapin siya. Nagtaas agad ito ng kamay. "Sorry, kunwari wala akong naalala."

"To clear it out to you, prince Rad-"

"Call me baby."

Nagkibit ang labi ko. Ang kamao ay inaanyaya akong ipatama 'yon sa panga niya.

"Kung ayaw mo ng baby, pwede namang mooncake... or my favorite. Sweetheart! Ang tamis diba? Ngayon palang natitikman ko na ang lasa mo-."

"Matitikman mo muna ang kamao ko bago 'yon."

"Eh naman eh!" Para siyang batang nagdadabog. Nakakainis ang panggogoyo niya sa umagang-umaga. Iniwanan ko na siya doon bago pa may makarinig saamin. "Basta ayaw o gusto mo, tatabi ako sa'yo. Alam mo bang todo pigil akong tumabi sa'yo noon sa turnamento dahil baka makilala nila ako?"

Ano? Gusto niya akong tabihan noon pa? Umiling ako sa loob loob ko. Stop it, Vira. Get a grip!

"Kinakabahan lang ang mukha ko na baka makilala nila ang kagandang lalakeng ito. Ma-rape pa ako kung sakali diba? Dami pa man din fans ko."

At sino-sino naman ang babae niya? Tss. Syempre sobrang dami nila panigurado, anong aasahan sa isang katulad niyang hangal? Landi niya. Ang sarap biglang... basta.

Nakarating na kami sa labas nang 'di ko siya pinapansin. Umikot ako ng tingin. Wala talagang katao-tao. Sa kabilang lamesa ay sila Fernan na tumango lang saakin. Sinagot ko siya ng tango. 'Di ko alam ang dahilan kung bakit siya nandoon, kaaway man siya wala parin akong dahilan para 'di pansinin ang minsnag naging ama ng Gredorma.

Umakbay saakin si Radzyn patungo sa food stall. "Let's eat each other na - I mean. Let's happily eat."

Kung may punyal lang ako dito, una kong tatabasin ang dila ng lalakeng ito para manahimik. Habang naglalakad kami, sinilip ko ang mukha niya. Kahit saan ko talaga tignan... malayong malayo siya sa isang lalakeng nanaisin ko - hindi naman sa gusto ko - ang ibig kong sabihin, sa isang lalake. Tama. Kung makakapansin ako ng lalake. Ayoko ng ganito kaingay. Kamisteryoso at kalandi. Kaya sa dinami dami ng tao, bakit ganito magreact ang sistema ko tuwing malapit siya? Tuwing sasanggi ang mata namin sa isa't isa? Bakit ang sarap 'wag siyang pakawalan para magdamag nalang na panoorin ko ang mata niya - baka nga baliw na ako.

Venom of the New Era (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon