CHAPTER 21

1.5K 132 86
                                    

Chapter 21
Out of Breath

Why. Why him?

The thing he done to me that night hasn't still vanished in my heart, it's still fresh like a wound from lashes. And thinking that he never approached me to explain what went wrong that night pained me.

He didn't even said sorry... he didn't even care... like what happen didn't matter at all. He doesn't know anything about what I felt.

"Radzyn."

Is it truly him. His familiar feature, animal like eyes. Danger screaming in his every step. And a grin that could captivate every rock heart. I didn't move. Dead eyes... out of breath.

"Vira?" Tawag niya sa inosenteng tono na kaagad akong nilapitan sa gitna. Tuwang tuwa ang mata niya na nagawa pa akong hawakan. Pagdampi niya ng balat saakin, para akong napaso at lumakbay 'yon hanggang dibdib ko. Ang lamig... ang bigat. Napalitan ang pagkamangha niya ng pilyong ngiti. "You think this is destiny? Sabihin mo why, bilis."

No one answered.

"Eh? Depress kaba? Tara shot? Barilin natin si Wendell ganoon."

Tinalikuran ko siya na walang usap. Nagmarka saaking isip kung paano siya tumingin. Minsan malalim, minsan nakakalunod, kadalasan mapaglaro. At habang pinapasok ko sa isip ang lahat, napagtanto ko na... lugi nga talaga ako larong ito.

Hanggang ngayon... wala parin akong alam sakan'ya. Hanggang ngayon pinagdamot niya parin 'yon. Naguguluhan na ako sa kinikilos niya.

"Vira, napaka-snob mo pa nga. Parang'di mo ako na-miss, sweety ko." Sinandal nito ang ulo sa kamay na nasa likod ng batok niya, pansin ko sa peripheral view ang pagsilip niya saakin na tila nawi-weirduhan saka siya sisipol. "So talagang 'di mo ako namiss? Huminga ka kung oo." Maang nito. "Uy, kahit paghinga man lang dyan? Uy! Uy, Vira naman eh! Please pakititigan man lang ako? Iiyak na ako bahala ka!"

Hinihila niya pa ang damit ko. Panay ang aral niya saakin ng titig.

"Paglumingon ka, akin ka! Pag hindi dudukutin ko mata mo!"

Sa wakas ay lumabas na ang card sa harapan namin, sunod na nag-appear ng riddle. Lumapit ako doon paghila ko ng braso sakan'ya, halata ang pwersa doon kaya natahimik siya. Pinagpag ko din ang hinawakan niya, damang dama ko ang bumabaon nitong titig saakin. Malapit ko nang simulang basahin ang riddle nang wala sa timing na hinila niya ang braso ko paharap dito.

"Anong problema mo? 'Di mo ba ako kita?" Ang higpit ng kapit nito sa braso ko, napapadaing rin ako sa loob. 'Yong tipong 'di ka niya papakawalan, ang mata nito ay lumevel pa saakin dahil sa tangkad niya. Magkasalubong ang kilay nito, umigting din ang panga. Nanghihina ako.

At gusto ding natawa sa loob.

Gusto niyang makita ko siya... eh ako? Nakita niya ba? Unfair.

"Anong mayroon sa'yo at gan'yan ka nanaman umasta? Kanina pa kita kinakausap, Vira—"

Tinapos ko ang pagsasalita niya sa pagtabig ng braso niya saaking balikat, nilabas ko din ang venom ko. Walang usap, nagniningas ang mata kong dilaw dito. Base sa akto nito, mukhang wala siyang maalala, wala din akong naalalang may pake ako dito.

Mas nangunot ang noo nito. "What the? I'm politely asking in here. You can speak up — Vira, ano ba?!" Hinila niya pabalik ang braso ko dahil sa pagtalikod. "What's wrong with you?"

Venom of the New Era (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon