CHAPTER 20

1.7K 117 64
                                    

Chapter 20
Riddles

VIRA

Bumalik ako sa reyalidad, tinanggap ko ang lahat ng pagkasira ng gabi at saka na umalis sa music room para bumalik sa ball room. Walang nangyare kanina sa garden, at 'yon ang paniniwalaan ko.

Paparating palang ako sa hagdan pababa ng lower deck nang isang panganib ang naramdaman kong paparating. 'Di ko sigurado kung ano 'yon pero nagtaas ang tingin ko sa glass ceiling ng ballroom, bago pa ako makapag react ay bumulusok ng basag ang salamin, nagkalat ang kuminang na bubog, pumasok ang pana na siyang tila hangin na tumarak sa pader.

Naiwang nakatulala ang lahat, kahit ako man ay 'di marehistro ang nangyare sa palapag. Mula sa gitnang bahagi ng hagdan, namataan kong gumalaw doon si HM Azrael, hawak niya pang mabuti si Akeesha na 'di ko alam kung bakit magkasama. Sinundan ko ng tingin ang nilapitan nila; ang pana.

Agad kong napansin ang kakaibang bagay sa may shaft, may nakabalot doon na papel, nakuha noon ang buong atensyon ko. Kung sino man ang pumana, may gusto itong sabihin na... babala? 'Di naman ako tanga para 'di maisip 'yon. Nanggulo sila, panigurado na ito ang pakay nila.

Binuksan ni HM Azrael ang papel, nanatili ang pantay niyang itsura, ngunit nang si Akeesha na ang tumingin ay kakaiba ang pinakita niyang ekspresyon. Halong pagtataka at... gambala?

Naudlot ang gusto kong malaman na tinatago sa papel nang kunin 'yon ni Azrael at tiklupin na parang wala lang. Sunod ay hinarap niya ang kongregasyon na lumumanay na sa naging ganap.

"What happen?" Panimula agad ni Eury sa baba ng hagdan. "Are we being attacked?!"

"Calm down," tila pamumuno ni Azrael sa lahat. "No one's hurt, I'm assuring all of you that what happen is nothing serious."

"Oh come on, share the tea for tonight!" Moaz said in chuckle, his crossed legs are laid on the table while sipping wine. Still looks pecuilar in front of our eyes. "We know something's up..."

I don't know the reason, Azrael hid the paper behind him in tight grip. He managed to look unbothered. "We still don't know who's behind. But for sure once the investigation started, the palace will unveil the attacker."

"Wala nabang susunod doon?!" Si Vienn na kabado.

"I think though, maybe he just want to pull pranks. For now," he signed the event organizer at the back. "Gather the guards and tighten the security, make sure that no one will leave the palace as our first aid about this scene. The culprit must have been working in here."

"We will call them right away, sir!"

Binalikan niya ng tingin ang loob. "The party's over—"

"Wait, at sino ka para mag-utos saamin?" Sabat ni Tier. Nang bumaba naman ang tingin dito ni Azrael para siyang natuod.

"Then stay here, wait for further attacks as possible. Goodnight," huli na niya 'yong binitawang kataga saka muling hinawakan si Akeesha patungo sa pasilyo. Sinundan ko sila ng tingin, mukhang natunugan ako ni Azrael na nakatingin kaya lumingon ito sa gawi ko. Napansin ko nanaman ang paghigpit nito sa papel.

"Let go," piglas ni Akeesha sa kamay niya.

"Continue walking while I'm still being nice here."

"P-Pakyu ka."

Pagliko nila sa pasilyo, doon naman malakas na bumukas ang grand door ng ball room kaya doon ako tumingin. Si butler Weston, nagmamadali siyang maglakad. Sa gilid naman niya ay ang inutusan ni Azrael kanina, panay ang bulong nito dito sa kung anong nangyare.

Venom of the New Era (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon